NANGGAGALAITI ako nang inuna pa ni Cold ang babaeng tawag nang tawag dito. Kaya napagdesisyunan kong magpunta sa mismong site, sa Davao kung saan ginagawa ang bagong branch ng chocolate namin. Panira kasi yang babaeng 'yan sa sanay lakad nmin ni Cold.
Bali-balita ko ay madalas magkasama itong Honeylette at si Cold. Hindi ko alam kung magkaanu-ano ang mga ito, pamilyar ang pangalan nito pero hindi ko matandaan ang iba naman ang apelyido nito. Some random girl with the same name I guess.
"Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?"
'Yan ang bungad sa akin ng magaling kong kapatid. Nagpasabi kasi ako sa sekretarya nito na bibisita ako at ito nga't sinalubong ako ng amo.
"Wala lang, tinitingnan ko lang kung maayos pagbabantay mo sa mga gumagawa dito."
Tumaas ang isang kilay nito, " As I recall, you don't have an interest in how I managed things… maliban na lang kung hindi ako ang talagang pinunta mo dito."
Naka-plaster sa mukha nito ang pang-aasar. Ang sarap tuloy itapon dito ang hollow block na nasa tabi ko. Pinarolyo ko lang ang mata ko rito.
"Nasa may cafeteria siya, pero bago yun." Isinuot nito ang isang hard hat sa ulo ko.
"Safety first at baka mapatay ako ni daddy."
"Thanks kuya." Mabilis ko namang iniwan ito kahit 'di ko pa alam kung nasaan ang cafeteria, nagtanung-tanong na lang ako sa mga trabahador na nakita ko.
Papasok na ako sa cafeteria nang marinig ko ang dalawang trabahador na nag-uusap.
"Bagay talaga silang dalawa ni Engineer Cold at Architect Honeyllette."
"Nakow, sinabi mo pa. Hinihintay ko na lang na magda-moves 'yang si Sir Cold."
Para akong patay na bulkan na biglang nag-resurface at naging active volcano sa narinig ko. Kunting-konti na lang sasabog na ako.
Nang makapasok ako ay agad ko namang namataan si Cold dahil naiiba ito at ang babaeng kasama niya sa lahat.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nilapitan ang dalawa. Hindi ko makita mukha ng babae dahil nakatalikod ito sa gawi ko habang gulat naman na nakatingin si Cold sa akin. Napatingin na rin ang babaeng kaharap nito sa akin dahil siguro nagtaka sa expression ng mukha ni Cold. Pinagtaasan ako nito ng kilay at binigyan ako ng masamang tingin.Tumayo at sinalubong ako ng halik sa pisngi ni Cold nang makalapit ako.
"Ba't hindi ka nagpasabing pupunta ka? Sana nasundo kita."
"'Wag na kasi may trabaho ka pa." Ibinalik ko naman ang tingin sa babaeng maikli ang buhok na umabot lang sa balikat nito, bilugan ang mga mata at may maninipis na labi. In short, maganda siya.
Humarap si Cold sa babae na mukhang proud.
"Lette, I want you to meet my girlfriend. Chasty."
"Hmm." Tumayo ito at tinignan ako, head to foot.
"Chasty Rose Rivera. Right?"
"Yes, kapatid ni Hendrick Rivera—"
"I know," sabi nito sabay bumaling kay Cold. Did she just cut me off?
"Hindi mo naman sinabi na nakuha mo na si Chasty."
Kahit ngumiti ito alam kong peke 'yon at mas lalo namang nang-iinsulto ang pagkasabi nito ng salitang nakuha.
"Kahit ako rin hindi makapaniwala," sabi naman ni Cold na binuntunan pa ng tawa. Mukhang hindi na-sense ni Cold ang tabas ng dila ng babaeng 'to.
"Nga pala love. Si Maria Honeylette Collins, kababata ko. At schoolmate rin natin noon."
Napa-O ang bibig ko sa bagong nalaman tungkol rito. That's why her name sounds familiar. Pero schoolmate namin? Kailan kami naging schoolmate ni Cold? May itatanong pa sana ako nang may lumapit na trabahador sa amin at kinausap si Cold. Pinaupo muna ako ni Cold sa espasyo na inupuan nito kanina.
"May aasikasuhin lang ako. Maupo ka muna dito at babalikan kita, nandiyan naman si Lette to keep you entertained hmm."
"Opo, dito lang ako."
Hinalikan pa ako nito sa ulo bago isinuot ang hard hat at sumama sa lalake na lumapit kanina. Nakasunod lang ako sa likuran nitong papalayo nang marinig kong nagsalita ang bestfriend ni Cold na si Honeyllete.
"How many layers of foundation you have in your face?"
Nagtaka ako sa tanong nito, "What? Press powder lang ang gamit ko."
Tumawa ito nang nakakainsulto. Nagtitimpi lang ako sa babaeng 'to pero kanina pa 'to.
"Ang kapal kasi ng mukha mo para sagutin si Cold matapos ng ginawa mo sa kanya a long time ago."
Mas lalo pa akong nagtaka sa sinabi nito at tila napansin naman nito na wala akong alam sa mga pinagsasabi niya.
"Oh, how poor. You know nothing about your boyfriend did you?"
Nainsulto ako sa sinabi nito pero totoo nga namang kasi na wala pa akong masyadong alam tungkol kay Cold dahil hindi ko naman na 'yon binibigyan ng pansin. Ika nga nila, makikilala mo naman daw ang tao kapag nagtagal.
"I see. Apelyido niya, alam mo?"
Para namang nahiya ang brain cells ko nang hindi ako makasagot dito.
"Oh, my gosh, gaano kaba ka-tanga at sinagot mo ang lalakeng hindi mo pa masyadong kilala?"
"Puwede ko naman siyang makilala kahit nasa loob pa lang kami ng relasyon—”
"No, you're wrong girl—"
"Tatanggapin kong opinyon mo 'yan kaya rerespetuhin ko—”
"Panti."
"What?" Bakit na naman nasali yung panty dito?!
"Brew Panti. That name rings the bell?"
"Anong meron kay Brew?" nagtatakang tanong ko rito.
"My, my, wala ka ngang alam. Sinadya kaya niya? Chasty, ang buong pangalan kasi ng boyfriend mo ay… Cold Brew Panti."
Para akong tinuklaw ng ahas nang malaman ang revelation na iyon. At naalalang may tinanong nga si Claritta sa akin noon.
"Chasty, ba't hindi mo naman sinabi na bumalik na pala ang Panti mo?"
"Panty what?"
"It's Brew Panti. The chubby guy who confessed to you way back in elementary. Do you still remember him?"
"Oh, yes, yes. What about him?"
"So ayun nga. I saw him kanina sa engineering building kausap si Miss Zugapa. In fairness he's yummy na, I didn't recognize him not until I heard whispers somewhere."
"And so?"
"Wala ka pa rin bang pakialam kahit sabihin kong… hinahanap ka niya? O-oh, someone's back with revenge ang peg nito. 'Sexy' revenge, rawr"
"Nakuha kana niya noh? Lucky you hindi kapa iniiwan.”
"Iponin ko muna. Sa susunod na hindi na ako makapagpigil, maghanda kana."
"Siguro nakikipaglaro pa siya bago ka niya i-discard katulad ng ginagawa mo sa kanya noon."
"Ayoko nga sayo. Ang pangit mo!"
"Ang pangit ng apelyido mo, ayoko sayo."
"I can't wait na makita kang luhaan katulad ng ginawa mo noon kay Brew, sana naman madaliin niya na—"
Hindi ko na ito pinatapos magsalita dahil nasasaktan na ako mabilis akong tumayo—nagpakalayo.
Nakita ko pa si kuya na may kinakausap sa hallway, hinubad ko ang hard hat at basta-bastang na lang ibinigay rito.
"Chast—oof!"
"Aray! Hoy babae!"
🍭theblackjustice
BINABASA MO ANG
IT MUST BE LOVE TRS#1(Completed)
Romance"Why those green eyes are somewhat familiar?" Book one of THE REUNION SERIES.