AND there… the monster.
Lumapit ito kay daddy pero natigilan nang tumingin ito sa gawi ko, napanganga ito at biglang namula, nagpatuloy itong lumapit kay dad. Nagtaka ako sa reaksyon ng bruhilda kaya tumingin ako sa tabi ko pero gano'n na lamang ang gulat ko nang makitang nasa tabi ko si Cold at sobrang lapit nito. Humakbang ako konti ng pakanan para magkaroon ng kaunting distansya. Kaya siguro namula ang babaeng 'yon, hindi pala ako ang tinitignan kundi ang lalakeng hunk na katabi ko.
Kasunod ng babae ang isang may katangkarang lalake na may piercing sa kaliwang tenga nito. Matamis akong napangiti at sabik na nilapitan ito.
"Kuyaa~" Isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito nang makalapit ako.
"Namiss kita kuya."
"Ako hindi mo namiss?"
Umismid ako nang marinig ang bruhilda. Hindi ko na lamang ito pinansin at baka masambunutan ko lang.
"This is my eldest, Hendrick."
Iniabot naman ni Cold ang kamay nito kay kuya Hendrick, parehong seryoso ang dalawa tila nangingilala.
"And this is my second daughter, Misha."
"Adopted daughter," may diing pagtatama ko sa sinabi ni daddy.
Nabinbin ang pakikipagkamay ni Misha kay Cold at matalim akong tinignan pero nang tumingin si Cold dito ay bigla namang naging maamo ang mukha nito.
Argh! The two-faced b*tch!
Hinalikan lang ni kuya Hendrick ang ulo ko para kumalma ako. Ayoko talaga sa babaeng ampon na yan. Ang lakas kasi ng loob.
Hindi na kami nakaupo sa sofa nang lumapit si nana at sinabing nakahanda na ang hapunan, kaya lahat kami ay dumiretso na sa dining table. Halos hilahin ko na ang buhok ni Misha nang makitang nakakapit ito sa matipunong braso ni Cold. Isa na lang talaga, pipilitin ko ang leeg ng bruhang 'to. Napatigil ako sa iniisip ko. Ba't ba ako galit na galit dahil lang sa nakapulupot ito kay Cold? Argh! Ayoko lang sa pagiging malandi niya dahil kakakilala pa lang niya sa lalake. Yes, yes, 'yon nga.
Umupo ako sa katabing silya ni kuya habang sina Misha at Cold naman sa harapan namin. Parang asawa ni Misha itong si Cold kung makapagsilbi sa lalake, ultimo pagsandok sa kanin siya pa gumawa.
Isang malamig na bagay ang tumapik sa labi ko. Inis kong binalingan ang lalake sa tabi ko. Hindi ko man lang namalayang nakanguso na pala ako, gawain ko kapag may kinakainisan ako.
"Nagiging pato ka na naman. Kumain kana d'yan," sabi ni kuya Hendrick na siyang tumapik ng kutsara sa nguso ko.
Sinimulan ko na lamang ang pagkain. Maya-maya lang ay binasag ni kuya ang katahimikan.
"So, Cold. What do you do for a living?"
Tumingin naman ako kay Cold at nakitang nagpunas muna ito ng bibig bago nagsalita.
"I'm an Engineer under Mishigan's Construction and Developmental Corporation in Tokyo."
"Oh! Kenji Mishigan, the Japanese-Filipino?"
"Yes, pinadala niya ako rito para i-manage pansamantala ang construction firm na narito sa pilipinas, kaya tumanggap na rin ako ng projects para hindi ako ma-bored kahit papaano."
"Good decision." Tumango-tango pa si kuya nang ma-satisfy.
"Bagay pala tayo, nag-aaral kasi ako ng architecture at two years na lang g-graduate na ako."
Napanganga ako sa walang prenong bibig ni Misha. Cold just chuckled before continued eating. Nag-angat ito ng tingin sa akin kaya inirapan ko na habang may pagkakataon pa, nginisihan lang ako nito na tila tuwang-tuwa pa sa ginawa ko.
Panay ang kuwento ni Misha sa mga adventures niya habang nakikipagsabayan naman si Cold sa babaeng haliparot. Nang mag-usap naman sina dad at kuya sa business, isinali nila si Cold sa usapan and it's my time to shine naman.
Natapos ang usapan na hindi na ulit nakapagsalita si Misha kaya ang laki ng ngisi ko habang umaakyat sa hagdan papunta sa kuwarto ko. Pagkatapos kasi kumain ay nag-inuman na sila kaya hindi na ako sumali pa atsaka pagod ako.
Speaking of Cold. Bakit nandito pa rin ang lalakeng 'yon? Dito ba ito pinatulog ni dad?
Nagmadali na akong maligo at mag-ayos. Nagmadali it means two hours lang ginugol ko sa pag-aayos at lahat-lahat. Nagsuot lang ako ng four inch white heels, brown skinny jeans, strapless white spaghetti and brown coat para terno sila. Ikinulot ko rin ang dulo ng buhok ko. Nang makuntento sa hitsura ko ay hinablot ko na ang prada bag ko at nagmadaling bumababa ng staircase.
Nasa harap na ng fountain ang sasakyan ginagamit namin ni manong papuntang school. Binuksan ko na 'to at sumakay, hinalungkat ko pa ang bag ko kung nandito ba yung scientific calculator ko. I just saw it when I realized na hindi pa pala kami umaandar.
"Manong kailangan na po nating magmadali kundi ma-l-late na ako."
Hindi ito kumibo kaya tinignan ko ito. Napanganga ako nang hindi si manong Rene ang nakaupo sa driver seat.
Nakatingin ito sa akin buhat sa rearview mirror."I'm not your manong driver so please sit here beside me."
Tinapik pa nito ang passenger seat nang hindi ako tumalima dahil shocked pa rin ang kaluluwa ko kaya tuluyan na itong lumingon sa akin.
"Anong ginagawa mo d'yan?" tanong ko rito.
"Wala kasi si manong Rene, pinag-drive niya si Misha kaya—"
"May sariling driver si Misha, so basically she doesn't need MY driver."
"Bakit kaba galit sakin? I just do you a favor kasi biglaang pinag-day off ng kapatid mo—”
"She's not my fvcking sister!" nanggigigil kong sabi rito.
"Okay. Okay," agap na sabi nito habang nakataas pa ang mga kamay na tila kriminal na sumuko sa kagandahan ko.
"Pinagday-off ni Misha ang driver nito kaya inutusan ng daddy mo si mang Rene na ipagmaneho niya si Misha at ako naman sayo."
Napamata ako nang mag-sink in sa akin ang sinabi nito at kung bakit biglaang pinag-day off ni Misha ang driver nito.
"Oh, ba't ba napakamanhid mo? Gusto ni Misha na ikaw ang mag-drive sa kanya!"
Bigla itong natigilan at ngumisi nang nakakaloko. Kinagat pa nito ang labi kaya napalunok ako. Men. Layuan mo 'ko temptation!
"Anong magagawa ni Misha kung ikaw ang gusto kong ipag-drive?" ani nito sa mahalay na tinig.
Agad akong namula nang ma-realize na double blade ang sinabi nito. Jusmeyo ibang drive ang pumasok sa isipan ko!
"Mag-drive ka na nga lang at ma-l-late na ako!" sabi ko na lang para pagtakpan ang pamumula ng mukha .ko.
"Hindi tayo matatapos dito hangga't hindi ka tumatabi sa akin."
"Fine!" sabi ko na lang para matapos na.
Agad akong lumabas at padabog pang isinara ang pinto ng sasakyan bago sumampa sa passenger seat.
"Now, that's more I like it... always belong to my side," sabi nito bago pinaandar ang sasakyan. Ibinulong lang nito ang huli kaya hindi ko na naintindihan, hindi ko na lamang pinansin at tumingin na lang sa labas.
🍭theblackjustice
BINABASA MO ANG
IT MUST BE LOVE TRS#1(Completed)
Romance"Why those green eyes are somewhat familiar?" Book one of THE REUNION SERIES.