Sorry for not updating for more than 3 weeks. Masyado lang po kasing maraming inaasikaso. Pasensya na rin ho if mabibitin ho kayo. Medyo malapit na rin kasing matapos ang HGQ kaya short updates na ho kada chapters.
~*~
Isang oras ng dilat ang mata ko habang naka higa sa kama ko. Hindi ko maialis sa isipan ko ang nangyari kanina. Isang banta nanaman ang natanggap ko galing sa nagbibigay sa akin ng black rose. At ang nakakalito pa ay may initials itong TM.
Sa tingin ba nila ma uuto nila ako? Akala ba nila mapapaniwala nila ako na ang nagpapadala ng black rose ay si Tyler mismo? Na in the first place sila ang dahilan kung bakit namatay si Tyler?
Si Trevor. Oo, may posibilidad na siya nga ang nagpapadala pero hindi ako naniniwala. Matagal ng tapos ang away nilang dalawa ni Tyler kaya naniniwala akong hindi siya iyon. Atyaka, nasa rehab pa rin siya hanggang ngayon.
Ngayon ang tanong, sino pa ba ang pwedeng paghinalaan? Sino ang may galit sa akin? Sino ang may galit kay Tyler.
Bigla akong naalimpungatan sa malakas na tunog ng alarm clock ko. Dahan dahan akong dumilat at pinatay ang alarm. Nakatulog pala ako kagabi sa kakaisip tungkol sa threat na natanggap ko.
Hindi na dapat ako magpapaapekto. Bakit pa? Eh matagal ng nawala ang nagpapasaya ng buhay ko.
Wednesday
"Ma'am nasa labas na po si sir Patrick, naghihintay sa iyo."
Napabangon ako sa kama at napalingon sa side table kung saan andun ang alarm clock ko.
Oh sh-t. I'm late!
Mabilis akong bumangon at ginawa na lahat ng kailan bago pumunta ng university. I f-cking forgot na buhay pa pala ako at kailangan kong ipagpatuloy ang miserable kong buhay.
"Absent na tayo sa first subject." bungad sa akin ni Patrick pagpasok ko ng sasakyan niya.
"I know, just f-cking drive." Sabi ko at sinuot ang seatbelt.
Nilingon niya ako na para bang may gusto pa siyang sasabihin kaya nilingon ko siya pabalik at tinaasan ng kilay.
"What?" Irita kong tanong.
Umiling naman siya at sinubukang ngumiti pero hindi niya tinuloy.
"Nothing." Aniya at nagsimula ng magdrive.
Habang nasa gitna kami ng kalsada ay walang misking isa ang nagbalak na magsalita. Bakit ako magsasalita? Wala ako ngayon sa mood. Atyaka, napagtanto kong bumalik ang mga banta dahil may umaaligid ulit sa aking lalake.
Hmmm, maybe the one sending me threats is a girl.
BINABASA MO ANG
His Gangster Queen
Teen FictionCompleted [Book 2 of HGP] || Tyler was not Adrienne's star but her whole sky. Everything was flawless for the both of them but what if "Tragedy" will interfere in there almost perfect story? READ "HIS GANGSTER PRINCESS" FIRST BEFORE CONTINUING. Book...