Chapter 8: A Forest behind the Wall

43 3 9
                                    




===Zenrie===



SAU Flower Garden, 09:00 PM


Nakatayo akong mag-isa sa tapat ng tarangkahan upang hintayin ang iba ko pang mga kasamahan para sa unang misyon na aming gagawin. Napakaliwanag ng buwan sa langit kagaya sa tunay na mundo; 'yon nga lang ay hindi kabilugan ng buwan dito. Umihip din ang malamig na hangin na siya ring tumatangay sa aking buhok sa magkabilang bahagi. Maganda rin pagmasdan ang mundong ito sa totoo lang. Sa mga nakikita ko ngayon sa alternatibong mundo ay na-mi-miss ko tuloy bisitahin ang tambayan ko sa campus sa tunay na mundobago pa man umusbong ang pandemyang gumimbal sa nakararami at inilagay sa ECQ o Enhanced Community Quarantine sa lungsod. Bawal namang lumabas ang menor gaya ng nasa panuntunan. Kaya ngayon, dito na muna ako mamamasyal gamit ang Virtualrealmnet. Pero sa sitwasyong ito kailangan na muna naming mag-ingat dahil sa mga nangyayari.


Lumipas pa ang sampung minuto ay hindi pa rin talaga sila dumarating. Napagdesisyunan ko na lang munang pumunta sa restroom ng Education and Law Department na gusali upang makapagpalit ng damit. Ngayon ko lang kasi napansing nakasuot pa ako ng uniporme at talagang mahihirapan akong lumaban kung sakali. Sino ba naman ang gustong lumaban nang nakapalda at medyo maikli pa kahit may sapaw kang cycling shorts? Minsan talaga ayokong magpakampante sa kung ano man ang susuotin ko.


Pagkarating ko sa restroom, binuksan kokaagad ang aking student's window at dumiretso sa avatar settings. Lumabas naman ang isa pang window sa kabila matapos kong pindutin ang wardrobe sa tabi ng aking avatar anatomy. Sa ginagawa kong ito ay para lang akong nag-shopping online. Nakakapagtaka rin dahil ang mga damit ko rito kadalasan ay mga naisuot ko na sa tunay na mundo. I guess the Virtualrealmnet scans every outfit of a user as he/she logs in. And I'm just thinking if even the inner wear is also included. Pero ang unipormenng suot-suot namin ay naka-customize na agad sa pamamagitan ng data ng unibersidad o paaralan kinabibilangan ng iba't ibang user.


"Ibang klase naman 'to," sambit ko. Talagang nakakahanga rin ang ginawang programing design ni Prof. Leizuko tungkol dito.


Pinindot ko kaagad ang remove button at lumiwanag ang aking suot na uniporme hanggang sa naglaho ito nang magliparan ang mga maliliit na debri ng krystal. Laking gulat ko nang malaman kong tama rin ang isa sa mga teoryang napuna ko tungkol sa wardrobe scan. Buti na lang hindi kulay rosas ang suot kong 'to pero hindi pa rin ako sanay na magpalit ng damit dito sa virtual world. Baka kasi may isang AI o user na namboboso saka kukuha ng litrato nang palihim. Kapag may nagtangkang gumawa n'on ay hindi rin ako magdadalawang isip na gamitin sa kanya ang aking sword skill.


Kaagad akong pumili ng damit sa window at laking tuwa ko nang makita kong may mga inilagay ring mga bagong damit ang program sa aking student's window. I choose to wear a lady's fit black long-sleeved V-neck shirt with gray linings from the shoulders up to the sleeves, navy blue denim short that's 2 inches above the knee and press the enable button to wear it. 


Matapos ang limang segundo ay naisuot ko na ang aking mga damit at kulay itim na high-cut rubber shoes. Naka-tuck in din ang aking pang-itaas na damit. Inayos ko na rin ang aking buhok sa salamin gamit ang suklay na kinuha ko sa aking item inventory. Habang ginagawa ko ang bagay na ito ay bigla ko na lang narinig ang isang napakapamilyar na boses na tatlong araw na akong sinusundan.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now