~*~
Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko sa labas ng aming bahay. Ngumiwi ako at unti unting minulat ang aking mata. What the hell? Bakit ang ingay ingay?
*Guitar Strumming*
Unti unti kong binuksan ang glass door patungo sa aking terrace. Halos mapanganga akonang makita ko si Tyler na nakatayo sa harap ng gate namin na may dalang gitara. At sinabay pa ang buong Black Horizon sa pakulo niyang ito.
In instant, hindi ko mawala ang ngiti sa aking labi. Damn you, Tyler.
"Shock, horror, I'm down,
Lost, you're not around
There's a lump in my chest
That sends cold through my head, and
My mind shuts sound out
I'm on auto-pilot,
And my tongue's gone silent
Just switch it off and lay it down,
Lay it down next to me. "I remember the days when Tyler is giving me a heart attack because of his romantic suprises. Iyon ang isa sa katangiang minahal ko sa kanya. Ang pasayahin ako at iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. He's very sweet.
"I don't know when I lost my mind
Maybe when I made you mine, whoa-oh-oh-oh
I don't know when I lost my mind
Maybe it was every time
That you said, you said, you said
That I miss you and I miss you "Pagkatapos niyang kumanta ay agad ko siyang binigyan ng flying kiss at kumindat pa.
"I miss you." I mouthed.
Pakiramdam ko biglang bumalik sa normal ang buhay ko nung buhay pa siya. Hindi ko akalain na sasaya pa pala ako ng ganito. Alam kong kahapon lang lumabas lahat ng katotohanang buhay pa si Tyler pero ang saya ko dahil sa susunod na mga araw ay kasama ko na ang pinakamamahal ko.s
Pero hindi ko sinasadyang mapatingin sa likuran kung nasaan may naaninag akong isang lalakeng na naka-hoodie na nakatago sa isang malaking puno.
Halos mapanganga ako ng mapagtanto kung sino iyon.
Patrick...
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bumilis dahil sa kaba. Sigurdo ako nun. Bakit ganun? Bakit kakaiba ang aura ni Patrick?
"Wifey! Good Morning!"
Nabaling ulit ang atensyon ko kay Tyler at hilaw na ngumiti. Damn it, bakit andito si Patrick?
"G-good morning din." Mahina kong sabi at nilingon ulit ang puno sa kanilang likuran.
Pero damn it, bigla siyang nawala. Napakunot ako ng noo, bakit niya kami pinagmamatyagaan?
"Hoy Rien! Hindi mo ba kami papapasukin sa bahay mo? Wala pa kaming almusal oy!" biglang sigaw ni Pierce.
Napailing na lang ako at agad bumaba para pagbuksan sila. Baka guni-guni ko lang iyon kanina nung nakita ko si Patrick. Imposibleng andito siya. Para saan pa diba? The deal is off. Sabado na ngayon kaya hindi ko na kailangan pang aalahanin siya dahil sa susunod na linggo lalayo na siya. Baka babalik pa yun ng Amerika eh. Mas maganda yun.
"Hey." Bati ko paglabas ko ng gate.
Agad namang lumapit si Tyler sa akin at agad akong hinalikan sa pinsgi.
"Good Morning, Adrienne."
Nagulantang ako sa siinabi niya kaya medyo napatalon ako. Narinig ko naman siyang tumawa at pinisil ang ngiti ko.
"Surprise? Finally, I remembered." He said and wink.
Tumango ako at ngumiti. But is this weird? Is my feelings this weird? Why can't I appreciate what Tyler just said? He damn said my name. Bakit di ako kinilig o nakaramdam ng kiliti sa tyan ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/25061381-288-k430256.jpg)
BINABASA MO ANG
His Gangster Queen
Teen FictionCompleted [Book 2 of HGP] || Tyler was not Adrienne's star but her whole sky. Everything was flawless for the both of them but what if "Tragedy" will interfere in there almost perfect story? READ "HIS GANGSTER PRINCESS" FIRST BEFORE CONTINUING. Book...