Chapter 11

8 4 0
                                    

"WHAT?!"

Nagtinginan ang mga estudyante sa amin dahil sa lakas ng boses ni Jonah.

"Shh... Calm down, you're making a scene."

Mukha naman itong natauhan at napatingin-tingin sa paligid namin bago nahihiyang umupo. Tsk. Tsk.

Kinurot nito ang braso ko sakto lang para mapaigik ako.

"Stop that, Jonah. Hindi na bata yang si Chasty. And haler! Nasa twenty-first century na tayo."

"I'm not being an old lady here. Atsaka ganyan ang mga linyahan ng mga kabataang napapahamak sa mga ginagawa nila." Binalik naman ni Jonah ang tingin nito sa akin.

"Chasty, naman. Wala pang ilang buwan sinagot mo na? Pa'no pala kapag masama ang ugali niyan? Iiyak-iyak ka pagdating ng panahon."

"Jonah, 'wag mo ngang itulad 'yang si Chasty sayo na ilang taon bago mo sinagot ang kapatid ko," sabi ni Claritta na pinangdilatan pa ng mata si Jonah.

"I'm just being cautious here. Yung isa kasi d'yan, sinagot na ang lalake kahit alam na may karelasyon na."

Wait, wait! Tungkol pa ba sa pagsagot ko ng maaga ito kay Cold, or parang iba na?

"You know what? Shut up, wala kang alam."

"Hep, hep." Pigil ko sa dalawa bago pa mag-eskandalo ang mga ito at maging center of attention pa kami.

"Alam mo, Chasty? Masyadong masikip na dito. I gotta go somewhere spacious." Pagpaparinig pa ulit ni Claritta kay Jonah.

Hindi ko alam kung anong issue ng dalawang 'to pero malapit nang sumabog ang ulo ko sa dalawang 'to.

Hindi makapaniwalang tinignan ni Jonah si Claritta, but before she could utter a word. Mabilis na kinuha ni Claritta ang bag nito at umalis.

"Ayaw ko talagang maging tanga," sabi na lamang nito habang nakatanaw sa papalayong bulto ni Claritta.

Curious man ako sa pinagsasabi nito, ayaw ko namang masira ang araw ko sa problema ng dalawang 'to.

"Back to you babae."

Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis rito. She then grunted and rolls her eyes afterwards. Pero sadyang nasa cloud nine ako para mainis.

"Sana man lang kinilala mo muna 'yong tao bago mo sinagot. Alam mo ba apelyido no'n?"

Natigilan at napaisip ako sa tanong nito. Alanganing tumingin ulit ako rito nang ma-realize na ni apelyido ni Cold ay hindi ko alam. Mukhang nakuha naman nito ang sagot kahit hindi ko na sabihin dahil napahilot ito sa magkabilaang sentido nito.

I never asked Cold. Maybe because I was too occupied by his presence. I know nothing about his family even his family background na madalas tinitignan ko sa isang tao bago magkagusto. It's just… I never bothered to check…
Pero siguro alam naman ni daddy. He wouldn't let Cold stayed in our house if he's dangerous.

"NANA!" Kakababa ko pa lang ng sasakyan nang makitang papunta sa likod-bahay si nana.

"Oh, ang aga mo namang umuwi." Nagpunas pa ito ng kamay bago ako niyakap na madalas nitong ginagawa simula pa lang pagkabata ko kapag ganitong yayakap ako.

"Wala namang prof na sumipot sa amin kaya umuwi na lang ako ng maaga. Btw, si daddy ba nandyan?"

"Ayon at nasa opisina niya kanina pa. Tamang-tama kung pupunta ka doon, dalhin mo na rin yung hinanda kong meryenda para sa daddy mo."

"Sige po nana." Nagpaaalam na ako rito at nagpunta sa kusina bago pumanhik sa taas kung saan ang office ni daddy dala-dala ang tray na may lamang pagkain.

Nang tumapat ako sa office nito, kumatok ako ng tatlong beses bago pinihit pabukas ang doorknob. Abala ito sa pagbabasa ng mga papeles na nagkalat sa desk nito, mukhang hindi pa ako nito narinig na kumatok.

Ibinababa ko ang tray sa bakanteng space ng table nito. Saka naman ito nag-angat ng tingin at parang nagulat pa at nakita ako. Sabi na nga ba.

"Ang aga mo?" Lumapit muna ako rito at humalik sa pisngi nito.

"Walang prof," simpleng sagot ko rito.

"Dad, matagal nyo na bang kilala si Cold ?" Nangunot ang
noo nito.

