~*~
"You told me that you like me and you'll court me soon. Tapos heto, may girlfriend ka na pala?!" I imitated.
"Shut the fuck up, Rien." Iritadong sabi ni Patrick.
Halos hindi ko mapigilang ngumiti habang naglalakad kami papuntang department store para bumili ng bagong polo ni Patrick. Sino ba ang hindi matutuwa nun? Pinahiya ba naman ang so called instant heartthrob ng Montereal Univeristy. Gosh, sana na videohan ko iyon!
"What? Ang saya kaya nun." Natatawa kong sabi.
Bigla namang tumigil sa paglalakad si Patrick at nilingon ako. Kitang kita ang seryoso sa mukha niya dahil sa inis. Hanggang ngayon kasi basa pa rin ang polo niya at ang buhok niya. Kaya ayun, hindi ko napigilan ang sarili ko at tumawa sa harap niya.
"I said stop it." Pagbanta niya.
Tumango ako at pinigilan kong matawa pero maya maya ay natatawa nanaman ako. Ano ba to, baliw na siguro ako! Siguro masaya lang ako dahil napahiya ng todo todo ang gagong ito.
"Adrienne, stop."
Bigla akong napatigil sa pagtawa at napalingon sa kanya. Unang pagkakataon niyang ibigkas ang buo kong pangalan.
Adrienne...
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganun? Bakit parang ramdam na ramdam ko ang boses ni Tyler sa pagbigkas niya ng pangalan ko. Siya ba talaga si Tyler o sumapi lang sa kanya si Tyler? P-ta, Rien naririnig mo ba ang sarili mo? Si Tyler sasapi? Saan mo naman napulot yun!
"Hey, are you okay?" tanong ni Tyler-este-Patrick at niyugyog ako.
Tumingala ako ng onti sa kanya, matangkad kasi talaga pagmalapitan, at dahan dahang hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
"Uhhh, what are you doing?" naguguluhang tanong ni Patrick.
"Ikaw ba talaga si Patrick? Naguguluhan na kasi ako." Sabi ko.
Iba ang tibok ng puso ko nung sinabi niya ang pangalan ko. Iba talaga, ramdam na ramdam kong ang presensya ni Tyler. Pero bakit ganun? Iba ang pakikitungo niya sa akin? Bakit?
"Of course. Bakit? Naalala mo nanaman ba siya?" ngising tanong ni Patrick.
Hindi ako nagpadala sa pang-aasar niya at mahinahong tumango. Nakita ko ang pagbago ng mukha niya at bumuntong hininga.
"You really miss him, huh?" seryoso niyang tanong habang inaalis ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya at hinawakan ito.
"Sino ba ang hindi? True love ko na sana siya." Sabi ko.
Napailing naman siya at ginulo ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
His Gangster Queen
Teen FictionCompleted [Book 2 of HGP] || Tyler was not Adrienne's star but her whole sky. Everything was flawless for the both of them but what if "Tragedy" will interfere in there almost perfect story? READ "HIS GANGSTER PRINCESS" FIRST BEFORE CONTINUING. Book...