IT'S been five days. Five days mula ng manliligaw si Cold sa akin. Chocolates, flowers that he just picked up sa tabi-tabi o 'di kaya sa garden ni lola kaya minsan kapag nahuhuli siya hinahabol talaga siya ng walis ni lola. But they're good naman, nakapag-usap na sila kuya at dad about sa panliligaw nito at matagal na pa lang alam ni dad ang balak ni Cold na panliligaw. Hindi pa nga sana papayag si kuya but dad assured him, mukhang kuhang-kuha na ni Cold ang loob ni daddy and I'm curious. How?
Sa magandang nangyayari at relationship ng family ko sa kanya, gustung-gusto ko na itong sagutin. I know it's not quite a bit long, hindi katulad nung kay Mikhail, dalawang taon ba lamang niya akong niligawan tapos nauwi lang sa gano'n. Siguro kaya matagal dahil one-sided love lang naman nung una hanggang sa natutunan mo na lamang mahalin ang tao. Why not baliktarin ko? Sagutin ko na agad si Cold total we both like each other. Hindi kaya ako masasaktan?
Puwede ko kayang isahan si tadhana?I felt a powerless tap on my forehead and then I saw Cold in front hovering me. Nasa forest park kami ngayon at heto ako nakaupo sa isa sa mga nagkalat na bato sa paligid, puwede naman daw upuan.
Namula ako nang bigla itong lumuhod sa harapan ko. Para siyang nagp-propose. Assuming na kung assuming.
"A-anong ginagawa mo?" balisa kong tanong rito.
Nangunot sandali ang noo nito pero maya-maya lang ay ngumisi ito na tila nabasa ang naiisip ko.
"Kung magp-propose man ako, hindi dito, Chasty." Nakangiti na ito ngayon ng totoo nang sabihin nito iyon. Lumabas din ang dalawang biloy nito na gustong-gusto ko.
"Ang guwapo mo," wala sa sariling sabi ko.
Mukha itong nagulat sa narinig sa bibig ko pero agad ring napalitan ng malakas na tawa kaya nakagat ko ang labi ko. I should zip my mouth next time.
"Dati-rati naman sinasabi mong ang pangit ko, ah." He has this funny smile on his face right now. Nagtaka ako sa sinabi nito.
"I did? Wala naman akong naaalala."
Tahimik lang ito at umiling-iling. Wala akong maalalang sinabihan ko ito ng pangit, natulala pa nga ako nung pinakilala ako rito ni daddy.
MARAMI pa kaming pinuntahan sa forest park na 'yon. Ang nakakat'wa pa rito ay natural habitat ito ng mga hayop at ginawang tourist destination ng local government ng Isabela. Thank God at pre-ne-serve nila ang forest na 'to kaysa taniman ng naglalakihang building. May mga naga-guide naman kung sakaling may makasalubong kaming wild animals pero syempre imposible 'yon, sa paligid kasi ng dinadaanan namin may barrier. Para kaming nasa cage kung ikaw yung nasa forest. I should visit here often. Pampawala lang ng stress lalo na kung sasabak na ako sa totoong field ng course ko.
"Pat, halika dito dali!"
Napalingon ako kay Carter nang tawagin ako nito, may tinitignan itong kung ano sa gilid. May hawak pa itong biscuit na inilulusot sa barrier. Na-curious ako kaya pinuntahan ko. Nakita kong may isang malaking butiki na pinapakain nito.
"Hoy, bawal 'yan," nababahalang sabi ko. Napatingin pa ako sa paligid at baka may nanonood.
Argh! Kahit kailan napaka troublemaker nito. Nakita kong malayo-layo na sila Cold, masyado itong focus sa sinasabi ng tour guide habang busy naman si Misha kakatitig dito.
"Comodo dragon 'to diba." Napunta ang atensyon ko kay Carter dahil sa sinabi nito.
"Silly, bayawak 'yan. Mas malaki ang comodo dragon kumpara dyan. Atsaka, may comodo dragon ba sa pilipinas?"
Nagkibit-balikat lang ito.
"Tama na 'yan," sabi ko ulit dito.
