Happy 20K to His Gangster Princess. Oh em gee! Thank you for all of your support.
~*~
Titig na titig ako sa malaking flatscreen tv namin habang pinapak ang nakalatag na Lays sa tabi ko . Hindi ko na kinayanan at humagulgol na ako sa iyak habang sumusubo ng pagkain. Masyado ng masakit ang nararamdaman ko.
“Stop crying, Adrienne. You look stupid.” Biglang singit ni Tyler.
Sinamaan ko naman siya ng tingin at tinuro ang mga namamaga kong mata na patuloy pa rin sa pagiyak.
“These tears are real, Tyler. My feelings are real, you insensitive jerk!” sabi ko at pinalo siya sa braso.
He just snorted. Nakakainis ang lalakeng to.
“It’s just a movie so stop crying at baka sabihin ng mga magulang mo na pinaiyak kita.” Sabi niya.
Mas lumapit naman sa pagupo si Tyler sa akin at niyakap ko. Sinuntok suntok ko naman ang dibdib niya. Nakakainis! Panira talaga ng moement ang lalakeng to. Hindi niya ba alam na ang sakit mawalan ng minamahal? Naawa ako kay Hazel Grace eh.
“You shut up! Ang manhid mo, nakakainis. Augustus just died, Tyler! He just died.” Sigaw ko
Natawa naman si Tyler sa inasal ko at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin. Hinalakan niya ang noo ko at agad na hinimas ang likod ko.
“Shhh, tahan na. Andito na naman ang totoong Augustus mo.” Bigla niyang bulong sa tainga ko.
Kumalas naman ako sa pagyakap at binatukan siya. Agad naman siyang nagreklamo kung bakit ko iyon ginawa. Marahas kong pinunsana ang mga luha ko at sinamaan siya ng tingin seryoso ba siya sa sinabi niya? Nababaliw na ba siya?
“Ikaw? No way! What the hell are you thinking?” Galit kong tanong.
Naguguluhang napakunot noo akong tinignan ni Tyler na para bang hindi inaasahan ang sinabi ko. “What? Ayaw mo ako maging Augustus mo? Iyak ka ng iyak sa kanya eh andito naman ako!” sigaw niya sa akin.
Napailing naman ako. Yes, I love Augustus Waters pero isang fictional character naman siya eh. Syempre masasaktan ako sa parte ni Hazel Grace dahil nawalan siya ng minamahal. Kaya nga ayaw kong matulad kami. Kainis, at sinabi pa niyang siya ang Augustus Waters ko. Tsk, ayaw kong mangyari iyon.
“I don’t want you to be my Augustus, okay? I don’t want you to leave me.” Nakahalukipkip kong sabi.
Unti unti namang nagbago ang kunot niyang mukha. Naintindihan na niya siguro kung bakit hindi siya pwedeng maging si Augustus Waters ng buhay ko.
“Right. Hindi mo kailangan si Augustus dahil andito naman ako.” Sabi niya at kumindat.
“Sure?” natatawa kong sabi.
“Sure.” Sabi niya at niyakap ulit ako.
BINABASA MO ANG
His Gangster Queen
Teen FictionCompleted [Book 2 of HGP] || Tyler was not Adrienne's star but her whole sky. Everything was flawless for the both of them but what if "Tragedy" will interfere in there almost perfect story? READ "HIS GANGSTER PRINCESS" FIRST BEFORE CONTINUING. Book...