HONEYLETTE
NAPATAWA ako nang bigla na lamang itong tumayo at umalis. Ano nga naman ang karapatan niya kay Cold. Kung sila man ngayon, magwawakas na rin 'yan dahil nandito na ako.
Hindi ako ang dating Honeylette na inaapi-api lang ng mga katulad ni Chasty.
"Hoy, nakasalamin."
Napahawak ako sa noo ko nang may tumamang bola sa noo ko, nasa lilim kasi ako ng puno dito sa may court at nagbabasa.
Napatingin ako sa babaeng nasa baba na may hawak na raketa.
"Pakikuha nung bola."
Maganda ito kahit may pagka-chubby, naka-ponytail ang buhok nito, makinis at halatang anak mayaman.
"Héllo~. Are you deaf?"
Namumula na ito, siguro dahil naiinis na sa akin. Napatingin ako sa bolang tumama sa noo ko kanina at pinulot ito bago tumingin ulit sa batang babae.
"Yes! That's it! Now throw it."
Ginawa ko naman ang sinabi niya pero saktong tumama ito sa mukha niya kaya napahawak ito sa namumulang ilong nito at umiyak.
Dadaluhan ko na sana ito nang bigla akong pinagbabato ng bola ng mga kalaro nito.
"Bakit mo ginawa 'yon kay Chasty!?"
"Hindi ko naman sinasadya. Aray!"
"Siguro naghihiganti kasi natamaan ka ng bola. Eh hindi naman siya ang nakatama sayo!"
"Aray tama na."
"Leave! You filthy rat!"
Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at mabilis na umalis habang sinasalag ang mga bola. Hindi pa ako tuluyang nakakaalis nang may mahagip akong matabang lalake na nagtatago sa isang puno.
"Hoy! Umalis ka diyan bago ka nila makita."
Nagulat pa ito at nang mapatingin ito sa akin ay gano'n na lang ang kabog ng dibdib ko nang makita ang kulay berde nitong mga mata. Maputi ito at mataba pero ang cute niyang tignan.
"Shh," sabi pa nito sabay lapat ng hintuturo nito sa mala-rosas nitong labi. At iminungkahi na magpunta rin ako do'n. Hindi ko alam pero sumunod ako.
"Ano ba kasi tinitignan mo diyan?"
"It's not what, it's who."
Napaismid ako rito.
"Edi sino?"
Tinuro nito ang isang babaeng sa kumpulan, 'yon ang babaeng natamaan ko ng bola.
"'Yan si Chasty Rose, ang magiging asawa ko."
Nainis ako sa sinabi nito.
"Ang bata mo pa kasal na agad iniisip mo? Atsaka 'wag siya, ang pangit ng ugali."
"Hindi pangit ugali niya, sinasabi niya lang kung anong nasa isip niya pero mabait siya," pagtatanggol nito sa Chasty daw.
"Ano nga pala pangalan mo?" Hindi ito tumitingin sa akin pero sumagot naman.
"I'm Cold Brew Panti, seven years old."
"I'm Maria Honeylette Go-re, seven din."
PAPUNTA na ako sa classroom ko nang makita kong tumatakbo si Brew mula sa kompulan na napag-alaman kong grupo pala nung Chasty. Imbes na dumiretso sa classroom, mas pinili kong sundan si Brew.
BINABASA MO ANG
IT MUST BE LOVE TRS#1(Completed)
Romantik"Why those green eyes are somewhat familiar?" Book one of THE REUNION SERIES.