"Try mo, try mo, dali!" Hinawakan pa nito ang kamay ko na inaagaw ko naman pero mas malakas ito. Inilagay nito ang biscuit sa kamay ko. Kahit kailan talaga laging nasusunod gusto nito, madalas kaming mapagalitan noon dahil sa nga kalokohan nito. Pero hindi ko masabihan ang sarili ko na layuan ito iba kasi ito sa lahat.
Pinagbigyan ko na lamang ang kagustuhan nito.
"Should I held for it or just toss it?"
"Just throw it. Bilis na tinitignan na niya kamay mo, oh." Tinutulak-tulak pa ako nito.
"Sandali lang naman." Pagkasabi ko no'n ay lumapit ang bayawak sa barrier kaya wala sa oras na naitapon ko rito ang biscuit sabay ng pag-atras ko at pagtili ko. Natapilok pa ako pero buti na lang mabilis si Carter at nasalo ako kaya hindi ako bumagsak sa lupa. Sabi ko na nga ba, he's a troublemaker!
"What just happened?"
Napatingin ako kay Cold. May pag-aalala sa mukha nito pero nandoon yung galit. Sinundan ko ang mata nito kung saan nakatingin. Dali-dali kong inalis ang kamay ni Carter na nakahawak pala sa bewang ko.
"Thank you, Carter."
Hindi man lang ito tumingin sa akin at nakikipagtagisan lang ng tingin kay Cold. Nagtagis ang bagang ni Cold at hinawakan ako sa braso. Hinila ako nito papunta kila mámá. Sumunod naman si Carter sa amin. Tinanong pa kami kung anong nangyari pero hinayaan ko ng si Carter ang magpaliwanag. Napailing-iling pa si kuya at tinignan si Cold. I glance at his face, hindi man lang nagbago ang naiinis pa ring mukha nito. Am I a bad girl?
Nagpatuloy kami sa tour. Lagi akong lumalayo kapag sobrang magkadikit na ang katawan namin ni Cold pero panay pa rin ang lapit nito. Hindi niya ba alam na he's a tease?
Bahagya akong nagulat nang pumulupot ang braso nito sa bewang ko bumulong.
"Just stay close."
Para naman akong batang masunurin. Nakailang ulit na napatingin si Misha sa gawi namin at tinatarayan ako. Ha! Manigas ka!
KAKATAPOS lang naming kumain ng early dinner at sinamahan ako ni Cold maghugas ng kamay sa may ilog malapit lang sa restaurant ng Forest Park. Hindi na ako nito kinausap mula kanina kaya tama lang siguro ulit na mapag-isa kami... Parang mali yung ginamit kong term, iba pumasok sa isip ko. My gosh, Cold!
"Alam kong dapat matagal ko pang tatanungin 'to but…" Napatingi ako rito nang sa wakas ay nag-initiate itong magsalita.
"Hmm?"
"Chasty, will you be my girlfriend? Hindi kita minamadali ha, itatanong ko lang 'yan nang paulit-ulit pero syempre pag-isipan mo pa rin."
Napatanga ako sa tinanong nito pero nang makitang para itong teenage boy na namumula ang tainga at mga matang hindi man lang makatingin sa'kin, napatawa ako kaya mas namula pa ito.
"Tara, baka hinahanap na tayo ni lola." Pag-iiba nito at inilahad ang kamay na siyang tinanggap ko naman. Magkahawak-kamay kami sa cottage na nirentahan nila. Bago pa kami makarating ay sinabi ko na ang dapat na sabihin bago pa umatras ang dila ko.
"Sinasagot na kita, Cold."
Napatigil kami at manghang napatingin ito sa akin. Nakaawang pa ang mga mapipintog na labi nito.
"Hindi naman kita minamadali. Sinabi ko lang na—"
"Sinasagot na kita, Cold," sabi ko at nilampasan ito na may ngiti sa labi. Ilang hakbang pa lang ay narinig ko itong sumigaw.
"Hooo! Kami na!"
Hindi ko na ito nilingon pa at natawa na lamang sa page-eskandalo nito.
🍭theblackjustice
BINABASA MO ANG
IT MUST BE LOVE TRS#1(Completed)
Dragoste"Why those green eyes are somewhat familiar?" Book one of THE REUNION SERIES.