Nagulat ako ng biglang lumapit samin si Supereminent Demetrio Demetrius habang kumakain kami nila Leanne. He tapped me on my shoulder.
"Well done Stacey." Pagbati nito.
Hindi ko alam kung anong irereact ko nung mga oras na yun. Dala siguro to ng galit ko nung narinig ko bago ako umalis dito.
"S-salamat po." Mahinang sagot ko. Ngumiti sya sakin tsaka isa isa kaming tiningnan.
"It's time to bring back Death Grip, don't you think?" Nagpakawala sya ng mas malawak na ngiti bago tuluyang umalis sa table namin. Nagkatinginan na lang kaming apat tsaka nagpatuloy na lang sa pagkain.
"Oh." Boses ni Lance. Kaagad kong nilahad ang kamay ko para abutin yung kung ano man ang binibigay nya. Napahinto ako sa pagnguya ng makita yung yell stone.
"Nagulat kami sa reaksyon mo bago ka umalis. Ano ba ang nangyari at nagkaganun ka?" Tanong ni Clarence. Binitawan ko ang kutsara tsaka hinawakan ang yell stone gamit ang dalawang kamay ko.
"Sorry. Narinig ko kasi yung paguusap nila Master Badufalsa tsaka ni Supereminent. Sabi nila, kapag naipadala na kaming apat sa Naturans makukuha na nila yung dapat na nasa kanila." Huminto ako saglit para uminom ng tubig.
"Sino ba namang hindi maiinis dun diba? Itataya nila yung buhay ng mga estudyante para sa bagay na yon!?" Iritang pagpapatuloy ko tsaka pinunasan ang labi ko.
Pagtapos ng lunch, kaagad akong dumiretso sa dorm namin. Nadatnan ko si Bella na nagaayos ng gamit. Nakauniform na sya. Napabuntong hininga ako. Akala ko pa naman makakapagpahinga ako ngayong araw hays..
"Stacey." Tawag sakin ni bella kaya agad ko syang nilingon. Nakatingin lang sya sakin habang nakatayo sya ng tuwid. Napakurap kurap tuloy ako.
"Take care always." She continued and left the dorm. I tilt my head as I absorbed what she said.
Take care daw.. hala, nagiging mabait na sakin si bella! Kaagad ko syang hinabol. Buti na lang di pa sya nakakalabas ng tuluyan.
"Bella, wait." Pigil ko sakanya. Humarap ulit sya sakin. Di ako sanay sa itsura nya ngayon. Hindi sya mukang masungit at mataray na lagi kong nakikita sa hilatsa ng muka nya.
"Salamat pala kasi ilang beses mo na kong niligtas. Tsaka sorry kung ang pangit ng pagkakakilala natin hehe." Sabi ko sabay kamot sa ulo ko. She chuckles.
Oh my god, si bella tumawa!?! Hala weh!!?
"You really don't know who you are, right? Supernal ka Stacey. You should be boasting right now." She laughed. I stared at her.
"Ano bang mapapala ko sa pagyayabang? Wala naman eh. I'd rather stay out of the spotlight than to have titles. One title is enough, and that is contentment." I smiled at her as I said those words.
Bella stood there for a moment, looking at my eyes intently. My brows slightly furrowed making her tore her gaze at me.
"I never thought you actually think like that. I'm sorry i've called you as attention seeker.."
"Ah, okay lang yun. Lahat naman tayo may mga first impression. Ako nga akala ko masungit ka, hindi naman pala." Sagot ko sakanya. She smiled at me.
"So, friends?" I offered my hand at her. Mas maganda na yung may assurance na kaibigan ko na sya no hahahaha.
Kita ko kung paano sya maghesitate bago kunin ang kamay ko. Napangiti ako ng hawakan nya yon.
"Friends."
Mabilis lang na natapos ang araw. Mabilis din nalaman halos ng lahat ang tungkol sa pagiging supernal ko. Actually may kausap akong babae ngayon dito sa tapat ng dorm namin.
YOU ARE READING
Death Grip (On-going)
FantasíaI had grew up without my parents. I don't even have any idea how they looked like, but I didn't bother anymore. Why? Eh kasi wala na sila, ano pa bang magagawa ko diba? But aside from this little fact which I considered so deep as an ocean, there li...