Happy 11/11 guys! I love you. Thank you for your undending awesome support! I'll try to update more often though I'm not that sure.
~*~
“Adrienne, are you okay?” nagalalang tanong ni Tyler sa akin pagbalik ko sa table.
Tumango naman ako at pilit na ngumiti. Hindi dapat ako nagpapaepekto sa mga kalokohang ganun. Baka pinaglalaruan lang sa mga taong ayaw sa akin. Tinapon ko na rin sa basura ang black rose at envelope. Walang makakasira sa akin.
Bilang na ang mga araw mo, Adrienne Xyra. Now, Prepare for hell.
Pero sh-t lang hindi talaga mawala sa isip ko ang nakasulat sa envelope.
“Is something bothering you, Adrienne? You’re spacing out again.” Sabi ni Tyler at inakbayan ako.
Huminga lang ako ng malalim at umiling. Niyakap ko rin si Tyler na nasa tabi ko at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. As long as he’s here, I won’t fear.
“Wala nga sabi eh. Nahihilo lang.”
“Gusto mo na bang umuwi? Pwede na tayong mauna.” Aniya.
“No, I’m okay.”
Hinalikan naman ni Tyler ang noo ko at mas hinigpitan pa ang pagakbay sa akin. Nakaupo lang kami buong party dahil wala na rin kasi akong gana pang sumayaw o uminom man lang. Napagdesisyunan rin ng barkada na sa mansion kami ngayon na pagmamay-ari ng Black Horizon kami matutulog. Gusto pa rin kasi ng mga boys na ipagpatuloy ang pagiinom nila sa bahay.
“You’ll sleep in my room, okay?” natatawang bulong ni Tyler sa tainga ko.
Sinapak ko naman siya at hindi pumayag. Sasabay ako kina Jade matulog dahil tatlo lang kaming babae kaya hindi pwedeng mapahiwalay ako sa kanila.
“I’ll sleep together with Jade and Charlotte. Wag kang epal.” Sabi ko.
Bigla naman siyang nagpout kaya agad kong pinisil ang kanyang pinsgi. Inirapan niya na lang ako at kinaladkad na papasok ng kanyang sasakyan.
Habang nasa byahe kaming dalawa ni Tyler ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang iniisip pa rin ang nakasulat sa envelope at ang black rose. Nakakakaba kung totoo man yun at nakakabwisit pag nalaman kong pinaglalaruan lang ako. Hindi siya magandang biro kaya kailangan na nilang tigilan iyon.
“Hey.”
Hinablot naman ni Tyler ang kamay ko at pinagsalikop ito. Lumingon naman ako sa kanya at ngumiti.
“Ano bang nangyari sa iyo at bakit bigla na lang nagiba ang mood mo?” tanong sa akin ni Tyler.
Umiling naman ako at pilit na tumawa. Sana ay hindi niya napansin ang pagtawa ko ng peke. Pinisil ko ang kanyang kanang pisngi gamit ang libre kong kamay at pinisil rin ang kanyang ilong.
BINABASA MO ANG
His Gangster Queen
Teen FictionCompleted [Book 2 of HGP] || Tyler was not Adrienne's star but her whole sky. Everything was flawless for the both of them but what if "Tragedy" will interfere in there almost perfect story? READ "HIS GANGSTER PRINCESS" FIRST BEFORE CONTINUING. Book...