===Zenrie===
March 25, 2020, 08:00 AM
I was holding a notebook where the pointers of our exams were written. Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa teleporting station sa tabi ng portal habang sinusuri ko ang bawat leksyon sa bawat pahina. Habang hindi pa nagsisimula ay kinailangan ko na rin munang mag-review ng konti at baka may nakalimutan pa ako. Nauna na rin akong pumunta rito nang maaga dahil sa bagay na ito. Let's just say I need a little inner peace.
Maliban d'on, halos 23 minutes na akong nakatayo rito at ni isang anino ng mga kasama ko'y wala pa. Kailangan din kasi naming maging maaga mula sa naturang schedule ng aming pagsusulit. Ito na nga ang itinakdang araw na kung saan makakaharap mong muli ang dalawang uri ng papel sa iyong mesa na naglalaman ng mga katanungang kailangan sagutin. Isang ingay lang, sipa ka agad sa labas.
Dito rin nauso ang sinasabing cheat codes na ginagamit ng bawat estudyante kahit magkalayo ang kanilang mga upuan. Iba't iba rin ang kanilang mga diskarte upang makakuha ng mataas na marka, pero masasabi ko lang sa bagay na 'yon ay talagang labag ito.
Sana man lang ay walang magpapalit ng anyo bilang giraffe habang ginagawa ang pagsusulit at baka may magka-stiffed neck pa. Kapag nagtamo ka ng stiffed neck sa kasusuyod sa mga papel, tiyak na mahuhuli ka at maituturing na isa sa mga pangunahing salarin. Ihahanda na rin ng medic sa klasrum ang neck brace kapag nagkataong lumala.
Masuwerte na lang kapag laging hindi nakabantay ang magiging proctor niyo.
Pero gaya nga ng sinabi ko kanina, labag pa rin sa batas ang pangongopya. Hindi ko alam kung epektibo pa rin ang katagang ito ngayon dahil sa mga nakikita ko'y may dahilan ang iba kaya ginagawa 'yon. According to them, "Schooling is not about learning anymore. It's about passing."
But I have my own reason why I still keep on studying and learn even in these tough days.
"Hay! Nasaan na ba ang mga 'yon?" nayayamot kong tanong. "Saang lupalop ng virtual world pa 'yon nagpunta at ang tagal nila? Baka nakakalimutan nilang ngayon ang midterm exams namin."
I keep on tapping my right foot as I bang my head slightly like listening to the nature's beat. Huminga na lang ako nang bahagya upang mas mapagtuonan ko ng pansin ang aking sarili sa naturang exams... kahit na may bumabagabag pa rin sa isipan ko matapos kong makausap si Issei dalawang araw ang nakakaraan.
Maliban lang doon, hindi pa rin matanggal sa aking isipan ang tungkol sa estrangherong tumulong kina Issei at Tita Tory sa tunay na mundo upang ma-contact ako rito sa alternatibong mundo. Isang estrangherong nagbigay ng IP address at code ng virtual world upang makakonekta ang isang karaniwang gadget gaya ng laptop. Mistulang video call mula sa messenger o zoom ang nagiging estilo sa pag-uusap namin. Para bang ako ang nag-abroad sa isang parallel na mundo.
Pero agaw pansin pa rin sa akin ngayon ang tungkol sa code na ibinigay ng estranghero kay Tita Tory. Para ngang voucher code iyon kung tutuosin sa unang tingin pa lang. Ang kaso, parang may kakaiba sa code na iyon.
Napaisip din ako kung ginawa rin ba niya ang bilin ko bago pa binaba ang tawag.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang laman ng munting regalong ibinigay sa amin ni Prof. Leizuko. Kahit pa sa pagdating ko mula sa siyudad ay hindi ko agad naisip na buksan iyon dahil na rin sa mga naging kaganapan sa dati kong tirahan.
Pero maiba muna tayo saglit.
Nakakapagtaka lang kasi dahil ako pa naman ang minsang nahuhuli sa grupo, pero bakit ngayon sila naman ang nasa kinatatayuan ko? Ibang klase rin ang mga 'to.
Ilang saglit lang nakarinig ako ng mga yabag ng paa sa 'di kalayuan. Natigilan ako sa aking pagbabasa at kaagad hinanap kung saan nanggaling ang tunog na 'yon. Hindi ko nagawang umalis sa aking kinatatayuan dahil nga'y pupunta rin sila rito maya-maya. Tinalasan ko ang aking pandinig kung sakaling may isang dalubhasang tao o isang nakalabas na terbeaus mula sa portal habang ibinaling ko ulit ang aking sarili sa pagbabasa. Nang mas lumakas pa ang mga yabag ay kaagad kong ibinaba ang aking notebook at inipit sa kaliwang braso na parang thermometer.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...