I'll start writing pagnagka 500 votes na ang HGQ. Alright? Masyado aksing mababa ang votes kumapra sa reads. Parang nahinaan tuloy ako ng loob kasi mukhang walang may gusto. Anyways, thank you for still reading!
~*~
“You look very pretty, Rien.” Ani ni mama at niyakap ako. “This is it, you’re eighteen. Happy Birthday.”
Ngumiti naman ako at niyakap siya. Gusto kong umiyak sa harap niya at sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. Na nagpapasalamat ako sa lahat ng ginawa niya. Pero kailangan ko ng pumwesto sa entrance ko dahil magsisimula na ang debut program.
“Thank you, mom.” I said and flashed a smile.
Tumango naman si mama at umalis na. Pumwesto naman ako sa isang mini stage at tumuntong rito. Para akong magcoconcert kung tignan dahil imbes na sa isang mala fairytale staircase ako baba ay sasakay ako sa isang stage na itataas nila papuntang main stage. Galing ako sa baba at pagtaas ay bubungad kaagad sa akin ang mga imbitado at ang escort ko na si Tyler. Hindi naman ganoon karami ang imbitado, nasa 50-70 lang dahil ayaw kong masyadong engrandeng party.
Narinig ko naman ang pangalan ko at palakpakan ng mga tao hudyat para magpakita na ako. Dahan dahang umaakyat ang mini stage kung saan ako tumatayo. Unti unting nagkaroon ng liwanag sa aking paligid. Ni hindi ko nga makita ang mga tao dahil sa spotlight na nakatutok sa akin. Kabadong kabado akong ngumingiti sa kanilang lahat kahit hindi ko alam kung ano ang mga ekspresyon nila.
Nang tuluyan na akong nasa harap ng main stage ay nakita ko si Tyler na nakangiti sa akin habang papalapit. He’s wearing a dark tux . Suot niya pa rin ang nakakapanindig balhibo niyang ngiti at mapupungay niyang mga mata. Nasisilaw rin ako sa kanyang diamond earing sa kanyang kaliwang tainga. Damn, he’s handsome.
“Alam kong gwapo ako, wag mo ng masyadong ipahalata.” Natatawang sabi ni Tyler at nilahad ang kanyang kamay.
“Tss, still an arrogant gangster.” Sabi ko at tinanggap ang kanyang kamay.
Naglakad kami papuntang gitna at nagsimula ng magsayaw para sa opening program. Sumabay rin ang iba kong mga kaibigan at pinalibutan kaming dalawa ni Tyler.
“You look tense.” Ani ni Tyler.
Umiling naman ako at tumitig sa kanya.
“Yes, but in a happy way. I can’t believe this is happening.” Sabi ko.
Ngumiti naman siya sa akin at kumindat. Grabe, ako lang ba ang nakakakita na parang kumikislap na parang bituin ang mga mata ni Tyler habang ngumingiti.
Pagkatapos naming magsayaw ay hinatid ako ni Tyler sa harap at pinaupo sa mala prinsesa kong upuan para manood ng program. Para akong baliw sa kina uupuan sa kakatawa at kaiiyak. Naghanda pala ng surpresa ang Black Horizon sa akin at lahat sila ay sumayaw. Si Jade at Charlotte naman ay kumanta. Nagsolo dance rin si Dylan. Grabe, hindi ko inaashang susurpreesahin nila ako ng ganito.
Hindi ko rin mapigilan ang umiyak sa harap ng magspeech ang aking mga magulang.
BINABASA MO ANG
His Gangster Queen
Teen FictionCompleted [Book 2 of HGP] || Tyler was not Adrienne's star but her whole sky. Everything was flawless for the both of them but what if "Tragedy" will interfere in there almost perfect story? READ "HIS GANGSTER PRINCESS" FIRST BEFORE CONTINUING. Book...