#8: Tragic Fall

136K 4.5K 864
                                    

Early update for this week. Hope you'll.... uhhmmm enjoy.  Happy 18K HGQ! Thanks a lot!

~*~

"Wife."

Napalingon ako sa tumawag sa akin at ngumiti. Kitang kita ko ang pagkainip sa kanyang mukha. Hindi kong mapigilan pang umiling.

"Be patient, okay? Malapit na tong maluto." Ani ko.

I'm baking one of his favorite food, lasagna. First time kong magpatikim ng luto sa kanya lalo na't nag-aral ako nito para lang sa kanya.

Habang binabantayan ko ang oven ay biglang tinabunan ni Tyler ang aking dalawang mata gamit ang kanyang kamay. Nagreklamo akong tanggalin niya ito pero hindi niya ginawa.

"Ano ba, Tyler! Alisin mo nga yang kamay mo at baka masunog pa ang binebake ko." Natatawa kong sabi.

"Bakit, Adrienne? Madilim ba?" Panunuya niyang tanong.

Tumango naman ako.

"Malamang, Ty." Ani ko 

"Alam mo bang ganyan ang mundo ko kapag wala ka? Madilim " natatawa niyang sabi at inalis na ang pagtakip ng mata ko.

Hinarap ko naman siya at agad kinurot sa tagiliran. Tawa lang siya ng tawa habang umiilag sa kurot ko.

"Ano ba yan! Mas lalo ka ng kumorny. Yack!" Ani ko.

Nakangiti naman siya at bigla akong inakbayan. Ang saya ko talaga dahil andito siya.

"Ganito ako magmahal eh." Ani niya.

"Oo, kumukorny haha. Tara na nga't kumain!"

Biglang nawala ang imahe sa akin isipan at agad ng napadilat. Ah, panaginip lang pala.

Napabangon ako sa kama at agad pinunasan ang kumawalang mga luha ulit sa aking mata. Isang linggo na ang nakakaraan pero hindi ko pa rin matanggap na wala na si Tyler at iniwan na kami.

Hindi ito naging nadali sa akin.

Araw-araw akong nagmumukmok sa aking kwarto at doon patagong umiiyak. Hindi rin ako makakain ng maayos.

I'm deeply broken right know.

Napatingin ako sa teddy bear na bigay sa akin ni Tyler na nakaupo lang sa aking mini sofa. Napabuntong hininga ako.

"Oh? Anong tingin tingin mo? Nasaan na ba ang daddy mo ha?"

Bigla namang tumulo ang luha ko. Damn it, bakit kasi kailangan pa akong iwan ni Tyler? This is too surreal.

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon