Chapter 12

7 3 0
                                    

"ANONG nangyayari dito?"

Biglang bumitiw si Misha at pumalahaw ng iyak. Hindi ako makapaniwalang napatingin dito, mukha kasing ito pa ang aping-api.

Napatingin ako sa front door at nakitang nakatayo roon sina Cold at kuya Hendrick. Pareho pa itong naka-tie and coat. Mukhang galing pa ito sa trabaho at dito na dumiretso.
Napatigil ako sa pagtitig nang may bumangga na naman sa'kin at nagtatakbo papunta sa front door.

Mas nagalit pa ako nang makitang si Misha ito na patakbong lumapit at yumakap kay Cold. Sinubsob pa nito ang mukha sa dibdib ni Cold. Pero imbes na sugurin ito ulit mas pinili ko na lamang na umakyat. Narinig ko pang tinawag ako ni Cold pero hindi na ko na ito nilingon at patakbo nang umakyat. Magsama sila.

                                             COLD

"MAY ire-recommend akong architect sayo. Actually, naka-based siya sa Europe pero uuwi naman yun ngayong taon lang din.

"Sige, sige. May tiwala naman ako sa taste mo, eh."

Natawa ako sa tinuran nitong si Hendrick. Pinag-uusapan kasi namin ang disenyo ng gagawing bagong branch ng chocolate factory nila na itatayo sa Davao, nag-suggest ako ng kahit unti lang kasi hindi ko naman yan field. Ni-recommend ko na lamang ang bestfriend ko since Engineer ako at hindi Architect, let's leave the design itself sa professionals.

Galing pa kaming meeting at umuwi na lamang. Hindi na rin kami kumain sa labas at ika nga niya sa bahay na lamang daw para makatipid. Which is yeah, true.

Papasok pa lang kami sa front bulwagan nang makarinig kami ng sigawan. Nagkatinginan kami ni Hendrick at mabilis ang lakad para makita kung anong nangyayari.

"Anong nangyayari dito?"

Pagkasabi nun ni Hendrick ay napatingin ako sa mga babaeng magulo ang buhok na nakilala kong sina Chasty at Misha.
I meet Misha's eyes even her hair covers those beautiful orbs.

Naramdaman kong may yumakap sa'kin kaya napatingin ako rito.

"Cold, sinaktan ako ni Chasty. Look, oh." Tumingin ako sa braso nito na may nakaguhit na namumula.

"Those scratches are from her."

Nang sinabi niya 'yon ay bigla akong nag-alala kay Chasty kaya tinignan ko ulit ito pero likod na lang nito ang nakikita ko.

Kinalas ko ang yakap ni Misha sa bewang ko at tumingin kay Hendrick. Signaling him to take of Misha, then he nudges his head. Binitawan ko si Misha para habulin ang girlfriend ko.

"Cold? Sa'n ka pupunta? Cold!"

"Tumigil ka nga, Misha!" narinig kong may pagtitimping sigaw ni Hendrick.


                                           CHASTY

NAGPUPUNAS ako ng ilong nang marinig kong may kumatok sa pinto ng kuwarto ko.

"Leave me alone, nana," sabi ko rito pero panay pa rin ang katok nito. Kahit kailan talaga ang kulit ni nana.

Mabilis akong umibis na nagdadabog pababa sa kama. Walang paligoy-ligoy na binuksan ang pintuan at sana'y magra-rant na nang makitang si Cold ito imbes na si nana.

Hindi ko pa nakakalimutan ang nangyari sa baba tapos nandito siya?! Tumingin ako sa dibdib nito, napangiwi ako nang makita ang bahid ng foundation galing sa mukha ng malanding iyon. That place is supposed to be mine.
Sinamaan ko ng tingin ang lalakeng kanina lang ay nasa piling ng iba.

"Anong ginagawa mo dito? Nasa'n si Misha? Doon kana kaya sa kaniya? Pag-umpugin ko pa kayo," sunud-sunod na sabi ko rito. At ang walanghiya nginitian lang ako. It pisses me off so I decided to slam, yes, 'slam' the door on his face.

"Chasty, hey. Open the door hon, please."

No, bahala ka diyan sa buhay mo. Pero imbes na tumungo sa kama ay nanatili ako sa likuran ng pinto at pinapakinggan si Cold. Hindi ako marupok pero kailangan magpakipot onti.

"Hon, may dala akong mango float. Gusto mo?"

Hindi makapaniwalang tinignan ko ang nakasarang pinto. Anong akala niya sa akin madadala sa pagkain? Kung galit ako, galit ako!

"Bubuksan mo naman na pala, eh."

Para akong nagising at napatingin sa kamay kong nagbukas ng seradura. Pahamak ka! Hindi tayo nadadala sa pagkain, remember?! Ibinalik ko ang tingin sa mukha ni Cold na ngayo'y may nakakalokong ngiti. Pinaikot ko ang mga mata ko para matabunan ang kaunting pagkapahiya.

"Where is the mango float?"

"Nasa baba pinalamig ko na muna sa ref."

Unti-unti nitong inagaw ang seradura at napaatras din ako dahil pumasok ito. Nang masara nito ang pinto at… I gulped when he pushes the lock button. Anong gagawin namin? Ngayon na ba? Naramdaman ko ang mainit na yakap nito. Hmm ba't parang namiss ko 'to? Sandali lang naman kaming nagkahiwalay kasi araw-araw bago ito umuwi sa condo nito—pumupunta pa ito rito.

Masarap na sana ang pagyakap ko nang maalala ko ang eksena kani-kanina. Pinilit kong lumayo sa pagkakayakap nito, mabuti naman at pinakawalan ako.

"Masarap ba kayakap si Misha?" pahapyaw na sabi ko rito. Bigla namang sumama ang tingin nito, indication ata na hindi nito nagustuhan ang sinabi ko.

Hinaplos nito ang magkabilaang braso ko hanggang sa umabot sa kamay ko.

"I didn't initiate the hug, neither hug her back. I cut it short and followed you here immediately nang makita ko yung scratches niya, nag-alala ako sayo."

Para namang hinaplos ang puso ko sa sinabi nito at napaisip na bakit nga naman ako magagalit sa kanya kong hindi naman nito ginusto. Pero sana man lang umiwas agad diba. I rolled my eyes at the last thought.

Sinuri nito ang braso ko, "May lahi bang pusa yung babaeng 'yon?" narinig kong bulong nito.

"Tara sa banyo."

"Ha? Anong gagawin natin sa banyo?" Hala, bakit kasi sa banyo, eh pwede naman dito.

Napahawak ako sa noo ko nang maramdaman ang sakit mula sa pagpitik nito.

"Aray! Bakit ka nananakit?!"

"Huhugasan lang natin 'yang sugat mo para magamot. Kung anu-ano na iniisip mo," nakatawa pang sabi nito.

Napanguso ako nang makaramdam ako ng disappointment sa sinabi nito.

🍭theblackjustice


IT MUST BE LOVE TRS#1(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon