Chapter 15

7 3 0
                                    

NAGKATINGINAN kami ni Claritta at kahit siya ay nanlalaki din ang singkit na mga mata.

"Patay," narinig kong sabi nito.

"Brew, oh my gosh! Pumunta ka talaga," tili ni ate Shane na tumakbo papunta kay Cold.

Napatingin ang mga berdeng mata nito sa gawi namin, particularly na sa akin. Tumigil naman ai ate Shane nang makalapit ito. Gusto ko si ate Shane pero ngayon parang ayoko na sa kanya. Naiinis ako.

Namalayan ko na lang na may humawak sa kamay kong nakakuyom. Napatingin ako rito at sa nangahas na humawak sa kamay ko. Nakita ko ang mapanuring tingin ni Hubert sa mukha ko.

"I'm staring at you for a while. Bakit ang sama ng tingin mo—" bago pa nito matapos ang sasabihin, isang malakas na kamay ang humila sa bewang ko kaya nabitawan ako ni Hubert. Napatingin ako sa likod ko nang lumapat ito sa kung ano. Cold.

"Dude, anong problema mo?"

Masama ang tinging ibinibigay ni Cold kay Hubert.

"Kakausapin ko lang ang girlfriend ko," sabi nito bago ako hinila palabas.

Nadaanan pa namin si ate Shane na nalilito at hindi makapaniwala sa narinig at nakikinita nito. Hindi ko alam pero parang nagbunyi ang mga egg cells ko nang makita sa mukha niya 'yon. Yes, I am his girlfriend ate Shane. So back off! Hindi na puwede pagpantasyahan ang boyfriend ko!

Hindi ko namalayang nabuksan na nito ang kotse nito at patapon akong ipinasok sa passenger seat nito. Nabanas ako ng maramdaman ko ang kaunting sakit sa pagkakasalampak ko rito.

Umikot ito at pumasok sa kabila bago pinaadar ang makina.

"Saan mo 'ko dadalhin? Puwede kitang kasuhan ng kidnapping!"

Nagtagis ang panga nito at mahigpit na nakahawak ang kamay nito sa manibela.

"Saka mo na ako kasuhan kapag naparusahan na kita."

Napalunok ako sa hindi malamang takot o excitement na nararamdaman ko. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito bago binuksan. Nakita kong may text galing kay Hubert at Claritta, kay Claritta ang binasa ko.

>>>

Update mo 'ko kung anong nangyari huh ;-).

>>>

Ang gaga ginawa pa akong entertainment. Hindi ko na ito ni-reply-an nang pumasok kami sa underground parking sa isang building. Tumalilis ito sa sasakyan at nagpunta sa pinto kung nasaan ako.

"Baba," sabi nito sa malalim na boses pagkabukas na pagkabukas nito ng pinto.

"Sino ka para utusan ako?" Pinagtaasan ko pa itong kilay.

"I'll make you remember later. Now, baba bago pa kita buhatin."

Natakot naman ako sa timbang ko kaya bumababa na lamang ako. Pagkasara nito ng kotse at hinila na naman ako nito patungo sa pangalawang elevator. May isinalpak na susi ito bago bumukas. Bakit may ganon pa?

Hinila na naman nito ang braso ko papasok nang bumukas ang elevator door.

"Nakakailang hila kana ha. Masakit na."

Pinindot nito ang top floor bago ako binitawan at hindi kumibo.

"Ano? Hindi mo 'ko kakausapin?"

Still wala pa rin.

"Hindi ka man lang magso-sorry bakit hindi ka dumating para sunduin ako—”

"Dumating ako kahit sobrang late na pero wala kana."

"Sinong maghihintay ng more than three hours?"

"Magpapaliwanag ako pagkatapos kitang parusahan sa mga nalaman ko."

Hindi ako makapaniwalang tinignan ang madilim na mukha nito.

"Wow? Just wow! Ako pa ang dapat na parusahan?"

Tumunog ang elevator hudyat na nakarating na kami sa top floor. Hinapit nito ang bewang ko kaya natangay ako nito papalabas or should I say, papasok sa isang malaking condominium. Buong floor kasi ang sakop nito.

Hindi ko na nailibot ang paningin sa kabuohan nito dahil hinila ako nito sa isang paikot na hagdan. Sa taas na niyon ay may limang kuwarto at sa pinakadulo kami dumiretso. Inilapat lang nito ang kamay sa isang scanner at bumukas na ang pinto.

Binitawan nito ang bewang ko at umupo sa isang elevated na floor. Hinubad nito ang sapatos at medyas bago pinalitan ng isang normal na tsinelas. Nagulat pa ako nang hawakan nito ang paa ko para hubarin ang stiletto ko, hindi na lang ako nagreklamo para makapasok na kami.

Umakyat na kami sa elevated floor na 'yon at dumiretso ito sa kama at nahiga, iniwan na naman ako. Ay hindi pala kasi tinapik nito ang space sa tabi nito. Wala naman akong kakeme-keme na umupo at nilapag sa table nito ang bag ko. Ngayon ko lang napansin. Ang bastos nito, hindi man lang dinala ang bag ko. Hmp!

"Oh, anong kasinungalingan ang sasabihin mo sakin?"

Napaalis ang braso nitong nakapatong sa bahagi ng mga mata nito at masama akong tinignan. Agad nitong hinablot ang braso ko at hinila pahiga sa kama kaya napatili ako. Pinagpawisan ako bigla ng kinubabawan ako nito, ramdam ko pa ang bigat nito. Wala man lang salita namagitan, tanging titigan lang.

"Are we just staring at each other the whole day or you'll explain?"

"Just a minute. Namiss kita, ilang araw din akong nawala."

Pinagbigyan ko na lang ito total kahit galit ako rito, namiss ko rin ito.

Pumikit ito at ipinatong ang noo sa noo ko.

"Papunta na sana ako nun sayo nang saktong may naaksidente sa site. As an Engineer na nagma-manage sa mga tauhan. I'm responsible for any hitch and accidents on the site. Isinugod namin agad sa hospital since sasakyan ko lang ang available that time. Kinausap ko pa pati pamilya nito at nilakad ang ibang papeles," mahabang paliwanag nito bago umalis sa pagkakapatong sa noo ko at tinignan ako.

Pinunasan nito ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako, kasi guilty ako. Nagalit ako nang hindi man lang binabasa ang ibang message nito at bakit siya na-delay. I jump to conclusion.

"Pagkatapos kong maasikaso 'yon, nagpunta ako sa school niyo. Sabi nga ng guard ay wala ng tao do'n pero nagpumilit akong makapasok pero wala kana do'n sa waiting shed na sinasabi mo. Tumawag ako nang tumawag sayo. Nang tawagan ko si Hendrick, nabulyawan pa ako. Pero nag-explain naman ako."

Humugot ito ng hinga bago nagpatuloy, habang ako ay nakikinig lang at ninanamnam ang guilt na nararamdaman ko.

"Naghihintay ako sa tapat ng bahay niyo nang tawagan ako ni Kenji at pinapaayos ang gulo do'n sa branch na nasa Canada. Ako lang kasi ang available sa aming lima kaya dumiretso na lang ako doon. Ilang araw din 'yon. Hanggang sa ito nakauwi na rin sayo."

Masaganang dumaloy ang luha sa mga mata ko ng marinig ko ang huling sinabi nito.

'Nakauwi na rin sayo.'

"I'm sorry. I'm so sorry," sabi ko na nanginginig ang mga labi dahil sa pagpipigil ng emosyon.

"Shh, ako dapat ang mag-sorry. Hindi kita na-inform agad."

Pinapatakan nito ng halik ang buong mukha ko hanggang sa kumalma ako. Humiga ito sa tabi ko.

"Tulog muna tayo? Hindi pa ako natutulog kasi dumiretso na ako sa shop ni Shane, kasi sabi ni Claritta nando'n daw kayo."

Pahamak na babae 'yon. Mayakap nga ng mahigpit hanggang sa hindi makahinga mamaya.

"Eh, pa'no yung punishment mo," namula ang mukha ko nang mahiya sa tanong ko. Para kasing excited pa ako.

Gumuhit ang nakakalokong ngiti ni Cold at nilapit ang mukha sa tainga ko. Naramdaman ko ang hininga nito kaya napahinga ako ng malalim, bahagya pa akong nanginig nang kagatin nito ang earlobe ko.

"Iponin ko muna. Sa susunod na hindi na ako makapagpigil, maghanda kana," pagbabanta nito bago ako niyakap ng mahigpit.

Banta ba 'yon? Ba't parang excited na ako?

🍭theblackjustice

IT MUST BE LOVE TRS#1(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon