~*~
Patago akong napapalingon kay Patrick. Sh-t, kamukha niya talaga si Tyler. Gusto man bumuhos ng emosyong nararamdaman ko pero hanggang ngayon ay in state of shock pa rin ako. Reincarnation ba ito ni Tyler? Or si Tyler nga ba ito?
Kapag may pagkakataon talaga ako itatanong ko sa kanya ng harap harapan kung siya ba talaga si Ty---
“Are you going to f-cking look at me for an hour?” biglang ani ni Patrick at tinaasan ako ng kilay.
Halos maginit ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi eh, kung si Tyler ito hindi niya naman kayang sabihin yan sa akin sa mukha ko hindi ba? Sa tingin ko pa lang sa mga mata niya ay wala siya ka ide-ideya kung sino ako. Pustahan, nagkaamnesia ang isang ito.
“Namumukhaan mo ba ako?”
“Nope. Are you someone I should know huh?”
Umiling ako. Pati boses ay gayang gaya niya. Mas husky lang ito. Mukha siyang mas mature na version ni Tyler. Sh-t, ganito na ba ako ka baliw kay Tyler?
“Nagka-amnesia ka ba? Nadisgrasya?” mabilis kong tanong.
Tinaasan niya ako ng kilay at mukhang na-amaze sa sinabi ko. Titig na titig ako sa mga mata niya. Sh-t, kahit konting sign man lang na namimiss mo ko walang hiya ka. Kahit konti lang. Makita ko lang ang mga mata mong malalim ring nakatingin sa akin ay okay lang.
Pero hindi. Ang lamig lamig ng mga tinatapon niyang tingin sa akin. Sarcastic pa siyang tumawa sa akin. Nakita ko pang napalingon si Adam sa akin at nagtataka. Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko. Kahit sabihin man nating siya si Tyler wala akong ibedensya. Pilit kong ikalma ang sarili ko para hindi bumuhos ang tinatago kong emosyon nang makita ko sa mukha niya ang pinakamamahal kong tao.
“What? Is that a new pick up line here in the Philippines? Nagka-amnesia ka ba? Really?” aniya.
I rolled my eyes. To arrogant for Tyler. I know Tyler is also arrogant pero nagbago na siya. This guy? He’s different. Mas arogante pa kay Tyler at kay Adam. Mas nakakabwisit ang dating niya. Bwisit na kanong ito!
“Nevermind.” Ani ko at tinuon na lang ang atensyon sa harap.
Pagkatapos ng una klase ay agad nagsitayuan ang mga kaklase ko at pinanlibutan si Patrick sa kanyang upuan. I rolled my eyes, hindi ko alam kung bakit pero naiirita talaga ako pag nabibigyan siya ng atensyon. Anong spesyal sa taong iyan? Arrogante, masungit, ang kapal kapal kapal kapal ng mukha! Gwapo nga pero ang taas ng tingin sa sarili. Ano gusto na ba nila ng mga ganyang lalake ngayon? F-ck.
“Hi Patrick, I’m Mia the class president of this block. Oh, I’ll be your tour guide for uhmmm a month?” ani ni Mia at ngumisi ng nakakaloko.
Napailing ako, this bitch really wants him so badly. Isang linggo lang ang sinabi ng prof pero ginawa niyang isang buwan. Ha, I’ll bet she’ll give her soul too for this asshole.
Nilingon ko si Patrick at nakita ko ang ngisi sa kanyang mukha habang nakatingin kay Mia. Isa rin ito eh, mukhang gusto ang ideyang ito. Hindi lang pala arogante, flirt rin pala flirt. Aish, ngayong alam ko na kung bakit naiirita ako sa kanya! Kamukhang kamukha niya si Tyer yet hindi ako ang pinapansin niya. Kamukha siya ni Tyler yet nakikiapglandian siya sa iba. Kamukha siya ni Tyler yet iba ang ugali niya. Kamukha siya ni Tyler yet siya pa ang buhay!
BINABASA MO ANG
His Gangster Queen
Teen FictionCompleted [Book 2 of HGP] || Tyler was not Adrienne's star but her whole sky. Everything was flawless for the both of them but what if "Tragedy" will interfere in there almost perfect story? READ "HIS GANGSTER PRINCESS" FIRST BEFORE CONTINUING. Book...