DEATH GRIP: CHAPTER THREE

41 4 4
                                    


Leanne and her friends didn't showed up for the next class after P.E. Sakin lahat tumingin nung nagtanong si Ms. Badufalsa kung nasaan sila. Siguro iniisip nila na kasali na ako sa circle of friends ni Leanne which is I absolutely refuse to consider because aside from they're not really my friends, they are not normal. I mean, base sa nakita ko kanina atsaka kay Leanne two days ago, I think they are unusual...

Unless I have mental disorder, eh? Or hallucinations? But I am certain na malinaw ang nakita ko.

Then the black dog appearance flashes in my mind. Hindi kaya gusto ni Leanne na ipakilala sakin ang kaibigan nya two days ago dahil.... kagaya nila ako?

I shook my head slowly. No. That couldn't be. Kasi kung ganun ngang kagaya nila ako, matagal ko ng alam dapat yun... I mean, kung talagang kagaya nila ako, since the day I was born dapat marunong akong lumipad or something diba?

But no... I only see unusual things... am I counted as one of them?

I remember when I was 9 years old, sitting beside the window, and watching the teenagers laughing from outside... nung unang beses na nakakita ako ng unusual na lumalaking kamay ng lalaki. My heart thumped. Kinakabahan ako na ewan. I hate this feeling... paano kung kagaya talaga nila ako?

I wish my parents were here. Sila lang ang makakaalam ng buo kong pagkatao. Tita's knowledge about my true self are only limited. Sabi ni Tita, namatay si papa dahil sa head injury when I was just a baby. Si mama naman... nawala na lang daw bigla three days after my father's death. My heart thumped faster. Everytime na maaalala kong nawala si mama, my heart ignites with desire na sana buhay pa sya.

I'm not mad at my parents. I know may reasons sila. Tampo siguro, oo. But as much as valid ang reason nila, I can gladly accept and forgive them. Uhaw din ako sa aruga ng magulang. How I wish buhay pa talaga ang mama ko...

The door opened and there's Leanne and his two friends standing by it. They greeted Ms  Badufalsa except Leanne. I furrowed my eyebrows nung napansin kong naka-uniform na yung dalawang lalaki. Akala ko ba mag-oobserve lang sila? Why are they wearing uniforms?

"Good afternoon. You can come in and may get your seats. Go on." bati sakanila ni Ms. Badufalsa while nodding her head. Hindi nya ba tatanungin yung mga lalaki?

Sinundan ko ng tingin yung dalawang lalaki na naupo sa kabilang row, right side namin ni Leanne na nakaupo naman sa likod ko. They settled their selves tapos tumingin sa harap.

"Today we will be having our new student, Mr. Santos and Mr. Montague."

So Santos at Montague ang apelyido nila... nawala ang tingin ko dun sa dalawang lalaki nung may inabot na papel sakin si Leanne mula sa likod ko.

'5pm later, same place. We need to tell you something'

Napatingin ako kay Leanne after reading the paper. I frowned and was about to ask Leanne nung nagsimula ng magdiscuss si Ms. Badufalsa.




After an hour and a half Literature discussion, the class is over. Muntik ko ng makalimutan yung sinabi ni Leanne na may importante silang sasabihin sakin kung hindi lang nya ako tinapik sa braso. I nod unconsciously  at her as an answer while fixing my things inside my bag. Ewan ba, bat ako kinakabahan ng sobra.. tsk.

Ano ba kasi sasabihin nila bakit kailangan---- wait..

Same place.. what!? Gubat na naman?! Imagine, 5pm, nasa gubat kami? My goodness! I wonder kung anong powers meron sila.

Si Clarence (white-haired guy) nakita ko na kung ano ang power nya. Kaya nyang pahintuin ang oras. Obvious naman eh. Si Lance naman (brown-haired guy) mukhang speed ang powers nya.. hindi ako sigurado pero kasi kanina sa PE, nasa tapat lang sya ng kaklase ko tas in a blink of an eye nandun na agad sya sa ilalim ng ring. So I have concluded na may kinalaman sa speed or pede din namang teleportation ang powers nya.

Teka nga, ano ba tong pinagiiisip ko? Nawiweirduhan na ko sa sarili ko ha.

Habang papalabas ng school, pilit kong inaalis sa utak ko yung mga nangyari at nakita ko this past few days. Hangga't maaari ayokong isipin yang powers powers na yan. Abnormal lang ang nakakagawa ng ganun at normal akong tao. Normal ako at hindi kagaya nila..

Maya-maya lang ay natatanaw ko na ang gubat. Maliwanag pa naman kaya nagpatuloy ako sa paglakad. Napahinto ako ng lumabas mula sa likod ng puno ng akasya si Clarence.

"Nandyan ka na pala Stacey. Halika, sundan mo ko."

Wala namang pagaatubili kong sinundan si Clarence. Maliwanag pa naman, napatingin ako sa wrist watch ko. 5:30pm. Hindi naman siguro magtatagal ang usapan namin. Atsaka siguro naman, hindi masasamang tao etong kaibigan ni Leanne at hindi nila ako gagawan ng masama.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng self defense kung sakaling may masamang binabalak itong mga taong to nung nagsalita mula sa harap ko si Clarence.

"Pasensya ka na ha, nandito kasi sa gubat ang headquarters namin. Bawal makita ng mga Naturans yun. Nasabi kasi samin ni Yanyan na natatakot ka... halata naman eh," he explained with a cackle.

"N-naturans?" I repeated with a frown. Hindi nya ko sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.







"Malayo pa ba Clarence?" Kinakabahang tanong ko habang tumitingin sa paligid. Mahigit 20 minutes na kaming naglalakad at nagsisimula ng dumilim ang langit. Mabuti na lang at na-text ko si Tita Sandy na hindi agad ako makakauwi.

Pero... pano kung atakihin kami ng mga wild animals dito? Tsk..

Mga ilang metro ng lakad pa namin, biglang nagsalita si Clarence. "Nandito na tayo Stacey,"

Iginala ko ang mga mata ko para hanapin ang headquarters na sinasabi ni Clarence kanina.. pero ang nakikita ko lang ay isang malawak na pabilog na lupang napapaligiran ng mga puno. Kumunot ang noo ko.

"Sabi mo nandito ang headquarters----"

Muntik na kong mapasigaw dahil sa takot at napaatras ng biglang nagpakita sa harap namin ni Clarence si Leanne at Lance. Napatingin ako sa likod nila para sana tingnan kung ano man ang nilabasan nila, pero wala akong nakita.

"T-teka.. ano yun? Pano nangyari yun?" Taka at gulat kong tanong habang tinuturo sila Leanne. Napalingon naman ako kay Clarence ng bigla syang magsalita.

"Pagbati mula sa Death Grip, Stacey."

Death Grip (On-going)Where stories live. Discover now