#2: Contented

251K 6.7K 430
                                    

Hi awesome friends! Sorry to keep you waiting. Medyo matatagalan ang updates ko dito sa book 2 dahil focus ako sa isang on-going story ko. Susubukan kong once a week pagupdate. Parang every friday or saturday lang. Thank you for reading! Mwah! Love you guys, to the moon and back.

~*~

Nakangiti akong nakatingin sa itsura ko gamit ang malaking salamin. I curled my hair and put light make-up on. Nakasuot ako ng puting toga na abot hanggang tuhod. May royal blue rin na lace na nakaikot sa toga. May nakasabit rin na pulang bulaklak sa dibdib ko. I smiled, satisfied na ako sa itsura ko ngayon.

“Rien, baby, bumaba ka na at baka mahuli pa tayo!” mom shouted from downstairs.

I take one last look at myself before heading downstairs.

“You look beautiful, Rien.” Bungad sa akin ng aking mama pagbaba ko.

Ngumiti ako at niyakap ang aking mama.

“Thanks mom.” Sabi ko.

Lumapit naman ako sa papa ko na parang konting tulak na lang ay iiyak na. Natawa naman ako at ngumiti ng malawak sa kanya.

“You think I can’t graduate, right?” natatawa kong sabi.

Ngumiti naman ang aking papa at agad akong niyakap.

“I know you will graduate, Rien. I am so proud of you my daughter.” Sabi niya.

Niyakap ko naman pabalik ang aking papa at sinubukang hindi umiyak. Masyado pang maaga para umiyak. Hindi pa nga nagsisimula ang graduation.

“Thank you dad.”

This is the moment I’ve been waiting for. Yung magiging proud ang mga magulang ko sa akin dahil nakatapos na ako ng high school. Na kahit naging pasaway ako ay makakarampa pa rin ako pag graduation na. I did it.

“Okay stop the drama! Baka mahuli pa tayo sa graduation.” Singit ni mama.

Kumalas naman ako sa pagyakap at sabay sabay na kaming lumabas ng bahay at sumakay ng kotse. Habang nasa byahe kami ay nagtext sa akin si Tyler. Napangiti naman ako, masyado talaga tong possessive.

Tyler:

You there yet? I miss you.

Napailing na lang ako. Tatlong araw lang kami hindi nagkita dahil umuwi kami sa aming mga bahay pero palagi naman siya tumatawag at nagtetext. Pero kung umasta mukhang isang taon na kami hindi nagkita.

Me:

On our way. I miss you too.

Three months and counting na ang relasyon naming dalawa ni Tyler. Hindi ko akalaing na tatagal kami ng ganito. Hindi ko akalaing na magiging ganito ako kasaya pagkasama siya. Para akong nanalo sa lotto dahil sa pagmamahalan naming dalawa. Corny man pakinggan pero iyon ang nararamdaman ko.

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon