Chapter 4

11 4 0
                                    

PAGKARATING na pagkarating sa parking lot ng university ay mabilis akong lumabas sa sasakyan nang hindi nagpapaalam, narinig ko pang tinawag ako ni Cold pero hindi ko na ito nilingon pa. Sa pagpasok ko pa lang sa hallway ay marami ng bumati sa akin pero ni isa ay hindi ko na binati pabalik at alam nilang kapag ganitong hindi ako namamansin it means, "Don't talk to me".

Bago pa ako tuluyang makapasok ay naharang na ako ni Hubert. Nasa tabi lang ang mga barkada at ka-varsity nito. Oh my, here we go again.

"Chasty, parang mas gumaganda ka araw-araw."

I rolled my eyes, lagi ko na lang naririnig ang linyang 'yan. Wala na bang iba?

"I know. May salamin kami sa bahay."

May nagtawanan at napa-"ows" sa paligid namin pero hindi ko na tinignan kung sinu-sino. Nagtagis ang bagang ng lalaking kaharap ko.

"You know. You should lessen your attitude sometimes."

"Why would I?" Umarte pa akong shocked sa harapan nito.

"Wala naman akong natatapakang-tao sa ugali ko… except for those people that has parents whose running some illegal business in town." Mabilis na akong umexit nang masabi ko ang mga salitang 'yon. Hindi ko tinignan ang hitsura ng mga taong nakarinig.

Hubert Lastimosa. His father has a million net worth that came from unauthorized clubs and casinos. So ayokong madamay ang apelyido ko sa mga taong madumi ang apelyido.

Panti

Natigilan ako at ipinilig ang ulo nang maalala ang apelyidong kinababantutan ko sa tanang buhay ko.

"CHAST, comfort room lang ako." Tumango lang ako kay Jonah na hindi ito tinitignan. Nakita ko naman sa peripheral vision kong tumayo ito at umalis.

Maya-maya lang ay may aninong humarang sa liwanag na na nasa harapan ko, nagtaka ako. Ang bilis namang makabalik ni Jonah.

"Chasty, ba't hindi mo naman sinabi na bumalik na pala ang Panti mo."

Claritt?

Nagtatakang napatingin ako sa babaeng naglagay ng bag niya sa mesang kinaluluklukan ko. Nasa cafeteria ako at nagkalat pa sa mesa ang mga papel na kailangan kong i-revise para sa research namin ng ka-partner ko.

"Panty what?"

She rolled her eyes at me and then leaned, "It's Brew Panti. The chubby guy who confessed to you way back in elementary. Do you still remember him?"

"Oh, yes, yes. What about him?" nakakunot noo'ng tanong ko. I just remembered that he popped up in my mind awhile ago.

"So ayun nga. I saw him kanina sa engineering building kausap si Miss Zugapa. In fairness he's yummy na, I didn't recognize him not until I heard whispers somewhere."

Whispers raw, kung alam ko lang naki-chismis talaga 'to. Updated nga ito lagi sa mga nangyayari sa paligid kaya nagtataka ako ba't Flight Attendant kinuha nito kung papasa naman ito bilang News Reporter.

"And so?" pagbabalewala ko sa sinabi nito.
Lasing ba ako last time at ba't ganito pagkaka-english ko?

"Wala ka pa rin bang pakialam kahit sabihin kong… hinahanap ka niya?"

Napatigil ako sa pagre-review ng research namin nang marinig ang huling sinabi ni Claritta. Tumingin ako sa mukha nito at nakitang tinataas-baba nito ang kilay, kita ko ngang hindi siya nagbibiro kaya gano'n na lang ang kabog ng dibdib ko. Guilty pa rin kasi ako dahil nung binitawan ko ang mga salitang 'yon, kinabukasan hindi na pumasok si Brew. Naawa naman ako sa matabang 'yon.

Napangisi si Claritta nang hindi na ako kumibo.

"O-oh, someone's back with revenge ang peg nito. Sexy revenge, rawr" sabi pa nito habang humahagikhik.

Pinaypayan ko naman ang sarili ko nang bigla na lamang akong pinagpawisan. Wala naman akong kasalanan do'n, nakapagsalita lang ako ng medyo masakit pero hindi naman siguro matatawag na kasalanan yun? I mean that's understandable naman siguro na ayaw ko lang magpaasa kaya ni-reject ko kaagad atsaka ang babata pa namin noon.

"Oh, Claritta nandito ka pala."

Nawala ang kung anu-ano mang agam-agam sa isipan ko nang marinig na magsalita si Jonah, ang ka-partner ko sa research.

Claritt just rolled her eyes heavenward after hearing her name under Jonah's voice. She then get her bag out of the table. May ibang papers pa na sumama sa bag nito pero agad din namang nalaglag. She then stormed out without glancing back at Jonah. Problema ng babaeng 'yon?

Tinignan ko naman ang babaeng nakatayo sa gilid ko. She keeps on pushing back her glasses up, halatang maluwang ito sa ilong niya. Why not buy another one that fits her? Parang pinaglumaan pa kasi ito ng lolo niya.

"Nagkagalit ba kayo ni Claritt?"

Parang nagulat pa ito nang magsalita ako, tulala lang kasi ito sa nilabasan ni Claritt kanina. She became uneasy at parang ayaw pang magsalita, ni ayaw nitong tumingin sa mga mata ko.

"Hindi naman. Siguro bad trip?"

Mukhang ayaw nitong sabihin so I just shrugged and leave the questions behind since ayaw nitong mag-open up, so I won't force her as a sign of respect. Personal siguro. Boyfriend kasi nitong si Jonah ang kapatid ni Claritt na si Fin.

Hindi rin naman nagtagal ay inasikaso na namin ang pagre-revise, chapter two pa lang naman 'to pero kasi naman. Bakit ba kasi may research? Akala ko tapos na paghihirap ko nang maipasa ko yung Science Investigatory Project namin nung grade six. May mas lalala pa pala do'n?

I know these papers could help us lalo na sa nalalapit na pagbubukas namin ng business para sa final grades namin sa major. But I still hate it. Nasa'n ba kasi yung tatlong itlog? Oh, you think na dalawa lang kami sa grupo? No! We're five in the group and I don't know where the hell are they!

🍭theblackjustice

IT MUST BE LOVE TRS#1(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon