DEATH GRIP: CHAPTER THIRTY

19 1 0
                                        

"Stacey, halika."

Nasilaw kaagad ako ng buksan ko ang mga mata ko kaya hinarang ko ang kamay ko sa muka ko habang pilit na inaaninag si Supereminent Demetrio Demetrius.

Kumurap ako ng ilang beses and suddenly, the blinding lights was gone. Nasa gubat kami, napapaligiran ng mga lumot ang mga puno giving us the green of nature. Namamangha kong iginala ang mga mata ko.

"Hindi ka pa patay, hija. Bumangon ka."

Napalingon agad ako sakanya ng sabihin nya yon at mabilis na nagbalik sa utak ko ang nangyayari. The last thing I remember is nagblackout ako because of yfel's damn ring.

Gayunpaman, dahan dahan akong naupo at humarap sakanya.

"How? Gising na ko, pero bakit hindi pa rin ako bumabalik?" Takang tanong ko. Nginitian nya ko bago pumikit. Bigla na namang nagliwanag, this time kitang kita ko na sakanya galing yon.

"You just need to feel everything is real."

Hindi ako sumagot at tumingin lang sakanya. Anong ibig nyang sabihin? Nahalata nya siguro na hindi ko maintindihan ang sinabi nya kaya nginitian nya ako bago sumagot.

"Yfel is a wise man. How do you think he gathered all those seulas para gawing batalyon nya?"

"H-hindi ko po talaga alam.." Halos pabulong kong sabi. He nodded at me, his smile is not fading from his face.

"He knows how to control magical creatures. Seulas, although created by the dark magic, are still included in magical creatures,

"Kontrolado nya ang mga Seulas dahil iniisip nyang totoo ang mga iyon. Seulas are just souls of dead naturans, Stacey. They became solid because yfel believes that."

"Y-yfel believes that?" bulalas ko at isang tango na may kasamang ngiti ang tugon ni Supereminent Demetrio Demetrius.

"Magic makes us believe, Stacey. Huwag mong kakalimutan," humakbang siya papalapit sakin atsaka ipinatong ang kamay sa balikat ko. He's still smiling while looking at me and then he continued,

"You also need to remember na isang beses mo lang maaaring gamitin ang bagay na yon. Huwag mo sana kami biguin,"

"Anong--"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil para akong hinigop pataas ng malaking vacuum. Sobrang lakas, halos maduwal ako sa sobrang bilis. White, purple and blue lights running around making me feel more dizzier. Ipinikit ko ang mga mata ko until my feet was able to touch the ground. Maingay na muli ang paligid ko at nang imulat ko ang mga mata ko, nasa harap ako ng isang malaking dragon.

"A-andrea.." my voice was almost a whisper. The shiny red dragon scoffed at me before it flew away showering her fires towards the enemy scattered on the grounds.

The battle isn't over yet. Mukhang hindi nababawasan ang mga Seulas na ito, bagkus padami ng padami. Kitang kita ko ang paghihirap ng death grip. I saw Clarence breathing heavily while hiding behind a huge narra tree, he looked so dizzy. Leanne was beside him exerting her grip to stoop down the Seulas trying to hurt one of them. Ganoon din si Lance. Hirap na hirap na din ang sinisigaw ng postura nya.

Damn it! How does Yfel able to summon so much seulas like this!?

Mabilis kong iginala ang mga mata ko to scan the whole place and search for the hekant. Kasalukuyan akong nasa gilid ng dagat at tanaw ko mula rito ang sirang bahagi ng hekant. I clenched my teeth and balled my fist.

Yfel.. humanda ka.

I was about to depart nung marinig ko si Zhea sa kanang bahagi ko, she's screaming in pain. I shifted my glance towards it at mabilis na tinungo ang kinaroroonan niya. Hindi na ako nagaksaya ng panahon para mamangha sa isa pang grip na naipakita ko. Tumambad sakin ang nakasalampak sa lupa na si Zhea at pinalilibutan sya ng mga seulas.

Death Grip (On-going)Where stories live. Discover now