Chapter 5: A Night Before Class

83 5 6
                                    




Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



===Zenrie===


March 15, 2020, 7:15 PM


Naging mapayapa na rin ang pagtira namin rito sa bahay ni mama matapos kaming makatakas. Kakaiba nga dahil wala akong maririnig na umalingawngaw na boses mula sa baba at tanging katahimikan na ang nararamdaman ko. Hindi na rin masyadong mahapdi at kumikirot ang mga pasang natamo ko sa magkabilang braso at unti-unti nang nawawala ang pamamaga ng mga pasa sa balat ko na kung saan ako tinamaan. Naisasagawa ko na rin ang pagpapatuloy sa pagbabasa, pagguhit, pagsasanay at siyemre ang pagtulong ko sa bahay kasama si Tita Tory. Kami lang naman ang nandito ngayon at hindi rin matatawaran ang aming pag-uusap, tawanan at kulitan dito. Para ko lang siyang nakakatandang kapatid kung tutuosin sa pagiging bagets niya.


Nagtutulungan kami ni Tita Tory ngayon upang mag-asikaso sa lulutuin naming hapunan. Nagluto kami ng Bicol Express at gumawa ng vegetable salad para maging pantay naman ang aming kakainin. Syempre hindi rin kakalimutan ang pagsasaing ng bigas sa tradisyunal na paraan na kung saan mga daliri ang gamit mo upang sukatin kung gaano karami ang inilagay na tubig.


Matapos naming magluto ay inihanda namin ang mesa at humanda na sa aming pagkain. Nagdasal na muna kami bago pa namin atakihin ang mga inihandang pagkain. Nakaupo si Tita Tory ngayon sa dulong parte ng mesa habang ako naman sa kanang bahagi.


Habang kumakain kami ay nagkaroon kami ng kuwentuhan tungkol sa mga pinagdaanan nila ni mama at Tito Nayu noong nag-aaral pa sila sa Junior High.


"Talaga tita? Hindi ko akalaing naging siga ka pala sa paaralan niyo noong nasa junior high pa kayo," hindi ko makapaniwalang saad at tumawa. Hindi ko inakalang may astiging awra rin pala si tita dati ah. Sumubo na muna ako ng kaning may konting piraso ng karne at sarsa.


"Oo Zenrie ganoon na nga," natatawang sabi naman ni Tita Tory. "Pero alam mo, lagi akong inawat ng Tito Nayu at mama mo sa tuwing naiinis ako o may kaaway ako dati lalong-lalo na kapag may umaway sa kanila at bigla ko silang sinusugod. Parang good cop at bad cop lang kung maituturing kami ng iba. Ilang beses na nga kaming pinagalitan ni mama dati dahil d'on," dagdag pa niya sa pagkukuwento.


Natawa at napahanga ako sa parehong dahilan. Kakaiba rin talaga ang mga karanasan nina Tita Tory noong mga kabataan nila. Astigin din pala siya at hindi ko inakalang kailangan pa ng dalawang tao para pakalmahin siya na sa ngayon ay wala na.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now