#22: Just Friends

132K 4.1K 660
                                    

Classes are over but I'm still busy since I have a summer job. Saklap noh? But It's erkaay! Sorry for the late update. 3 weeks din hinintay niyo kaya sorry. Huhu.

~*~

Padabog akong nagtungo sa elevator. Shit, bakit kakaiba itong nararamdaman ko? Para bang bumabalik sa sistema ko ang epekto sa akin ni Tyler, yun nga lang sa pagmumukha ng gagong iyon.

“Shit, relax. Nagulat ka lang, Rien.” Bulong ko sa sarili.

Pinindot ko na ang down button sa elevtor at naghintay. Damn this thing. Bakit ang tagal tagal ng elevator! Gusto ko ng makaalis na impyerno ito at baka lumabas pa ang demonyo---

“Nothing, it’s just unusual for me. Me looking as your ex slash dead boyfriend? Wow, that’s just---“

Bigla kong naalala ang sinabi ni Patrick. Ang kapal ng mukha talaga! Ang kapal! Siya magiging kamukha si Tyler? Oo, tama magkamukha nga! Pero mas gwapo pa rin si Tyler! Walang makakatalo sa kagwapuhan ng mahal ko.

“Teka, paanong...”

Mabilis akong tumakbo pabalik sa condo ni Patrick. What the actual f-ck? Paano niya nalaman na boyfriend ko si Tyler? Wala naman akong nasabi sa kanya ha? Nadulas ba siya? Si Tyler nga ba si Patrick?

“Tang-na, buksan mo to!” sigaw ko sabay katok ng napakalakas sa pinto.

Seriously, I’m going crazy! Bakit lahat na lang? Shit, bakit lahat na lang  na sabihin niya pwede kong bigyan ng kahulugan na siya nga si Tyler.

“You f-cker, open this damn door!”

Bumukas naman ang pinto. Bumungad sa harap ko ang naguguluhang si Patrick. Magsasalita pa sana siya pero agad ko siyang sinuntok at sinandal sa dingding.

“Whoah! Lasing ka pa rin ba?” gulat na tanong ni Patrick.

“Shut the fuck up! So tell me, ikaw ba talaga si Patrick?”

“Huh?”

“Are you joking around? Gusto mo ba talaga akong saktan? Bakit---“

“F-ck, what are you talking about?” tanong ni Patrick at tinulak ako papalayo.

Napakalas naman ako sa paghawak sa kanya. Nakita ko ang pagdugo ng lower lip niya sa pagsuntok ko. Sh-t, bakit ko ba siya biglang sinuntok? I’m gonna regret this if he’ll confess he’s Tyler.

“Paano mo nalaman na boyfriend ko si Tyler?”

Tinaas naman ni Patrick ang kilay niya at nagtaka sa tinanong ko. Para bang may iniisip siya bago niya ako sinagot na parang natatawa. The f-ck, why is he laughing?

“You really thought that I won’t be curious about that Tyler guy?”

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon