🍭🍭NOTE(1/2)🍭🍭
Warning Rated SPG.
HL: TEMA, SEXUAL
Not suitable for young readers below 18.—theblackjustice
🍭
NAKAILANG balik na ako sa paglangoy ay hindi pa bumabalik sina Cold at Misha na siyang kinainis ko. Saan ba nagpunta ang dalawang 'yon?
"Kinakain 'yan, hindi pinaglalaruan."
Napatingin ako sa lalakeng tumabi sa akin at kumuha ng maliit na daing at isinawsaw sa suka. Ba't ba tinawag ni mámá 'tong barbeque party kung hindi lang barbeque ang nandito. I know that's a stupid question. Gusto ko lang maalis sa isipan ko ang kung anu-anong scenarios bakit hindi na bumalik ang dalawa. Argh!
"Sabi ko naman sa'yong sundan mo," sabi ni kuya Hendrick na ngayon ay sabay-sabay na isinubo ang tatlong isaw.
"Sinabi mo?" maang-maangan kong tanong rito.
Napatigil ito sa pagkain at sinamaan ako ng tingin. Hindi makapagsalita dahil punong-puno ang bunganga, at least may manners pa rin pala ito.
Pinaikot ko ang mga mata ko at walang sabing umalis para hanapin ang malamig na 'yon at ang bruha. Nakasalubong ko pa si Martina na ngumiti lang sa akin, papunta ata iyon kay kuya. Hmm, mukhang may comeback na mangyayari.
"Pat!" Huminto ako nang tawagin ako ni Carter, tumakbo pa ito para makahabol.
"Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang party ah."
Tumingin ako sa likod nito kung saan nagtitipon ang mga magulang namin bago ulit tumingin kay Carter. Marami talaga ang nagbago dito. Ang dating gypsy'ng buhok nito ay nagkaroon na ng direksyon. Lumaki rin ang katawan nito na hitik na ngayon sa muscles, hindi tulad noon na purong taba. Na-dipena rin ang panga nito. He's grown into a fine man.
"Pagod na kasi ako. Kulang pa naitulog ko kanina kaya mauuna na ako," sabi ko na lang.
"Sayang naman. Pero may bukas pa naman. Sasama kami sa gala n'yo eh." He smiled, a cheeky one.
"See ya then," I said with finality.
KUNG saan-saan na ako napunta kahit sa garahe para lang hanapin si Cold but to no avail. Napuntahan ko na rin ang kuwartong ginagamit ni Misha pero wala naman sila doon. Kinakabahan ako habang binabagtas ang hallway papunta sa kuwartong inuukupahan ni Cold. Paano kapag nando'n sila at nakita kong nakahubad? Anong gagawin ko? Makakapatay talaga ako ng ahas this time. Pero walang sayo Chasty, kaya wala kang karapatan. Siguro sabihin ko na lang na bayad 'yon sa nangyaring pang-aahas ni Misha sa boyfriend ko noon. Yah, that's a good idea.
Hindi ko namalayang sa pakikipag-argument ko sa sarili ko ay nakarating na pala ako sa tapat ng pinto ni Cold, hindi ko pa sana mapapansin kung hindi ko lang narinig na bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isa, dalawa, tatlo. Oh, anim na pandesal. Bigla akong pinagtayuan ng balahibo nang ma-realize kong nakaharap na pala si Cold sa akin at ang mga pandesal niya pala ang binibilang ko. Naka-gray sweat pants lang kasi ito at walang pang-itaas kaya tuloy napabilang ako nang wala sa oras.
Tumingin ako sa mukha nito at nakita ang masungit na hilatsa ng mukha nito.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ahm… ano k-kasi—"
"Kung wala ka namang sasabihin, you can leave."
Akmang isasara nito ang pinto nang taranta kong naitulak ito. Eh, hindi naman inaasahan ni Cold ang hakbang kong 'yon kaya walang lakas ang hawak nito sa pinto na dapat isasara niya kaso biglang tumama sa mukha niya. I heard him groan.
"OMG! Hindi ko sinasadya," natatarantang sabi ko rito at hindi magkandaugaga kung saan ba hahawak. Sa abs ba nito or sa ilong nitong dumudugo? Oh sh*t dumudugo?
Wala sa sariling itinulak ko ito para makapasok ako at malakas na isinara ang pinto at dali-daling pinaupo ito sa bed na nasa likuran nito. Patakbo akong pumunta sa closet nito at naghanap ng bimpo, nang may makita ay tumakbo naman ako sa banyo para basain ito. Nang mabasa ay dali-dali kong binalikan si Cold na hinahayaan lang na tumulo sa kamay nito ang duguang ilong.
Hindi na ako nakakapag-isip nang matino at basta-bastang iniluhod na lamang ang isang tuhod sa pagitan ng dalawang magkaparteng hita nito.
"Dapat tumingala ka para matigil ang pagdurugo," sabi ko rito habang pinupunasan ng bimpo ang dugong dumadaloy rito.
"Mali 'yon, babalik lang sa loob ng ilong ko ang dugo at puwede pang matuyo na siyang dahilan para hindi ako makahinga."
Gano'n ba 'yon? Ito kasi sinasabi nila which is effective naman pero kung iisipin, tama nga ang sinabi nito.
"At patuloy lang 'yan dudugo dahil sa ginagawa mo. Aray!" Idiniin ko kasi ang bimpo rito.
"I'm helping you clean. Ikaw pa nagagalit?!"
Mapungay itong tumingin sa akin, napalunok ako sa uri ng tingin nito.
"I can feel your breast," sabi nito sa paos na boses.
Napatda ako at napatingin ako sa sarili ko, doon ko lang napansin na hindi pala ako nakapagsuot ng bathrobe at tanging suot ko lang ay ang black lacy bikini ko. At kahit mismo ang posisyon namin ay mabibigyan ng malisya kung sino man ang makakakita. Si Cold na nakaupo habang nakaparte ang dalawang hita at ako na nakasampa ang isang binti sa pagitan niyon habang hawak ang mukha ni Cold. Bigla akong pinamulahan ng mukha at mabilis na umibis para makatayo. I'M DOMED!
Tumingin ako sa mukha ni Cold at namumula din ito.
"O-okay kana siguro. A-ahm… aalis na ako," sabi ko pa sabay turo sa pintuan nito.
Tumalikod na ako at sana'y aalis na nang bigla pumulupot ang matigas na braso nito sa bewang ko at hilahin ako paupo sa pagitan ng mga hita nito. Nakaharap ako sa pinto and my back facing him, ramdam kong may malaking bukol ng kung ano ang nakadikit sa puwetan ko. Biglang uminit ang paligid. Napapikit ako at mariing nakagat ang labi 'cuz I'm not naive para hindi malaman kung ano ang malaking bumubukol na iyon.
The sweltering atmosphere heightened when he blows air behind my ears.
"May tanong ako, mabilis lang 'to at baka hindi ako makapag-pigil," sabi nito sa paos na boses bago hinalikan at kinagat nang mabini ang tainga ko. Halos malasahan ko na ang dugo sa labi ko sa riin ng pagkakakagat ko just not to make a weird sound.
"Can I court you, Chasty?" Nanginig ako nang magtaasan ang balahibo ko dahil sa pagbulong na iyon ni Cold.
Ibinuka ko ang aking bibig at parang kinakapos sa hiningang sumagot, "Y-yes."
🍭🍭NOTE(2/2)🍭🍭
Opps! SPG ba sinabi ko? I mean 'slight' SPG😂. Hanggang diyan ka lang muna. Hindi pa sila mag-jowa kaya hindi pa dapat. Hindi 'yon ang theme para sa series na 'to.
Next UD ko sa Monday(Dec. 7, 2020) two chapters lang muna.Then next UD ko ulit sa Dec. 28, 2020 hanggang epilogue na 'yan. Ipa-publish ko na rin yung isang Short Story sa mismong araw na rin na 'yan. Till then... See yah!
—theblackjustice
BINABASA MO ANG
IT MUST BE LOVE TRS#1(Completed)
Romance"Why those green eyes are somewhat familiar?" Book one of THE REUNION SERIES.