"R-red.." halos pabulong na lang ang boses ko kakaiyak.
Kasalukuyan kaming nasa labas ng Peculiarim, malapit sa malawak na lawa katabi ng maliit na cabin kung saan ako dinala ni Red noon. Humakbang ako papalapit sakanya na nakatayo sa tapat ng higaan na kinalalagyan ng katawan ni Bella. Tatawagin ko pa sana sya kaso bigla nyang hinawakan ang kamay ko, nananatiling hindi nakatingin sakin. Nangilid kaagad ang luha ko. Nararamdaman ko kung ano ang nararamdaman nya ngayon. Natural, kapatid nya ang napahamak.
Gusto kong magwala dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Gusto kong makitang muli si Yfel at pahirapan gaya ng pagpapahirap nya kay Red at sa lahat ng tao na apektado sa pagkamatay ni Bella. Gusto ko syang patayin ng paulit-ulit gaya ng pagpatay nya sa puso ni Red dahil pinatay nya ang nag-iisang pinagkakatiwalaan nya.
Gusto kong gawin lahat para lang sa ikasasaya ng taong mahal ko..
"P-pwede ba kitang makausap?" dahan-dahan kong sabi, hinihintay ang magiging sagot nya sakin. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa dismaya at pagkapahiya dahil hindi na naman sya sumagot.
Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak nya sa kamay ko at para bigyan na muna sya ng panahon para makapag-isa, pero hinigpitan nya ang hawak nya sa kamay ko at naglakad papalayo. Nagpahila na lamang ako sakanya.
Dinala nya ako sa gilid ng lawa. Ilang metro ang layo namin sa lamay ni Bella. Kita ko mula rito ang magulang ng kambal na walang humpay ang paghihinagpis sa sinapit ng anak nila. Gusto kong saksakin ang sarili ko. Napaka-walang kwenta ko..
"Red--"
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil bigla nya akong hinila para yakapin. At dito, sa balikat ko, pinili nyang humagulgol. Niyakap ko sya pabalik at hinimas-himas ang likod nya to give him comfort. Naiyak din tuloy ako dahil sa sunod sunod na hikbi nya.
"Tama na, Red.. Hindi gusto ni Bella na makita kang ganito.." mahinahon kong sabi, pilit na tinatago ang basag ko na ding boses.
"I c-can't. S-she's too young.. Hindi pa namin napupuntahan ang mga lugar na gusto naming puntahan.."
Gustuhin man naming ibalik si Bella, wala na ding paraan.
"Nagmamakaawa ako Supereminent, ibalik nyo si Bella," pagsusumamo ni Red na nakaluhod, bitbit pa rin ang katawan ni Bella. Hindi nya pa rin ito binibitawan.
Umaasa kami na kagaya ng ginawa nya noong inatake din ako ni Yfel, maibabalik ng Supereminent ang buhay ni Bella.
Lumuhod din si Supereminent Demetrio at tiningnan sa mata si Red. Nilapat nya ang kamay nya sa tuktok ng ulo ni Red at umiling.
"Hindi ako Diyos para buhayin ang namatay, hijo. What I did earlier is just to warned Stacey. Hindi sya namatay dahil isa syang supernal at katumbas noon ang pagiging imortal," pagpapaliwanag nya bago muling tingnan si Bella.
"Ang maaari ko lamang gawin sa ngayon ay basbasan sya't bigyan ng maayos na lugar pahingahan," pagpapatuloy pa nya atsaka tuluyang kinuha mula kay Red and katawan ng kambal nya.
"I'm sure, Bella still wants you to continue the dreams both of you has planned. Red, ayaw ni Bella na naghihirap ka," sabi ko bago humiwalay sa yakap nya. Tiningnan ko ang mga mata nyang patuloy ang agos ng luha. Pinunasan ko ang mga iyon.
"She took the curse that's supposed to be for you, didn't she? Dahil mahal ka nya at ayaw ka nyang mapahamak, Red. Sa tingin mo magugustuhan ni Bella yang pagpapahirap mo sa sarili mo? She didn't sacrificed her life just for you to suffer like this," I reminded himself. Bahagyang humupa ang hikbi nya at mataman nya akong tiningnan pabalik. Muli kong iniangat ang kamay ko para punasang muli ang mga luhang pumatak mula sa mga mata nya.
YOU ARE READING
Death Grip (On-going)
FantasíaI had grew up without my parents. I don't even have any idea how they looked like, but I didn't bother anymore. Why? Eh kasi wala na sila, ano pa bang magagawa ko diba? But aside from this little fact which I considered so deep as an ocean, there li...