"Of course, hija. Magkasusyo kami daddy niya simula pagkabata niyo pa. Ba't mo natanong?" Nakahinga ako nang maluwag nang marinig arng sinabing 'yon ni daddy.

"Oh, well. Tinanong ko lang kasi ang bilis n'yong natanggap si Cold."

"Wala kang dapat na ikabahala, mabait na bata yang si Cold."

Ngumiti ako rito, "Oh, siya dad, aalis na ako. Mukhang busy ka pa naman. Yung meryenda ha, 'wag mong kakalimutan," sabi ko rito habang nag lalakad patungo sa pintuan.

Bago ako lumabas ng tuluyan tinignan ko ulit si daddy at nag-flying kiss pa.

Napapangiting pumanhik ako sa kuwarto habang iniisip that Cold is a good guy at dapat ay hindi na ako mabahala.

TIME passed by. Parang hangin lang na dumaan ang panahon. At natatawa na lamang ako kapag naiisip ang hitsura ko sa t'wing nandiyan si Cold, para pa rin kasi akong teenager na kinikilig whenever he bought something for me. Parang nanliligaw pa rin siya kahit naman na sinagot ko na ito. Magkabilaang dates at kung saan-saan kami napupunta.

Nagkakamabutihan na rin sila kuya Hendrick, panay pa bonding ng dalawa akala mo si kuya ang pinupuntahan. Grr. Kasi naman kapag pumupunta ng bahay si Cold laging sila kuya ang magkasama or nag-uusap. Oh, diba. Akala mo si kuya ang laging sadya.

Hindi na kasi dito tumutuloy si Cold sa bahay nang araw na sagutin ko siya. Sabi niya, respeto na rin sa family ko since kami na. Shet kinilig si lola n'yo. Eh, muntik na ngang may mangyari sa amin. Okay, move on na tayo sa muntik na yan.

"'Excuse' me."

Muntik na akong mahulog sa hagdan nang may biglang bumalya sa likuran ko, buti na lang at nakahawak ako sa railings kaya hindi ako natuluyan. Tinignan ko ang malanding ahas na ngayon ay nauuna nang bumaba sa hagdan.

"Sa laki mo nga naman kahit sa malawak na hagdan hindi ka magkasya."

Agad itong tumigil at bumaling sa'kin ng masamang tingin.

"Hindi kasi kita nakita. Akala ko tabla lang, 'yon pala ahas."

Muntik na akong maubo sa sinabi nito. Ako PA ang sinabihan na ahas.

"Wow! Akala mo talaga may inagaw sa kaniya," sabi ko at humakbang pababa hanggang sa maunahan ko siya.

"Nang-aagaw ka dahil lang sa pinagtaksilan ka ng boyfriend mo noon. Ano 'to revenge? Hindi ka maka-move-on sa past kaya naman ikaw ang nang-aagaw ngayon?"

Kumulo ang dugo sa mga salitang narinig ko.

Mahayap ko siyang tinignan. Nakakuyom na rin ang kamao ko dahil sa pagpipigil ng galit na nagsisimula na namang umusbong.

"Unang-una, wala akong inagaw. Pangalawa, hindi ako mag-aaksayang paglaanan kayo nang ni katiting na oras para sa revenge na sinasabi ng isang malandi at ahas na katulad mo. At pwede ba, tumigil kang ilusyunada ka. Hindi ibig sabihin na pinili ka noon, ikaw pa rin ang pipiliin ngayon—"

Hindi ko napansin ang paglapit nito at naramdaman ko na lamang ang paglapat ng isang kamay sa kaliwang pisngi ko. Doon parang sumiklab ang galit na kinikimkim ko para lang hindi masaktan ng pisikal ang babaeng 'to. But not this time b'tch.

Hinablot ko ang mahabang buhok nito at agad na hinila. Nakaramdam ako ng hapdi sa braso ko pero hindi ko bibitawan ang babaeng 'to hangga't hindi ko ito nakakalbo. Napaigik ako nang mahablot nito ang buhok ko. Argh! No way! Nah-ah, not my hair na minana ko pa sa dear mother ko!

"Jusmeyo marimar! Tulong, tulong. Tama na po, tumigil kayo!"

Narinig kong tili ng isa sa mga kasambahay pero ni isa sa amin ay hindi nagpaawat.

"Anong nangyayari dito?"

Biglang bumitiw si Misha at pumalahaw ng iyak.

🍭theblackjustice

IT MUST BE LOVE TRS#1(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon