Chapter 14

6 3 0
                                    

TATLONG araw na mula noong masira ang phone ko, sinira ko rather. Kapag may bagong update si kuya tungkol kay Cold ay agad-agad akong umaalis at sasabihing may gagawin ako, kahit anu-anong alibi. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako maka-move-on sa nangyari nung nakaraang araw.

"Chasty, maawa ka sa pagkain."

Masama ang tingin ko kay Claritta nang bumaling ako rito.

"Ba't sa'kin ka galit? Naawa lang ako sa chicken mo."

"Alam mo, ang takaw mo pero ang patpatin mo."

Tinaasan ako ng kilay nito, ayan na siya, sasabog na. Pero bago pa ito makapagsalita ay inunahan ko na.

"Hindi ako sayo galit at masama lang ang loob ko."

"Ang sama ng tingin mo, eh."

"Kasi galit ako. Alam mo namang kapag galit ako sa isa, galit din ako sa lahat."

"Edi galit ka nga!" bulyaw nito sa akin.

Napaisip din ako sa mga pinagsasabi ko at nailing na lang. Ganito ba ang epekto ng Cold Disease? Hindi na makapag-isip ng maayos.

"So, ito nga kinukulit ako fafa Cold—"

"One more update about him, I will make sure to cut your tongue into tidbits."

"Ito naman hindi mabiro." Tumawa-tawa pa ito ng pagkapeke-peke.

"Puwede bang makiupo?"

Tumingin ako sa lalakeng nasa likod ko at ang nakangiting mukha ni Hubert ang nabungaran ko. Tatanggihan ko na sana ito pero naalala ko ang tulong na ginawa nito.

Tumango lang ako rito na siyang kinalaki ng ngiti nito bago ko ulit ibinalik ang tingin sa pagkain ko. Pero bago pa 'yon ay nakita kong napanganga si Claritta. I know, I know, hindi ko 'to gawain. Lagi kong binabara itong si Hubert pero tinulungan ako nito kaya a little pleasantry will do.

Rinig ko ang bulung-bulungan sa paligid pero wala akong pakialam sa mga tao ngayon.

"Opening ng coffee and pastry shop ni ate Shane ngayon. Wanna come? Libre ko na kayo," pag-o-open conversation nito.

"Sure, why not," agarang sabi ko rito. Ramdam ko ang mahihinang sipa ni Claritta pero hindi ko ito tinignan.

Tumunog ang bagong biling phone ko at nakitang si Claritta ito. Agad ko nang kinuha at nagtipa.

>>>

                                  What do you think you're doing
                                                                              Chasty!?

What?

                               Don't what what me. You do have
                          a boyfriend so you better behave.

I do?

                                 Fvck you! Isusumbong kita kay
                                                                         Panty mo!

Hindi tayo talo kaya magsolo ka.

>>>

Huling reply ko dito. Narinig ko pang tumunog ulit ang phone ko pero hindi ko na pinansin. I want to divert my mind. Masyadong magulo. Nangunot pa ang noo ko sa huling sinabi nito. Bakit nga pala napasok ang panty ko?

MARAMING tao ngayon sa grand opening ng shop ni Shane. So far sa pamilya ng Lastimosa, si ate Shane lang ang nagustuhan ko. Eighteen pa lang kasi ito nang maglayas at gumawa ng sariling pangalan, malayo lang sa ama at mga kapatid nitong gahaman sa kapangyarihan at kayamanan.

Ang ganda ng pagkakagawa sa structure ng coffee shop nito. A huge cup of coffee with white cream on top and a muffin beside it. Magkahalong brown, white and pink ang kulay ng mga ito, at talagang maiinganyong pumasok ang lahat mapabata man o matanda.

"Ate Shane!"

Napatingin sa amin ang isang matangkad na babae na may kausap na matatanda, mahaba ang kulot na buhok nito, heart shape na mukha, matangos na ilong, may kalakihan din ang singkit nitong mga mata at balingkinitan ang katawan. Malayo ang hitsura sa mga kapatid nito at talagang nangingibabaw ang ganda nito.

Agad na nagpaalam ito sa mga kausap at lumapit itong may ngiti sa labi.

"Baby brother you came!" maligayang sambit nito sabay yakap kay Hubert.

"Ate, I'm not a baby anymore."

"Asus, nandito lang si Chasty ayaw mo na magpatawag ng baby."

"Ate," saway nito ulit  kay ate Shane.

Nang bumaling ito sa akin ay nakakaloko ang ngiti nito. Sabay beso sa akin.

"Nanliligaw ba ang kapatid ko sayo? 'Wag mo sagutin, ah."

Nang marinig iyon ni Hubert ay panay saway naman ito kay ate Shane.

"Nga pala ate kasama ko din ang bestfriend ko, si Claritta." Sabay hila ko sa babaeng nasa likod ko, kasi talaga nitong magpunta at hinila ko lang para hindi awkward na kami lang ni Hubert ang magkasama.

Halos magkasing-tangkad lang ang dalawa, medyo matangkad lang ng ilang inch itong si Claritta.

"It's Claritt, Chasty. How many time did I tell you?"

Pinarolyo ko lang ang mga mata ko.

"Hi, I'm Claritt Manalo. Congratulations to your successful grand opening."

"Thank you. Oh, siya, pasok na muna tayo. May naka-reserved ng table para sa inyo," she said before leading the way.

Napa-O ang bibig ko nang makita ang kabuohan ng loob nito. Kung maganda sa labas, mas maganda naman ang interior design nito. Matchy-matchy sa exterior nito.

"Ate, ang ganda ng pagkakagawa sa shop mo," hindi ko na napigilang imungkahi rito.

"Guwapo yung Engineer, eh. I mean magaling yung Engineer," sabi nito na humahagikhik pa.

Para namang lumaki ang tainga nitong si Claritta at naki-chismis pa. Ang alam ko hindi basta-bastang nagkakagusto sa lalake itong si ate Shane. Whoever that guy he is. He's so lucky.

"May six pack abs ba ate Shane?" Hala, close na sila.

"Hay, naku. Hindi ko pa nakikita pero baka malay mo masilipan ko na soon."

Parang mga teenager na nagtawanan ang dalawa. Naipaling-iling na lang ako, napatingin ako kay Hubert na nakatitig na pala sa akin. Namula ito nang mahuli ko at nag-iwas ng tingin.

Nakuha na naman nilang dalawa ang atensiyon ko kaya napabaling ulit ako sa dalawa.

"Nasaan ba ate Shane?"

"Ayon, nasa Canada pa at kumakayod para sa future namin."

"Ate, baka naga-assume ka lang, ah."

"Syempre ako na manliligaw kapag bumalik."

Whoa, she's desperate para lang mapasakanya yung guy. Curious na tuloy ako at sino itong kinakabaliwan ni ate Shane.

"Oh, nandito na pala si loves," biglang sabi ni ate Shane kaya napatingin kami sa entrance at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang lalaking nakasuot ng dark green t-shirt na humapit dahil sa malaking pangangatawan nito, and rugged maong pants na bumagay naman dito.

"Patay," narinig kong sabi ni Claritta.

🍭theblackjustice

IT MUST BE LOVE TRS#1(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon