Sorry to keep you waiting xoxo Here's the update! Labyu!
~*~
“Rien ano ba! Makinig ka nga sa akin!” sigaw ni Adam habang hinahabol ako.
Napailing na lang ako at mas binilisan pa ang pagtulak ng penny board. Natatawa akong napapalingon sa kanya sa likod dahil mukhang nahihirapan na siya sa paghahabol sa akin. May kailangan raw kasi siyang sabihin sa akin tungkol sa mangyayari bukas ng gabi eh sa gusto kong pahirapan muna ang isang ito kaya heto ako nakikipaghabulan sa kanya.
“Catch me first, loser!” sigaw ko at tumawa.
Walang kahirap hirap kong iniwasan ang mga taong nakaharang sa daan ko. Mabuti na lang at hindi pa ako pinapagalitan ng univeristy dahil sa pagdadala ko ng board dito sa paaralan.
“Rien! Ano ba!” aniya.
Hindi ko siya pinakinggan at nilingon lang siya. Binelatan ko siya pero biglang kumunot ang noo ni Adam at mas binilisan pa ang pagtakbo.
“Sh-t Rien, watch out!” sigaw niya.
Napakunot naman ang noo ko at nilingon ang dinadaanan ko. Nanlaki naman ang mata ko ng makitang hagdanan ito pababa. Sinubukan kong patigilin ang board pero hindi ko ito nagawa ng maayos kaya tumilapon ang board ko pababa. Mabuti na lang at may kamayng humila sa akin para hindi ako mahulog ng tuluyan sa hagdan.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko ang braso niyang nakahawak sa baywang ko. Agad kong inalis ang kamay niyang nakahawak at agad nilingon ang taong lumigtas sa akin. Napataas ako ng kilay ng wala akong nakitang tao at tanging si Adam lamang na patakbo pa ring lumalapit sa akin.
“Are you okay?” pagalalang tanong ni Adam.
Wala akong sa sariling tumago sa kanya at nilingon ang paligid. Sino yun? Bakit iniwan niya lang ako bigla sa ere pagkatapos niya akong sagipin? Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
“A-adam...” ani ko sabay kapit sa balikat niya.
Inalalayan naman ako ni Adam habang nagtataka na rin sa inaasta ko. Nasaan ang taong sumagip sa akin? Bakit hindi pa siya nagpakita?
“Nakita mo ba kung sino ang sumagip sa akin? Huh?” ani ko at kumalas na sa pagkapit sa kanya.
Agad kong tinignan lahat ng sulok sa lugar na iyon para hanapin ang taong sumagip sa akin. Kakaiba ang naramdaman ko kanina nung hinawakan ng tao ang kamay ko. Parang may kung anong kuryente akong naramdaman.
“Huh? Hindi eh. Agad kasi siyang tumakbo papalayo.”
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko ba, parang may kung ano sa sistema kong bigla nalang umasa na baka siya iyon.
“L-lalake ba, Adam?” nauutal kong tanong.
Napaisip si Adam sa sinabi ko. Napapikit ako at hinihiling na sana si Tyler iyon. Na baka buhay pa siya at binabantayan lang ako sa malayo. Na sana andito pa siya sa piling ko.
BINABASA MO ANG
His Gangster Queen
Teen FictionCompleted [Book 2 of HGP] || Tyler was not Adrienne's star but her whole sky. Everything was flawless for the both of them but what if "Tragedy" will interfere in there almost perfect story? READ "HIS GANGSTER PRINCESS" FIRST BEFORE CONTINUING. Book...