MABILIS kong kinapa ang kama at hinablot ang unan na nasa paanan ko bago ito itinakip sa tainga ko. Nang marinig ko pa rin ang malakas na tunog ng alarm clock ay tamad ko itong inabot sa bedside table, pero ganoon na lang ang pagtataka ko nang hindi naman gumagalaw ang buhok ng alarm clock kong si pucca. Gumagalaw kasi ang mga ito kapag tumutunog.
Sh*t! Where is that noise coming from? Na-i-set ko ba ang phone? Nang hindi ko makapa ang phone ko ay inis kong inalis ang pagkakatakip ng unan ngunit gano'n na lamang ang agarang pagpikit ko nang sumalubong ang liwanag na nagmumula sa bintana ng kuwarto ko."Nana!" Sigaw ko rito.
"I told you not to open the damn curtains when I'm still asleep!"
Argh! My eyes. Iniharang ko pa ang isang kamay ko para lang hindi ako masilaw. Kahit kailan talaga ang kulit ni nana.
"Wala si manang mo rito."
Napatigil ako sa pagrereklamo nang marinig ang malalim na boses na iyon. Wait a minute, who's that pokemon? Nang maka-adjust ang mga mata ko sa liwanag ay unti-unti ko itong iminulat kasabay nang pagbaba ng kamay ko. Binalingan ko ang may-ari ng boses na iyon.
Napanganga ako at halos lumuwa na ang mga mata nang makita ang lalakeng naka-crossed arms at prenteng nakaupo sa sofa na katapat lang ng kama ko. What the hell?"What are you doing here?" Sabay hablot ko sa kumot at itinakip sa katawan ko.
Hindi naman ako nakahubad pero kasi wala akong suot na bra. He arched his left eyebrow and smirk, causing his dimple to stick out. Biglang nag-init ang pisngi ko. Kyah, why so guwapo at the same time cute? Effortless ang pagpapa-cute nito, ngitian lang nito mahuhulog na panty ng mga kababaihan. I mean, mahuhulog na ang loob.
"Wala namang makikita kaya 'wag mo na itago," ani nito habang may pilyong ngiti sa mga labi.
Hindi naman ako nahuhulog sa mga ngiti pero baki—. Napatigil ako nang mag-sink-in sa utak ko ang sinabi nito. Agad na nahalinhinan ng inis ang paghangang naramdaman ko rito kani-kanina lang. Agad kong dinampot ang unang nahawakan ng kamay ko at ibinato rito pero mabilis lang nitong nailagan ang polaroid ko. Nanlaki ang mga mata ko. ANG POLAROID KO!
Dali-dali akong umalis sa kama at patakbong nilapitan ang nagkapira-piraso kong polaroid. No, no, no, my baby, naging pork chop na siya. Binigyan ko ng mahayap na tingin ang lalakeng salarin kung bakit nagkalasog-lasog ito. Tumayo ako at mabibigat ang paang nilapitan ito. Agad kong dinuro ang matigas na dibdib nito.
"You! Bakit mo iniwasan? Ayan tuloy, nasira siya!"
Naghihisteryang sabi ko rito habang dinuduro pa rin ang matigas na dibdib nito. Nagsalubong ang makakapal at hulmadong kilay nito.
"Silly girl. You are the one who thrown that thing to me, and I just simply dodged it. Sino bang matino na ang hahayaan lang na tumama 'yon?" nakapamewang pang sabi nito.
"Hindi naman sana siya masisira kung hindi ka umiwas!"
"Ah, kasalanan ko pa kung bakit nasira dahil sa umiwas ako? Unbelievable," matalim ang matang sabi nito bago tumalikod at nagmartsang lumabas sa kuwarto ko. Pabalya pang sinara nito ang pinto kaya napatalon ako sa gulat.
"ANTIPATIKO! Ikaw pa ang galit?!"
Hindi na ito sumagot kaya binalingan ko ulit ang sirang polaroid at pinaglamayan ito.
Hinanap ko ang phone ko at nagtatakang nakita itong nasa mini table ng kuwarto ko, ang layo naman ng pinuntahan nito. Gano'n na ba ako kapagod kagabi at hindi ko na namalayan kung saan-saan ko pinaglalagay mga gamit ko?
I shrugged the thought and start my morning rituals.Pumasok na ako sa banyo ng kuwarto at pinihit ang heater sa tamang temperature nito, nang makuntento ay naghubad na ako bago sumuong sa ilalim ng shower. Kinuha ko ang paborito kong strawberry shampoo, inamoy ko pa ito bago inilagay sa buhok at minasahe ito.
Nagsasabon na ako nang maalala ko ang nangyari kagabi…Iginiya ako ni daddy sa salas habang panay pa rin ang laki ng ngiti.
"Cold?"
"I'm not," Agad kong sagot sa tanong ni daddy.
"No, hija. Tinawag ko si Cold."
My face contorted in confusion. Ha? Si daddy talaga bangag.
"Cold, this is Chasty Rose. My youngest daughter."
Kahit naguguluhan sa sinabi ni daddy hindi ko nalang iyon pinansin. Agad nabaling ang attention ko sa lalake nang tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa. Oh boy, he's towering me. I bet he's six footer.
Tila nag-slow motion nang lumingon ito. Weird.
Bigla akong napanganga nang makaharap na siya nang tuluyan. Oh holy mother of cow. What a gorgeous man!"Hi, Chasty." I swallowed hard when I heard that raspy voice. He maybe piqued my attention but man...
Why those green eyes are somewhat familiar?
Nagising ako mula sa paglalakbay ng isipan ko nang mahina akong siniko ni daddy. Doon ko lang napansin na iniabot pala ni Cold ang kamay nito, mabilis ko namang inabot ito para makipagkamay. Pero para akong nakuryente nang maglapat ang mga palad namin kaya dagli ko rin itong binawi, nang tignan ko ito ay parang wala naman siyang naramdaman na kung ano. Siguro nga ako lang 'yon.
"Cold, dito kana kumain ng hapunan. Gusto ko ring ipakilala sayo ang panganay ko," basag ni daddy sa katahimikan namin.
"Sure, why not sir," ngumiti pa ito kaya tuloy lumabas ang nga biloy nito.
Napasinghap pa ako. Magsasalita na sana ako nang makarinig ako ng maarteng boses. I rolled my eyes as I drag it towards the entrance of this house. And there… the monster.
🍭theblackjustice
BINABASA MO ANG
IT MUST BE LOVE TRS#1(Completed)
Romantik"Why those green eyes are somewhat familiar?" Book one of THE REUNION SERIES.