#17: Close

111K 3.9K 668
                                    

Woooo! Happy 4k followers. I kenet believe it! Kahit medyo frustrated ako dahil sa ibang readers na medyo nakakalungkot ang mga comments pero okay lang masaya ako dahil hindi niyo ako iniiwan! Love you guys! :) 

~*~

Where are the stars? Why is it so dark in here? Why did darkness took over my soul?

I need to see the light again. Let me see the light again.

Sinubukan kong pigilan ulit si Adam pero hindi siya nakinig sa akin. Hindi raw umaatras sa laban ang Cryptic Vipers at hindi raw siya papayag na mawala ako sa gang dahil kailangan niya ako.

"Nathan, don't do this to me." Ani ko at napailing.

Hilaw na ngumiti si Nathan sa akin at umiling. Nasasaktan ako! Hindi nila ito kailangan gawin para sa akin. Sana maintindihan nila na gusto kong manatili sa Cryptic Vipers.

"I won't tolorate you this time, Xyra. We're going to get you back." Ani niya.

Napatingin ako sa dala kong baseball bat. Hindi ko kayang ihamapas ito kay Nathan o kahit kanino sa myembro ng Black Horizon dahil pati ako ay masasaktan sa gagawin ko.

Agad sumugod ang Black Horizon kaya sumugod na rin ang Cryptic Vipers. Wala akong nagawa kung hindi ang tignan silang nag-aaway. Sumasakit ang puso ko sa nakikita ko. Kitang kita na mas malakas sa opensa at depensa ang Cryptic Vipers kaysa Black Horizon at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakatunganga lang ako habang nakatingin sa kanila.

May biglang sumugod sa aking isang Black Horizon. Kilala ko ito, isang taong mas bata sa akin. Sinubukan niya akong suntukin pero umilag ako. Hindi siya sumuko at tinapunan ako ng maraming suntok pero walang kahirap hirap ko itong inilagan. Hinampas ko siya sa may tagiliran pero mahina lang. Gusto ko lang siyang tumigil sa pagsuntok.

“I can’t do it.” Ani ko.

Nakita ko ang frustration niya sa mukha niya at marahas na napapikit. Narinig ko pa ang pagmura niya. Katulad ko ay hindi niya rin gusto ang nangyayari.

“I’m sorry but I need to do this.” Bulong niya sa akin at agad akong sinuntok sa kaliwang pisngi.

Napaupo ako sa sahig at napahawak sa putok kong lagi. Alam ko namang ginagawa niya ito para iligtas ako. They need to defeat me in order to get me back on their side.

“Oh sh-t, wag ka ngang magpadala sa emosyon mo!” sigaw ni Savannah sa may likuran ko at agad sinuntok at sinipa ang taong sumuntok sa akin kaya agad itong nawalan ng malay.

Pinatayo ako ni Savannah at agad sinampal. Hindi na ako nagulat sa ginawa niya. I deserve that.

“Wag kang magpadala sa iyong nararamdaman Saavedra. Remember, isa kang mymebro ng Cryptic Vipers at kailangan mong gawin ang dapat gawin. Kaibigan mo sila o hindi kailangan mong ipaglaban ang grupo. You want to be officially be part of us right? Then go, Fight!” aniya at tinulungan akong makatayo.

Tumango ako. Ito rin ang tanging paraan para tumigil na ang Black Horizon sa kanilang kahibangan. Yes, nahihibang na ako at sumali ako sa isang gang pero ito lang kasi ang nakikita kong paraan para magbago. Eh sila? Para saan ang ginagawa nila? Para sa akin? F-ck, mapapahamak lang sila dahil sa ginagawa nila! At ayaw ko iyon. Mas gugustuhin kong maging ligtas sila kaysa pinaglalaban ako. Dahil okay lang naman ako dito sa Cryptic Vipers. Hindi dapat sila magalala.

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon