CHASTY
LCA BATCH '09
'Yan ang nakalagay sa malaking banner na inilagay sa gate ng school although sa covered court ang venue. Pero sa labas pa lang ng school ay nagkalat na ang nakaparadang kotse. Kung sa tingin niyo sa private school ako nag-aral noong high school, well, nagkakamali kayo. Sa probinsya ng Camiguin Island ako nag-aral, sa probinsyang kinalakhan mismo ng daddy ko. I love this place. Kahit kasi hindi kayo nakatira sa subdivision at magkakalapit lang ang mga bahay ay sobrang tahimik pa rin ng paligid. Ayaw mo naman sigurong ma-engkanto diba. Haha.
Maraming napapatingin sa magkahawak-kamay namin ni Cold or mas kilalang Brew. Hindi ko alam kung kilala ba nila na ito ang dating matabang lalake na binasted ko noon. Natatawa pa rin ako kapag naaalala ang mga nangyari noon.
"What's funny?" Tinignan ko ang nagtatakang mukha nito.
"I just can't believe na yung lalakeng ayaw ko noon dahil sa apelyido niya, ngayon asawa ko na," sabi ko rito na may ngiti sa labi.
I saw his eyes lighted up in the darkness, he flashed me his smirk and give me a peck on my lips.
"Syempre, iba pa rin kamandag naming mga Panti noh!" he said, proudness was evident in his voice.
Natawa na lang ako. Nang tumapat sa makapal na kurtina ay bumulong ito sa taong kumukuha ng attendance namin na siyang bumulong naman sa katabi nitong may hawak ng microphone. Pumasok ito sa kurtina at narinig namin ang pangalan namin sa ilalim ng animated voice nito.
"Please, let us all welcome. MR. AND MRS. PANTI."
Sa paghawi ng makapal na kurtina ay rinig ang singhapan ng mga kababaihan at hiyawan ng mga kalalakihan. Hindi ko masisisi ang mga reaksyon nila, baka ang dating ako mahimatay pa sa nakikita.
"TOTOO BA 'TO?"
"The famous Chasty Rose Rivera misis ni Brew Panti? Really?!"
Halos magtago ako sa likod ni Brew dahil sa mga bulung-bulungan sa paligid. Hinigpitan lang ni Brew ang hawak nito sa kamay ko kaya napanatag ako.
Sa table na naka-reserve sa amin ay nakaupo sina Claritta katabi ang nobyo nito at si Jonah. Pumapalakpak pa si Claritta habang papalapit kami.
"Instant celebrity couple and dalawa." Natawa naman kaming lahat sa sinabi nito.
"Mukhang magiging fifth wheel ka sa'min Jonah, ah," pang-aasar naman ni Brew kay Jonah.
"Wait n'yo ko at maghahanap ako." Nagtawanan lang kami pero maya-maya lang ay nahinto si Claritta at nakatingin lang sa likuran ko. Nang tumingin ako sa likod ko, wala naman akong nakitang kakaiba. Weird. Well, nevermind.
THE END.
🍭🍭🍭🍭🍭🍭🍭🍭🍭🍭🍭🍭🍭🍭🍭🍭🍭🍭🍭
UP NEXT…The Reunion Series 2: I Loved Him First (Claritta's Story)
Soon…
—theblackjustice
BINABASA MO ANG
IT MUST BE LOVE TRS#1(Completed)
Romansa"Why those green eyes are somewhat familiar?" Book one of THE REUNION SERIES.