#30: Yes, I'm Crazy

114K 3.9K 946
                                    

~*~

Tulala akong nakatitig sa aking manibela habang hawak ang kaliwa kong kamay ang labi ko.

That just not happened.

Panaginip lang yun hindi ba? I was dreaming the whole time! Walang gang fight na nangyari, wala sa delikadong buhay si Patrick, walang away ang naganap at walang---

"Shit!" Sigaw ko sabay hampas ng manibela.

What was that all about? Ang sarap itanong iyan kay Patrick. Bigla kasing nasapian at hinalikan ako sa ilalim ng ulan.

Bakit? Bakit niya iyon ginawa?

Nagulantang ako nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Wow, congrats buhay pa pala kahit medyo basa na.

Adam is calling...

Agad ko naman itong sinagot. Napasinghap ako, sana pala hindi na lang ako nagalala kay Patrick. Bwisit.

"Hello?"

"Tumawag ako para sabihing nanalo tayo." Sagot ni Adam sa kabilang linya.

Suminghap ako bago nagsalita ulit.

"Congratulations Adam, but it's time to say goodbye." Bigla kong sabi.

Mas mabuti sigurong ako na lang ang lalayo. Yes, that's way better! Gusto kong magsimula ulit. All this shit is really confusing me. Patrick and Adam. They're a distraction to me.

"What are you saying, Rien?" Naguguluhan niyang tanong.

"I can't reciprocate your love for me Adam. And I don't want to squeeze myself in your gang. Tama na ang lokohan, hindi ako mabuti para sa iyo."

Napatingin ako sa labas. Ang lakas lakas ng ulan. The weather is perfect to settle things. Lonely and sad.

"Fuck! Ano ba yang pinagsasabi mo Rien! I want you in my gang! I want you!" Pasigaw na sabi mi Adam.

I sighed. This is better. Yes, I am believing that this is better. Pagkatapos nito ay si Patrick naman ang haharapin ko. Ako ang lalayo. Ako ang magbibigay sa kanila ng mapayapang buhay. No lies. No blood.

"Rien! Magsalita ka naman! Say something!" Pagmamakaawa ni Adam sa kabilang linya. "I love you, Rien. Why are you doing this to me?"

"I'm sorry." Ani ko at agad binaba ang tawag.

Oh god, Tyler, help me! Gulong-gulo na ako.

*toktoktok*

Nanlaki ang mata ko nang may biglang tumuktok sa bintana ng sasakyan ko.

"Adrienne! Pakinggan mo ako please." Sigaw ni Patrick.

Fuck! what is he doing? Ang layo layo ko na sa university ah? Hinabol niya ba ako?

"Adrienne!" Manhinhimig niyang sigaw.

Napaiwas ako ng tingin. Bakit ko siya pakikinggan? Bakit ako maawa?

Kasalanan niya ito lahat---

"Adrienne please..." rinig kong sabi niya.

Kaya lumingon ako sa bintana at nakita kong nakaluhod na si Patrick.

Napakunot ako ng noo. Is he serious? Bakit siya lumuhod? Para makausap ako? Nabubuang na ba siya?

10 seconds. Sampung segundo na ang lumipas at hindi pa rin tumatayo! Wala ba talaga siyang balak? Ang lakas lakas na ng ulan oh! Magkakasakit---

And so what? Wala akong pake sa kanya hindi ba?

"I like you."

Damn this shit. Naalala ko ang sinabi niya kanina. He likes me? April fools ba ngayon?

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon