DEATH GRIP: CHAPTER SEVENTEEN

28 3 2
                                    


"WHERE ARE WE GOING?" I heard Red shout from behind.

We're currently running towards south and maintaining to keep my enhanced hearing para marinig yung ice monster if ever it started to chase us. Thank gods hindi pa sya mukang nabubuo.

"South! Tubig ang pinagkukunan ng ice monster na yon kaya sya nabubuo! Kailangan nating alisin ang tubig to make it stop!" I shouted back not slowing down from running.

Hindi ko maiwasang magisip kung pano namin matatanggal ang tubig. I have a strong feeling na lawa ang pupuntahan namin. How exactly does fire will make the water gone?

I shake the thought. Bahala na mamaya. Binilisan ko pa ang pagtakbo at hindi inaalis ang pandinig mula sa malayo. Malapit na ang lawa samin, but I also heard the ground shake. Mukang pumailalim na naman ang ice monster.

"Dali! Humahabol na satin ang ice monster!"

Few moments later, we reached the spot where I can hear the sound of water. Tama ako ng hinala, lawa nga to. Ngayon, anong susunod na gagawin? Hays!

"P-pano natin to aalisin dito?" I asked.

Red dipped his hand onto the water. Mabilis na nagdulot yun ng usok nang ginawa nya yon. I blinked as I saw large fire from under the water. Mas lalo pa yung lumaki nung isawsaw din ni Red ang isa nya pang kamay.

"Get out of the way!" Bella shouted as she walked backwards before extending her arms in an upward direction.

"Evaporation.." I murmured as I realized what they are trying to do. Kumukulo na ang tubig sa kamay ni Red but he's not flinching. Nagsisimula na ding magevaporate ang tubig sa lawa.

Sobra na sana ang kasiyahan ko dahil sa naisip na paraan nung kambal kaso may narinig na naman akong tunog ng paghigop sa hangin. Kitang kita ko kung pano tangayin ang evaporated water ng hangin papunta sa pinanggalingan namin. Fuck..

Nilingon ko si bella para sana sabihin pero di ko na natuloy dahil sa nakita kong ekspresyon ng muka nya at postura ng katawan nya. Nakalatag sa ere ang dalawa nyang kamay sa gilid ng katawan nya at bahagya syang nakayuko. A-anong ginagawa nya?

Malakas na tunog mula sa ilalim ng lupa ang dumagundong sa magkabilang tenga ko dahilan para kumabog ang puso ko at mataranta ang buong sistema ko.

"Malapit na sya!"

Thunders of fire erupted from bella that makes me sweep away from my spot. Sobrang lakas ng paglabas ng apoy sa kanya dahilan para mapatumba ako sa sahig. Ramdam ko din ang init non kaya naman napatakip ako ng muka habang nakadapa. Pinakiramdaman ko muna ang paligid bago ako mag-angat ng tingin.

My eyes widen and my jaw dropped as I saw bella's wall of fire. Pinapalibutan ng pader na apoy ang lawa pati na din si Red. Mabilis na nagpanic ang utak ko ng mapagtantong nasa loob nga si Red, pero mabilis din yung nawala dahil naalala kong fire gripton pala sya.

Napansin ko ang nawalang evaporation ng tubig, nakulong na sya sa apoy ni bella. Huminto din ang snow sa paligid pero palakaa ng palakas ang ingay na naririnig ko sa ilalim ng lupa, bahagya ko na ding nararamdaman ang panginginig ng dinadapaan ko kaya naman dahan dahan akong tumayo.

I walked lumping towards bella, pero agad akong napahinto. Nakahinto sa ere ang buhok nya, nagaapoy ang mata nyang nakatitig sa pader na apoy na nanggagaling sa kamay nya. Para syang estatwang nagaapoy..

Malakas na pag-ungol ang pumawi ng atensyon ko kay bella at kaagad na napalingon sa bandang kaliwa. Naroon na ulit ang ice monster at kitang kita ko na naman ang malamig na kulay asul na belt sa bawat parte ng katawan nya.

Teka.. hindi kaya..

My head jerked towards Bella's fire and the ice monster's icy belt.

"Alam ko na.." I murmured. Mabilis kong iginala ang tingin ko para sa bagay na makakakuha ng atensyon ng halimaw na to but as I do it, nagsimulang umatake ang ice monster.

Death Grip (On-going)Where stories live. Discover now