Chapter 3: A Test For the New Utopia

106 8 3
                                    





Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



===Zenrie===



Pumunta na kami sa aming mga pwesto upang simulan na ang beta test. Lahat ay nakaupo na sa mga higaan at hintayin ang hudyat ng propesor. Ramdam ko pa rin ang magkahalong kaba at pagkasabik maliban lang sa lamig ng hanging hatid ng aircon. Ipinagdarasal ko ring magiging matagumpay ang proyetktong ito.

Before we started the test, they put some health apparatus on our right arm, head and chest to check our vital signs as we are undergoing the test. Para na rin ito sa kaligtasan namin kung sakaling may mangyayari mang aberya at maobserbahan kami habang nasa loob ng kakaibang mundo.

"Isuot niyo na ang Virtualrealmnet. Maghintay muna kayo ng sampung segundo para sa konting proseso at kapag natapos 'yon ay sabay niyong banggitin ang 'Cyberus Synch' at makakapasok na kayo sa virtual world." Sabi sa amin ni Prof. Leizuko at agad kaming sumang-ayon sa kanyang sinabi. Pumunta na kaagad siya kasama si Prof. Aise sa computer monitoring area upang obserbahan ang mga kaganapan sa test na ito.

Tungkol naman sa numerong nakalagay sa bawat higaan, nakahilera naman ito sa computer screen ng control room na kung saan nandoon sila Prof. Leizuko. Mabuti naman at hindi mga alyas o pseudonyms ang nakalagay roon.

Beta Testers:

1. Zenrie- SAU

2. Rupert- MCT

3. Zoiren- SAU

4. Emerson- SAU

5. Calyx- GC

6. Lezmond- UR

7. Althea- SAU

8. Ranzou- SAU

9. Ellah- AU

10. Andy- AU



"Ready beta testers?" tanong sa amin ni Prof. Aise.

"READY!"

There's a little moment of countdown before the test is about to start.

10...

9...

8...

7...

6...

5...

4...

3...

2..

1..

At nang matapos ang munting countdown ay sabay na naming ibinigkas ang isang mahiwagang salita papunta sa kakaibang mundo ng virtual world.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now