#13: Cryptic Vipers

127K 4K 637
                                    

 Early New Year gift for you guys. :)  Thank you for all the support and comments! Hahaha

~*~

 "Ilang ulit ko ba sasabihin sayo na ayoko?" Bulong ko sa kanya.

 "But Rien! Ikaw ang magiging alas namin. You'll be a big help." Bulong niya pabalik.

 "Ayoko, just damn listen to the discussion idiot." Ani ko at inirapan siya.

 Tatlong araw na akong ginugulo ng bwisit na ito tungkol sa kanyang gang. Ayaw niya raw palampasin ang oportunidad na makuha ang isang katulad ko. Wow, I’m flattered...not.

 "I won't stop, Rien." Aniya.

 "Whatever."

 Hindi ko masyado naiintindihan ang sinasabi ng prof namin dahil sa pangungulit pa rin ni bwisit. Gaano ba siya kadesperada para ipasok ako sa gang nila.

 "Cryptic Vipers badly needs you." Aniya habang sinasabayan akong maglakad papuntang cafeteria.

 Pati sa lunch gusto niya akong kulitin? Give me a break!

 "Pwede ba? Mandiri ka nga sa sinasabi mo. Uhm, Cryptic Vipers? Lame name." Ani ko at mas binilisan pa ang paglalakad. Talak pa ng talak si bwisit habang ako naman ay bumibili na ng pagkain. Tss.

 "More fights, race and training! Diba gusto mo iyon?"

 I stopped chewing my food and raised an eyebrow at him. Damn it, kumakain na ako andito pa rin siya. Pero infairness, napaisip ako duon sa huli niyang sinabi. It's my interests that's why.

 "Why me?" Tanong ko.

 Marami namang nagkalat dyan na gangsters katulad ko. I'm still not that good dahil isang taon pa lamang ako bumalik sa pagkikipagaway. Hindi rin ako expert sa pag gamit ng weapons at tanging baseball bat lang ang alam ko. Hindi ko rin alam ang palakad ng isang gang dahil hindi pa ako sumali sa mga ganito. Tanging Black Horizon, Black Stones at Dark Shadow Light lamang ang alam kong gang.

 "Dahil naniniwala ako sa kakayanan mo. Hindi mo pa nalalabas ang lahat. Malakas ka. Flawless rin ang mga galaw mo pagdating sa pakikiaglaban. Kaya masasabi kong magaling ka talaga." Ani niya.

 Napaiwas ako ng tingin. Of course it’s flawless. I was trained by a great trainer.

"I-ll think about it." Ani ko at sumubo ng pagkain.

 Narinig ko namang suminghap si Adam--- I mean si bwisit sa harap ko. Napakunot naman ako ng noo, nagpapaawa ba siya sa akin?

 "If that's what you want then I'll wait." Aniya.

 Tumayo naman siya at naglakad papalayo. Tss, mabuti naman at naisipan niya pang lubayan ako.

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon