Chapter 24: Surprise Visitors

45 0 0
                                    


===Issei===

April 23, 2020, 02:00 PM

ABALA ako sa pag-scroll sa aking FB sa phone habang nakatambay ako sa kuwarto ni Zenrie. Katatapos kang din namin siyang punasan at tinignan ang kanyang vital signs. Kahit mapayapang nakahiga ang katawan niya ngayon, hindi ko pa rin maiiwasang mag-alala sa kalagayan niya roon.

Nitong nakaraang linggo kasi ay nag-trending sa Twitter ang tungkol sa SAU Intramurals at halos napapanganga ako nang mabalitaan kong may duel arena tournament na naganap doon sa virtual world. Of course, my heart was pounded as well as my level of worry arises. Kulang na lang gusto kong lagyan ng antivirus ang gumawa ng ganoong event para sa intramurals.

That was really an insane idea.

How come will they plan it even if there's a great threat to their lives in the virtual world? Tatanga-tanga ganern? Kahit na sabihin ng tech experts na hindi eepekto ang malasumpang dulot ng ERCO 673 ay puwede nang ubusin ang HP nila. Paano ba naman sila makakasigurado? They should check it through the supercomputer's system and not inside that parallel world.

May pagkakataon kasing napapa-it's a prank ang systems.

I wonder where the experts in Sirius Tech are right now after the hijacking incident.

Maliban doon, naalala ko pa rin ang text na sinend sa'kin mula sa misteryosong tao noong nakaraan. Sabi niya ay darating sila sa bahay sa loob ng dalawang oras pero wala pa ring bakas niya na nagpakita hanggang sumapit ang kadiliman ng gabi. Maybe he or she's a great scammer in terms of this.

Hay naku! When it comes to the Filipino's philosophy of time, ang dami talagang nagiging scammer. Gaya na lang noong may group practice kayo sa oras ng alas nuebe ng umaga tapos dumating na isang oras mula sa itinakda.

May kumatok agad sa pintuan ng kuwarto ni Zenrie kaya agad akong lumapit. Sa pagbukas ng pinto ay bumungad sa'kin si mom na may dalang isang tray ng dorayaki cake at gatas. But the best of all, she wears her best smile to fit her mood today even if the situation is getting rough.

"Issei, kumain ka na muna at baka maloloka ka pa sa kaka-scroll mo sa phone," pabirong saad niya at pumasok sa kuwarto. Agad ko naman siyang tinulungan at inilapag ang tray sa katabing mesa study table ni Zenrie.

"Nag-abala pa kayo mom," nakangti kong sabi. "Ako na dapat ang pupunta sa kusina at nag-beauty rest ka na lang po."

Tumabi agad si mom sa'kin nang kinuha niya ang isa pang upuan na malapit sa higaan ni Zenrie. Hindi rin talaga maiaalis sa mukha niya ang ngiti ng isang matatag na babae sa kalagitnaan ng mga nangyayari sa pamilyang ito.

Kahit minsan may iba pang kahulugan 'yan at tinatago lang niya. Iba talaga ang pagiging matatag ng mga Matsouka eh!

"Aanhin ko pa ang beauty rest na 'yan kung walang nagbabantay sa pinsan mo. Magmeryenda na muna tayo kahit advance ng isang oras." Wika ni mom at ibinigay sa'kin ang isang piraso ng dorayaki cake.

"Mom," I gently tapped her right shoulder and beamed a smile, "kahit na rin 'yon. Alam mo namang naii-stress ka na rin sa mga iniisip mo nitong mga nakaraang araw. Hindi lang 'yan, wala ka pang tulog kagabi sa pagbabantay rito kay Zenrie. You deserve to have a beauty sleep, mother dear," saad kong tila nagbibigay pa ng payo.

She left out a deep sigh and turned his gaze at me. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang eye bags at pagod sa dami ng mga inaasikaso niya. Nitong nakaraang linggo kasi bigla na lang bumilis ang heart rate ni Zenrie kaya minabuti na rin naming magbantay sa kanya rito. Hindi ko rin masagap kung ano ang dahilan since ayos naman ang lahat.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now