Chapter 17.2: Tigmour

40 2 11
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


===Zenrie===

"Anak ng... hindi naman ito ang inaasahan kong boss na haharapin natin ah!" bulalas ko at naningkit ang aking mga mata sa aking nakita.

The situation became tough when the boss finally showed up. I don't know if I'm going to be surprised or not because I have a big gut that I know this creature. Maybe not in the game perhaps, but I guess it's in the book where my mom used to tell it when I was young. Every detail seems like yesterday.

My mom already told me about the story of Avillerius a thousand times. Sigurado akong nasa isipan ko pa ang lahat ng mga naikuwento niya sa akin at isama na roon ang bersyon na iyon sa librong hiniram namin sa library. Sa pagkakaalala ko, halos marami na ring mga klaseng halimaw ang naitatala sa kuwentong iyon. Ang iba naman sa kanila ay may mga pangalang mahirap bigkasin.

Kagaya na lang sa pangalan ng alaga ni Avicta sa Foresomer Woods na Isharwanzt. It sounds like a German word though and the letter "w" in that word was pronounced as "v". Darn pronunciations. Kaya huwag kayong malinlang sa pronunciation ng isang salita tuwing sasali sa spelling bee contests.

Tinignan ko ang kaniyang stats sa ibabaw ng kaniyang ulo na may nakalutang na ruby icon. The creature's name was Tigmour: a half human and half tiger Terbaeus. Kung tama ang pagkakaalala ko dati tungkol sa halimaw na ito, isa siya sa mga isinumpang kriminal ng Avillerius na nagtangkang patayin ang ina ni Black Navillerian Angelus habang nasa sinapupunan pa siya. Dahil sa nangyari ay inilitis siya ni Reyna Arca at isinumpa sa kaniyang pagkakasala. Habang si Haring Bardou naman ay nagdesisyong ipatapon sa Foresome Woods at hindi na kailanmang babalik pa sa kaharian. Kaya naman ipinadala ni Arca ang ina ni Black Navillerian Angelus sa lupain ng Vanyarla upang magtago.

Hindi ko alam kung ano ang mga salitang sasabihin ko sa aking mga nasaksihan.

"May plano ka ba ngayon Commander Zenrie?" nag-aalang tanong ni Ranzou sabay lunok ng laway.

"Anong gagawin natin commander?" dagdag naman ni Zoiren.

Mukhang masasanay na yata si Zoiren na tawagin akong commander sa grupo lalo na kapag nasa bakbakan. 'Yan din ang tinawag sa'kin noong lumabas ako sa clinic at talagang nag-aalala sa mga nangyari matapos akong tulungan kasama si Jairus.

Pero sandali, kailangan ko na munang mag-isip para sa susunod na hakbang.

"Kailangan nating maghiwalay sa tatlong grupo," suhestyon ko. "Emerson at Althea, kayo ang bahala sa mga Terbaeus at tulungan ang ibang mga estudyante sa pakikipaglaban sa kanila; Ranzou at Mimi, kailangan niyong tulungan ang ibang estudyante sa paghahanap ng ligtas na lugar upang maproteksyunan sila; at kami naman ni Zoiren ang bahala sa boss na'to."

Alam kong medyo weird ang naisip kong plano sa ngayon, pero iniisip ko ang nakabubuti ng nararami. Pinili kong ipares sila upang hindi sila mahirapan sa mga dapat gawin bilang mga magigiting na mandirigma at beta testers.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now