DEATH GRIP: CHAPTER FIVE

40 4 0
                                    


Naturans

Death trip

Dripton

Ice drip

Speed drip

Time drip

Pakinteyp.. bakit parang feeling ko nakikipagusap ako sa mga bata na ang hilig gumawa ng kwento? At bakit ba ako nandito at nakikinig sakanila?

Shaking my head slowly, dahan dahan akong tumayo.

"U..uuwi na ko. Kabaliwan to, hindi to normal.."

"Stacey---"

Sinubukan akong pigilan ni Leanne pero mabilis kong hinawi ang kamay nya at umatras ng konti. "Wag mo kong hawakan.. hindi kayo tao.. hindi kayo normal!"

"And so are you, Ms. Stacey Lee."

Napalingon kami lahat sa pinto ng marinig namin ang pamilyar na boses na yun.. there I saw an old petite woman wearing her squared eyeglasses and her usual shaggy hairdo of her curled hair.

"M-ma'am Badufalsa?" wala sa wisyong sambit ko. Ngiti at tango lang ang iginanti nya sakin atsaka naglakad papalapit samin.

T-tell me, this is just a dream!

Agad na nawala ang mga ngiti sa labi ni Ms. Badufalsa ng magtama ang tingin nila ni Leanne. Napatalon naman sina Clarence at Lance ng tingnan sila nito habang umiiling-iling. B-bakit parang kilala nya sila Lance?

"This isn't just a dream, dear. This is the reality." pagbaling naman sakin ni Ms. Badufalsa habang masusi akong tinitingnan sa mata. Hindi ko mapigilan titigan ang mata nya.. bakit ganon?

"Dahil binabasa ko ang nasa utak mo sa mga oras na ito," mahinang sabi nya sakin. Napakurap ako.. god, this is insane..

"Sa ngayon, hindi mo pa maintindihan ang totoong pagkatao mo at ang mundong dapat kinabibilangan mo, Stacey"

Umalis sya sa harap ko atsaka umupo sa desk na nasa gilid katabi ng malaking bintana. Ngayon ko lang din napansin na kulay violet ang ilaw ng kwarto.

"This is the Death Grip headquarters. Leanne, Clarence, and Lance are my loyal members." Ms. Badufalsa explained as she clasped her fingers below her chin still looking at me. Kaya pala ni hindi manlang sya nagtaka nung nasa classroom namin sina Clarence at Lance.

Okay, death grip pala.. so ano naman ang dripton? Anong kaelyenan naman yon?

"It's gripton, Stacey. Not dripton. We, whose inside this room are the griptons. We possess powers unlike naturans." Pagpapaliwanag nyang muli. Nakunot ang noo ko. Ano ba to, bat alam nya ang nasa isip ko!

"I am a mind grip, Stacey. Ano pa ba ang tanong mo? It's better to say it aloud than to think. We have here other companions and I don't want them to feel out of place."

I take a deep, deep breath before talking. Inisa-isa ko silang tiningnan. Kung talagang alam nila ang sinasabi nila, much better to ask them. Sige, subukan natin Stacey..

"P-pano nyo nasabing gripton ako?" Kinakabahan kong tanong. Tama, paniguradong hindi nila yon masasagot dahil mismong ako ay hindi alam ang powers na meron ako.

"We don't know," maikling tugon ni Ms. Badufalsa. Napangisi ako.

Mga abnormal na to, pinaglololoko lang ako ng mga to eh!

"Watch your words, Stacey. I'm still focused in your mind. And I'm still your teacher." Matalim ang tingin na sabi sakin ni Ms. Badufalsa.

"You are a gripton because you just entered this headquarters." Boses ni Leanne na nakaupo na sa couch di kalayuan sa table ni Ms. Badufalsa, crossing her arms. She's looking at the floor as if it's much more interesting than a jewel.

Death Grip (On-going)Where stories live. Discover now