Chapter 13

9 3 0
                                    


KANINA ko pa tinatawagan si Cold para sunduin ako pero nakailang missed calls and chats na ako, hindi pa rin nito sinasagot. And I'm getting impatient here. Sana man lang nagsabi siyang matatagalan siya, chi-nat man lang or what just to inform me. I hate latecomers.

Mag-gagabi na kaya panay ang palo ko sa braso ko dahil na rin pinapapak na ako ng lamok. May ilang estudyante pa na napapatingin sa gawi ko, tinataasan ko lang ito ng kilay. Inalok pa ako ng ibang kaklase ko na sumabay na sa kanila pero tinanggihan ko kasi baka nga magkasalungat kami ni Cold.

Pagtingin ko sa relo ko, it reads eight twenty-one. It's already late. Maya-maya lang ay may pumarang kotse sa tapat ng waiting shed, but I know it's not his.

Bumaba ang bintana ng kotse kaya nakilala kong kay Hubert pala ito.

"'Wag mo na hintayin kung sino man 'yan. Pumasok kana," sabi nito sabay bukas ng pinto ng kotse.

Nagdadalawang-isip pa ako pero dahil sa inis ko ay pumasok na lamang ako. Agad namang minaniobra nito ang kotse pagkasara ko sa pinto. Tumingin lang ako sa labas ng bintana para kahit konti maaliw man lang ang isipan ko. Naiiyak ako pero pinigilan ko. Sana kasi nagsabi man lang na male-late or hindi na makakapunta para aware man lang ako.

Hindi ko pa mamamalayang umiiyak na ako kung hindi lang nag-abot ng panyo si Hubert. Tinanggap ko na ito. Walang salitang namagitan sa amin sa buong biyahe, pagkarating sa bahay ay agad akong tumalilis.

"Dito ka na lang kumain kung gusto mo."

"'Wag na, may pupuntahan pa ako."

Hinawakan nito ang kaliwang kamay ko, "Sa susunod, 'wag kana maghintay ng tatlong oras."

Nagulat ako na alam nitong tatlong oras akong naghintay. Naiiyak na naman ako. Nakakapagtampo kasi.

"Sige na, pumasok kana."

Tumango lang ako saka naman nito binitawan ang kamay ko. Hinintay ko pang makalabas ito sa gate bago pumasok sa loob.

"Ma'am, natagalan po kayo?"

"May pagkaing nakahain na po sa mesa."

Tumango lang ako sa mga kasambahay habang dire-diretso naman ang akyat ko sa hagdan.

Pagka-lock ko sa pinto ng kuwarto ay agad akong tumungo sa kama at sinubsob ang mukha sa unan. Doon ko na nilabas ang sama ng loob ko hanggang sa makatulog ako.

MALIWANAG na sa labas pagkagising ko. Ramdam ko rin ang hapdi ng mga mata ko mula sa magdamagang pag-iyak. Nang tingnan ko ang sarili ko doon ko naalalang hindi pa pala ako nakapagbihis simula kagabi kaya nag-decide akong maligo muna.

Habang nasa ilalim ng shower biglang kumulo ang tiyan ko. My gosh, gutom na ako. Hindi pala ako naghapunan. Pagkatapos ng halos dalawang oras sa banyo ay natapos din ako, palabas na ako sa pinto nang masulyapan ko ang sarili sa malaking salamin sa banyo. My gosh, Chasty. What's with the face? Namamaga talaga mga mata ko, tuloy parang naging singkit ako kagaya kay Claritta. But not good. Ang pangit niya ñng tignan, besh.

Napabuntong hininga ako at umalis sa pagkaka-lean sa sink, "Pa'no pa ako lalabas nito? Shades?"

Mukha naman akong tangang magsi-shades. Eh, nasa bahay lang naman ako. Buti na lang at linggo ngayon. Napailing-iling ako at tuluyang lumabas.

Pagkatapos kong magbihis ay nag-blower pa ako ng buhok. Saka napagdesisyunang tawagan si dear brother, pero gano'n na lamang ang gulat ko nang sunud-sunod na tumunog ang phone ko. Nakalagay pa sa notification bar na may thirty-two missed calls at hundred messages akong na-received. Mas madami ang galing kay Cold, dalawang text naman mula kay Claritta at tatlo galing kay Hubert.

Nangunot ang noo ko sa huli. Saan naman nakuha ni Hubert ang number ko. Sure akong kakalbuhin ko itong si Claritta kapag nalaman kong siya ang nagbigay.

Nagulat ako nang may biglang kumatok ng sunud-sunod. Hindi pa nga ako nagkakape!

"Hoy! Babae lumabas ka diyan."

Pinaikot ko ang mga mata nang marinig ko ang barakong boses ni kuya. Of course sino pa ba? Si kuya Hendrick lang naman ang kumakatok na halos gibain na ang pinto. I decided not to read the messages yet, and strode my way towards the door. Nang mapagbuksan ko ito, bumungad ang pangit na mukha ni kuya.

"Ang pangit mo," magkasabay pang sabi namin na siyang nagpatawa sa amin.

"Pero seryoso, Rose, ang pangit mo." Napatigil ako sa pagtawa at malakas na pinagpapalo ang braso nito na panay ang ilag.

"Fvck! Ano ba masakit!"

"Don't fak fak me, isusumbong kita kay mama," ang lagi kong sinasabi nung panahon nabubuhay pa ito. Pero ang walanghiya tumawa lang. Tumigil na ako dahil sa parang namamaga na ang palad ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Halos dito na matulog si Cold kagabi kakahintay sayo. Inalok ni daddy na dito na lang matulog pero tumanggi."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito, "Ows? Naghintay siya?"

Kumunot ang noo ng huli nang siguro ay marinig nito ang sarcasm sa tanong ko.

"Nambabae ba?"

"Malay ko do'n! Tanungin mo! Pinaghintay ba lamang ako ng halos apat na oras. Ni hi, ni ho wala man lang ni-text."

Napakamot ito sa ulo at parang natatae ang mukha. Ang hirap i-describe, hay ewan basta parang natatae. Alam kong nangyari din ito sa kanila noon ni ate Martina, lulong kasi sa ML si kuya noon. Hayun, nakalimutan ang girlfriend na naghihintay na sunduin.

"Baka malay mo naman busy lang 'yong tao."

"Okay, lapag na natin yang possibility na 'yan. Pero sana naman in-inform ako para sana naman diba malaman ko kung tutuloy ba siya o hindi, kung kaya ko bang maghintay o hindi 'ng halos apat na oras'" nanggigigil na sabi ko rito.

"Pero kasi—”

"No! Bakit ikaw ba ang nandito at nag-e-explain? Nasaan ba yung damuho na 'yon?"

"Baka tulog pa. Naghintay ba lamang hanggang umaga diyan sa labas. Ayaw pumasok."

Medyo kinurot ang puso ko nang malamang naghintay ito sa labas pero mas nangingibabaw ang matayog na pride ko.

Nakakain na ako't lahat-lahat, wala man lang Cold na dumating. Ang kaninang unting awa ay napalitan na talaga ng galit. Baka nakakalimutan mo, ang dami niyang text na hindi mo pa nababasa. Sabi ng consciousness ko. Oo nga naman. Mabilis akong tumakbo pataas para kunin ang phone ko. Pero ganoon na lamang ang galit ko nang malamang nasa Canada pala ito at mag-usap na lang daw kami pagkauwi nito. HINDI KO ALAM KUNG MAY BOYFRIEND PA BA AKO!

Malakas na binato ko ang phone sa pader kaya nagkalasug-lasog ito pero wala akong pakialam dahil galit na galit ako. Kunin ko na lang ang simcard mamaya, magda-drama muna ako ngayon.

🍭theblackjustice

IT MUST BE LOVE TRS#1(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon