ANG kuwartong ino-occupy ko ay ang dating kuwarto ni mommy nung kabataan pa lamang niya. Wala itong masyadong gamit maliban sa dresser, queen bed with a small table besides with an elegant looking lamp, a few picture frames hanging on the walls, a beauty mirror with two drawers on each side, and a side chair. Mommy is a minimalist by the way.
I already fix my things in the two-door dresser at isinilid ko na rin ang luggage bag para hindi makalat tingnan. Magpapahinga muna kami ngayon dahil bukas magsisimula ang tour namin sa buong probinsya ng Isabela, it's been a decade nang huling magawi ako rito kaya hindi ko na rin alam ang lugar dito. All I knew was the name of the province and where the name of the town came from. From the late Doña Kaleliah Lopez, a half hawaiian and half chinese woman. Yup, the town was once owned by the powerful Lopezes but something happened why the land given to the people here. They never changed the name of the town because they honoured the late Doña.
Well enough with the history. I needed to get a sleep dahil may pa-barbeque party si mámá later.
NAGISING ako dahil sa kulay kahel na liwanag na tumatama sa mukha ko. Umupo ako tumingin sa labas. It's so serene and beautiful.
Narinig kong bumukas-sara ang pinto but I can't drag my eyes away from such beautiful scenery outside. It feels like if I'll take away my eyes from it or even if I blinked, it will… vanished.
Naramdaman kong lumundo ang malambot na kama sa left side ko kasabay ng isang pagod na buntong-hininga.
"Your mom loves the sunset."
"Magtataka na lang ako pagpunta ko dito sa kuwarto niya, wala na siya. Nando'n na pala sa burol para pagmasdan ang paglubog ng araw hanggang sa mawala sa paningin niya, saka uuwi. Napapalo ko palagi pero ang pasaway ng mommy mo, hindi nadadala."
Tumawa nang mahina si mámá pagkatapos sabihin 'yon at kahit ako napangiti kaya bigla akong napatingin kay mámá. Nakita kong may luha sa gilid ng mga mata niya pero alam kong ayaw niyang punain ko iyon. A few blinks at parang walang luha na namuo sa mga mata nito, tumingin ito sa akin ng nakangiti.
"Bumangon kana diyan. Yung ampon ng daddy mo nilalantad na ang malaking dyoga sa boyfriend mong si Cold."
Natawa ako sa term nitong "dyoga", alam kong nakuha na naman niya yan sa mga batang katiwala dito.
"Mámá, hindi ko po boyfriend si Cold."
"Asus, doon din 'yon papunta kaya hala humayo na diyan," Hinila-hila pa ako nito para lang bumangon. Nagpadala na lang ako baka magka-back pain pa ito.
SUMUNOD akong bumaba sa mámá nang matapos akong magpalit ng black lacy bikini na pinatungan ko ng kulay purple na bathrobe. Pagkababa ko ay abala ang mga katiwalang pabalik-balik sa likod ng mansyon, doon kasi idadaos ang barbeque party ni mámá pero kami-kami lang din naman ang dadalo.
Pagkalabas ko sa likod ng mansyon, bumungad sa akin ang parihabang mesa na pinatungan ng white fabric. Hindi na ako nagtaka bakit ang daming ipinahanda, alam kong ang matitira ay ipapauwi sa mga katiwala ng bahay. Sadyang ayaw lang ni mámá na sumabay ang mga ito lalo na't maliligo kami sa pool.
Pero nang papunta na ako sa pool ay nakita kong hindi lang kami ang naroon. Nandito rin ang ex ni kuya na si Martina at ang nakababatang kapatid nitong si Abraham at pinsan nitong si Carter.
Nakabilog ang mga ito kasama si kuya, Cold at ang… argh nakakapit sa likod nitong si Misha. Malandi.
Balak ko na sanang magkulong na lang sa kuwarto ko, but before I can take one step back Martina saw me. Nanlaki ang mga mata nito at kumaway kaya kahit anong inis ko ay humakbang na lang ako palapit sa mga ito.
"Oh my gosh, Chasty. Ang laki-laki mo na," Umahon ito ito at niyakap ako ng mahigpit, agad din naman itong humiwalay nang may ma-realize.
"Oh, sorry about your bathrobe." Napahawak pa ito sa bibig niya. I laughed a little.
"That meant to be wet, ate Martina," I said and we both laughed.
We both stopped laughing nang palapitin kami sa pool. Agad naman sumulong sa tubig si Martina, dumiretso naman ako sa lounge at hinubad ang bathrobe. Hindi pansin ang malagkit na titig ni Carter at ang inis sa mga mata ni Cold.
Nagpunta muna ako sa shower na nasa gilid lang ng pool para mabasa bago sumuong sa mismong swimming pool. Katabi ni Martina si kuya Hendrick kaya pumwesto ako sa kabila nito, binigyan naman ako ng espasyo ni Carter.
Hindi ko na tinignan kung saan nakapuwesto si Cold at baka mainis lang ako."I can't believe na gumanda ka, Pat."
Sinamaan ko ng tingin si Carter nang marinig ko ang tawag niya sa akin nung mga bata pa lamang kami. Pat in short for Patpatin. Mapayat kasi talaga ako dati pero sabi nila bagay naman kasi matangkad ako at mala-model, itong lalakeng katabi ko lang talaga ang nangungutya sa akin.
"Excuse me lang, maganda na ako noon pa man, Chubs," sabi ko nang nakataas ang kilay. Hindi mo kasi aakalaing ang hunk na ito ay dating mataba na halos hindi malaman kung may leeg pa ba.
Natahimik kami at maya-maya lang ay nagtawanan. Napailing-iling na lang sila kuya Hendrick at Martina as usual wala pa ring reaction itong si Abraham.
"Geez, namiss kita," Niyakap ako nito na siya namang niyakap ko pabalik.
Biglang tumayo ang kung sino dahil narinig kong parang nag-splash ang tubig. Kaya nahinto kami sa pagyayakapan, nakita ko na lamang ang likod ni Cold na hinahabol naman ni Misha.
Nagkatinginan kami ni kuya Hendrick, tila may telepathy na nagaganap. Tumingin ito sa gawi kung saan nagpunta sina Cold at Misha bago tumingin ulit sa'kin, parang sinasabi nito na habulin ko. Ba't ko naman hahabulin? Ano ko ba 'yon? Nahagip ng mata ko ang nakangising si Abraham bago sumimsim ng wine sa kopita nito.
🍭theblackjustice
BINABASA MO ANG
IT MUST BE LOVE TRS#1(Completed)
Roman d'amour"Why those green eyes are somewhat familiar?" Book one of THE REUNION SERIES.