Chapter 5

10 4 0
                                    

TIME flies. It's been six months nang patirahin ni dad dito si Cold pero simula nung magkaroon ito ng project sa Baguio ay madalang na lamang itong umuwi sa bahay. Mas naging busy rin ako sa school dahil graduating na. Minsan lang din mag-cross ang landas namin which is pinagpapasalamat ko ng malaki. Nando'n yung scenes like may lakad ako tapos magkakasalubong kami sa salas, ngingitian lamang ako nito, ni wala man lang "hi, hello, buhay kapa ba?". I know that's a deep sh*t. He will just walk passed by me habang kausap si dad or si kuya Hendrick. Nakakainis diba? Bakit ako naiinis? Eh, kasi parang… parang…

Suddenly I heard Misha's voice outside my door, "Cold, nakauwi kana pala."

Nang marinig ko ang pangalang Cold ay dali-dali akong bumaba sa kama at humarap sa salamin. Naka short shorts ako at oh my ghad, Chasty! What's with the face?! Sinuklay ko ang may kahabaan ko ng buhok, napapaaray pa ako dahil may sumasabit sa brush ko. Lagyan natin ng kaunting lip tint at… wait. Why am I doing these? I looked in the mirror with a horrified look on my face. I just realized why I should make myself pretty if I'm already is?

Suminghap ako at nagpakawala ng hangin, trying to ease the erratic pulsation of my heart. Tinapik-tapik ko ang magkabilaang pisngi habang tinitignan ang reflection sa salamin bago nagdesisyong lumabas.

I came face to face with Cold, sa akin lang kasi ito nakatingin kahit na kinakausap ito ni Misha. Matagal ko nang hindi nasisilayan ang berde nitong mga mata. Medyo humaba na rin ang buhok nito na dati ay clean-cut lang pero hindi naman kabawasan sa kaguwapuhan nito kung tutuusin nga mas naging mature itong tingnan.

"So I was—"

"Hi, Chasty," he just cut off Misha's words bago ito lumapit sa'kin at iniwan si Misha sa hamba ng hagdanan.

Kabastusan man kung sa'kin yun ginawa pero nagdidiwang ang kalooban ko nang ginawa niya iyon kay Misha. Ha! Suits for you girl. Nagulat pa ako nang abutin ni Cold ang kamay ko at dinala sa mga labi nito, tila may tumulay na kuryente sa braso ko nang dumampi ang mga labi nito sa likod ng palad ko. Naramdaman ko ring nag-init ang mukha ko at alam kong pulang-pula na ito ngayon.

"May binili akong strawberry jam, I know you like it."

Tumahip nang mabilis ang puso ko, parang may nagsabugang confetti sa paligid, "Paano mo nalamang gusto ko ng strawberries?"

Parang bigla itong naging uneasy.

"Uhm, ano…"

Pinagtaasan ko ito ng kilay nang hindi na ito makatingin sa akin. Magsasalita na ulit ako nang marinig ko si dad sa likuran ni Cold.

"Nagpasabi ako kay Cold na bilhan ka, hija."

Nagkasabay pa kaming tumingin ni Cold kay daddy na ngayon ay katabi na ang umiirap na si Misha. Bigla na lang nawala ang tuwang naramdaman ko. Pinabili pala ni daddy.

"Good evening, Sir."

"Good evening, Cold. Thank you for making it here."

"No problem, Sir."

Dapat ba nandito ako?

"What's going on here?" nagtatakang tanong ko sa dalawang lalake.

"Well, pinakiusapan ko kasi itong si Cold na sumama sa'tin sa probinsiya ng lola mo at para na rin bisitahin ang puntod ng mommy mo."

Oh, shoot! Death anniversary nga pala ni mommy. Buti na lang timing ang one week vacation namin kaya makakasama ako sa mismong araw.

"Dad, kasama naman ako diba?"

Pinagtaasan ko ng kilay ang hitad na nagmamakaawa pang tumingin kay daddy.

"Of course not. Remember you're not part of the family," sarkastikong sabi ko rito.

"Chasty Rose," dad said with a warning. Umismid lang ako.

"Syempre naman, Misha. 'Wag ka lang masyadong maglalalapit kay mámá, alam mo naman 'yon."

Napangisi ako nang sumimangot ito. Dati-rati naman ayaw nitong sumama kapag pumupunta kami kay lola pero dahil pinapasama ni dad si Cold, alam kong magtitiis ang bruha. Kakampi ko si lola syempre, sigurado akong magigisa ito.

Napatingin ako kay Cold. Biglang nawala ang ngisi ko nang mapagtantong nakatitig pala ito sa akin, binigyan ko na lang ito ng awkward na ngiti. Kanina pa ba ito nakatitig? Napailing-iling ito. Bigla akong kinabahan baka na-turn off ito dahil pinagtatawanan ko si Misha. Should I explain to him? 'Why would I?' sabi naman ng other self ko. Muntik ko nang masambunutan ang sarili ko.

Inirapan ko na lang. Bumalik ulit ako sa kuwarto ko, binangga ko pa ang braso ni Cold. Huh! Bahala siya d'yan.

Padabog ko pang sinara ang pinto ng kuwarto ko at dinambahan ang malambot kong kutson. Inabot ang malambot na bagay na nasa uluhan ng kama at inis kong pinagsusuntok ang stuffed toy kong si pucca. Kung hindi ka ba lamang dakilang assuming Chasty, akala mo alam niya kung anong paborito mo? At ngayon parang na-turn off pa tuloy dahil sa ugali mo.

Isinubsob ko ang mukha ko sa stuffed toy at nagsisisigaw para man lang kahit papaano ay mailabas ko ang frustration'g nararamdaman ko.


🍭theblackjustice

IT MUST BE LOVE TRS#1(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon