WELCOME TO KALELIAH, ISABELA
'Yan ang sabi ng malaking sementong nasa taas namin. I heave a sigh.
"Ang lalim nun ah. Care to share?"
Lumingon ako kay kuya Hendrick na nakaharap ngayon sa manibela. Napanguso ako.
"Ewan ko ba. Bad trip ako."
Tinignan ako nito buhat sa rearview mirror. He creases his left eyebrow, which indicates that he's not satisfied.
"Dahil ba ako ang nakasama mo dito at hindi si Cold?" Tinignan ako nito ng matalim bago tumuon ulit sa kalsada.
Maaga akong nagising dahil ngayon ang araw ng biyahe. I already packed my things kagabi kaya maliligo na lamang ako. Bumababa ako patungo sa kusina, nakasalubong ko pa si kuya Hendrick.
"Akala ko hindi ka pa magigising. Pupuntahan na sana kita," sabi nito at inakbayan ako. Magkasabay na kaming nagpunta ng kusina.
Nakita kong nagkakape na ang tatlo. Gano'n pa rin ang set up ng upo namin. Magkatabi pa rin sila Misha at Cold. Nagtama ang mga mata namin ni Cold, ang guwapo nito sa dark blue polo nito at naka-brush up din ang buhok nito na bumagay naman dito. Bigla akong na-tense nang hindi na ito nag-alis ng tingin sa akin kaya yumuko na lamang ako. Nang maupo kami ay agad naman kaming pinagsilbihan ni nana.
Nang matapos kaming kumain nagpunta na kaming lahat sa garahe. Naghabilin pa ng maraming bagay si dad kay nana. Si nana kasi ang mayordoma sa bahay since siya ang pinakamatagal na naninilbihan sa amin, simula pa nung buhay pa si mommy.
"Chasty, sa'kin kana sumab—" suddenly Misha's cuts him off.
"No, kay kuya na siya sasabay. Ako na lang sasabay sayo," nakangiti pang sabi ni Misha sabay akla ng kamay nito sa braso ni Cold.
Naikamot pa ni Cold ang kamay nito sa batok nito and looked at me apologetically.
"It's fine, Cold. Mas mabuti nga yung si Misha ang kasama mo, kaysa naman magsama kami sa iisang kotse. That's suffocating," I bluntly said.
Sinamaan lang ako ng tingin ni Misha na hindi makapagsalita dahil nandyan si Cold. Sige magpaawa ka lang d'yan, feeling api ang bruha. I rolled my eyes at her and turned my back at them.
Convoy kasi kami ngayon dahil nasa repair shop pa yung van na ginagamit ko sa pagpapasok ng school. Tatlong kotse ang gagamitin kasama na yung kotse ni Cold. Ang set up namin ay si mang Rene at si daddy na siyang nasa unahan para sundan namin, Misha and Cold, ako at si kuya.
"Hindi ah! Siyempre mas gusto kitang kasama," ungot ko rito.
"Hindi 'yan ang nakikita ko sa mukha mo, Chasty ha. Siguro may gusto ka sa kanya"
"Kuya naman. I'm not a child anymore."
"Alam ko. Ayaw ko lang naman maulit kung anong nangyari noon."
Bigla akong natigilan nang dumapo sa balintataw ko ang nakaraan na 'yon. I greeted my teeth and clutches my phone firmly, that I can see white in my knuckles already. Napabuntong-hininga si kuya.
"Let her."
Parang naputol ang litid ng pagtitimpi ko nang marinig ko 'yon. Marahas na humarap ako kay kuya.
"Again!? Kinuha na niya si Mikhail noon pati ba naman si Cold ngayon!?" Mukhang hindi lang si kuya Hendrick ang nagulat sa pagsigaw ko, dahil pati mismo sarili ko ay natigilan din sa narinig mula sa bibig ko. The realization hits me.
"You like him."
"I-I don't k-know. Maybe?"
Napabuntong-hininga na lamang si kuya at hindi na umimik pa. Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana para pakalmahin ang naghihimutok kong kalooban. Gusto ko na ba siya? Ang bilis naman.
"CHASTY, apo ko."
Pagbaba pa lang ng kotse ako agad ang sinalubong ni mámá. She widely opens her arms at agad ko naman itong niyakap, hinalik-halikan pa ako nito. And I giggled.
"Jusmeyo, namiss kita maganda kong apo."
"Ma, pa'no naman ako?" Nakita kong nasa likod na pala si kuya at parang batang nakanguso nakatingin kay mámá.
"Agoy ang batang ere ang laki-laki na parang bata pa rin," sabi ni mámá sabay kurot pa sa tagiliran ni kuya. Natawa na lang ako nang mapangiwi si kuya pero yumakap pa rin.
Sunod namang lumapit si daddy para yumakap, yayakap na rin sana si Misha nang umiwas si mámá at nilapitan si Cold na tahimik lang sa likod.
"Aba, sino naman itong guwapong kasama niyo? Ito na ba ang boyfriend mo, Chasty?"
"Ah, hindi po. Kasama ko po—" Mámá cut Misha's words this time.
Masama man pakinggan pero masaya akong ginaganiyan ni mámá. You can't fault me.
"Kailan naman kayo ikakasal ng unica hija namin?"
"Mámá! Nakakahiya."
Tumawa si Cold sa kalokohan ng mámá, "Malapit na po, kung papayagan ako ng apo niyong manligaw sa kanya."
Tumingin naman ang lahat sa akin even Misha's scorching glares.
"Aba! Ano pa hinihintay mo, Chasty?" nakataas-kilay pang tanong ni mámá.
"Ma, leave them alone. Malalaki na sila," sabi pa ni kuya at inakbayan si mámá para pumasok na sa mansion nito.
Napahinga naman ako nang maluwag nang maiwala ni kuya ang topic. Si mámá naman kasi, eh. Nakita kong tinapik ni dad ang balikat ni Cold bago ito sumunod kela kuya papasok. Nag-cross arms naman si Misha at mukha nang maiiyak bago sumunod na rin.
Nang kaming dalawa na lang naiwan ni Cold ay parang biglang naging awkward.
"Sana hindi mo na pinatulan ang kalokohan ni mámá," awkward kong sabi dito while fidgeting my fingers.
"Your lola is nice. She likes me already kaya hindi na mahirap."
"Ha?" nagtatakang tanong ko rito pero imbes na sagutin ay ngumiti lamang ito at inilahad ang kamay sa daan.
"Shall we?"
Mukhang ayaw nitong sagutin kaya hindi ko na rin ipipilit but ghorl, I'm dying to know it.
Nagpatiuna na akong maglakad papasok sa mansion ni mámá hila-hila ang bagahe ko para hindi na rin marami ang ilalabas ni mang Rene. Bago pa kami makapasok ay binati na kami ng mga katiwala at lumaki ang ngiti ko nang makitang nandito rin ang mga kalaro kong anak ng mga tagapagsilbi noon na nagsisilbi na rin ngayon. Mukhang marami kaming pagkukuwentuhan.
When we step inside the cozy feeling invaded my mind and triggers the memory and emotions that once I've felt when my mommy still alive. Ah, finally. I'm home.
🍭🍭NOTE🍭🍭
Gawa-gawa ko lang yung lugar since ayaw kong gumamit ng pangalan ng totoong cities, towns, and villages(excluded the country and provinces). Wala namang problema do'n kasi work of fiction lang naman 'to, although catchy talaga kung totoong lugar sana gagamitin ko.
—theblackjustice
BINABASA MO ANG
IT MUST BE LOVE TRS#1(Completed)
Romantik"Why those green eyes are somewhat familiar?" Book one of THE REUNION SERIES.