#14: Training 101

125K 4.3K 520
                                    

Sorry for the delay! :)

 Note: If you want to join HGP & HGQ group. (external link) Masaya dun Pramis! 

~*~

“It’s 4 a.m. in the morning, Ty. What the hell are we going to do?” ani ko habang sinusuot ang rubber shoes ko.

“We’ll train.” Ngiti niyang sabi at agad hinawakan ang kamay ko.

Napangiti ako, naks ang sweet ng isang ito.

Once in two weeks or one a week kung may oras ay nagtratraining kami ni Tyler. Tinuturuan kasi ako ni Tyler ng mga self defense, kung paano makipagaway. Kailangan ko kasi raw para kapag mapapahamak raw ako ay makakaya ko raw ang sarili ko kahit wala siya.

“Libre mo ko breakfast mamaya ha.” Ani ko at ngumuso.

Tumango naman siya at mabilis dinampi ang kanyang labi sa aking labi. Lumabas na kami ng kanilang mansion at pumunta sa kanilang garden. Paminsan minsan kasi ay dito ako natutulog sa kanila pagnamimiss namin ang isa’t isa. Oy, pero wala kaming ginagawang kababalaghan okay?

“Inaantok pa ako.” Sabi ko at humikab pa.

Pinisil lang ni Tyler ang aking pisngi at napailing.

“Hindi pa ba sapat yung morning kiss ko sayo, wife?”

Nugmiti naman ako at umiling. Natawa lang siya at kinurot ang ilong ko.

“Mamaya na kapag tapos ng training natin.” Ani niya at sinetup na ang punching bag.

Ngumuso na lang ako. Pag siya naman humihingi binibigay ko naman agad ah? Daya ng gangster na to! Pero syempre kahit ganun ay mahal na mahal ko ang isang ito. Wala na ata akong mahihiling pang iba dahil masaya na ako sa meron ako.

“Daydreaming about me again?” panunuya niyang sabi sa akin.

Binelatan ko na lang siya at nagsimula ng sumuntok sa punching bag. Tinuruan niya rin ako ng mga bagong moves paano sumuntok at paano umilag kapag marami ang sumusuntok sa iyo. Tinuruan niya rin ako paano gumamit ng arnis pero hindi ko talaga ito nagustuhan. Mukhang mas madaling humapas ng tao gamit ang baseball bat kaysa arnis.

Habang nagtatraining pa rin kami ay napatingin ako sa kalangitin malapit ng magsunrise!

“Tyler, magsusunrise na oh.” Ani ko at tumigil sa pagsuntok ng punching bag.

Tumingin rin siya sa kalangitan at napangiti. Hindi naman ito first time na makita namin ang sunrise na magkasama. Pero kapag may mga ganitong moment eh kinikilig talaga ako at napapangiti na lang. Ewan ko masarap kasing pagmasdan ang sunrise kasama ang minamahal mo.

Lumapit sa akin si Tyler at agad akong niyakap sa may likuran habang sabay kaming nakatingala sa langit. Hinalikan niya ang pisngi ko at marahang humalakhak sa tainga ko.

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon