Chapter 31.1: Wardrobe Malfunction

59 1 0
                                    

===Zenrie===

AFTER we gathered, all of us immediately went to the reception area near the 17 story building (suspected to be the Venetiani hotel). Ayon din kasi sa impormasyong nakuha ko mula sa mga receptionist na pawang mga NPC, hindi pa ito bukas sa publiko dahil nga'y tinatapos pa itong buohin. Maliban dito ay ang mahal pa ng pag-check in kapag nagbukas na.

Nakakapagtaka ring isipin ang isang ito. Kapag nasa game kasi, mga halos tatlo o limang minuto man lang ay tapos na ito. Pero dahil nga'y para na ring tunay na mundo ang galawan dito, talagang matagal matapos ang pagbuo ng mga imprastakrura.

"Finally, I've been waiting for this moment to rest." I sighed with a relief when I throw myself on the soft bed. Kararating lang namin dito sa Venetiani pero parang mina-magnet na ang katawan kong magpahinga.

"Sinabi mo pa Riri," Mimi nodded and flashed a bright smile.

I can't believe that this place is so wonderful and mesmerizing. Nandito na rin kami sa wakas sa isa sa mga pinakamagandang lugar dito sa Avillerius. Akala ko sa libro ko lang ito naiisip na maganda. Pati na rin pala sa aktwal.

Now I understand why Prof. Rythen told me that this is a free vacation. May promo package pala ang resort at patagong gumawa ng commission sa lugar na iyon.

What a clever idea from my trainer/master in disguise.

He sneaked out for that while I was having a tough training in Bluis Astrae and do my farming to save food and cedmit last time. May natulungan pa akong isang estudyanteng muntikan pang malapa ng isang Terbaeus Troll.

Mimi puts her bag beside her own bed and started a conversation. "Mabuti na lang pala maganda ang ideya ni Prof. Rythen ano? Isa talagang libreng bakasyunan."

"Sinabi mo pa Mimi," mahinang tugon ko habang nakatingin sa kulay mahogany na kisame. "Hindi ko inaakalang ginawa niya 'yon para rito. Puwede naman tayong magbakasyon sa Talikud Island."

"Pero butas naman ang bulsa mo roon," pambabara naman niya't tumawa. Na-mi-miss ko na rin talagang pumunta sa lugar na iyon sa tunay na mundo. Kaso may problema rin kami pagdating sa budget.

Pero hindi na rin namin pinalagpas pa ang alok ni Prof. Rythen sa akin kanina habang nagsasanay ako. Salamat sa mahiwagang salita na kung tawagin ay "libre".

Mahina akong natawa sa mga sinabi niya't tumango.

"Pupunta na muna ako sa kusina para gumawa ng honey lemonade," wika ni Mimi bago lumabas sa kuwarto. "Ang init ba naman ngayon ng panahon dito kahit sa virtual world."

"Huwag mong kalimutang lagyan ng salabat 'yong sa'kin Mimi," bilin ko naman sa kanya.

"Noted 'yan mula sa pinakamaganda kong bestie." And she rushed to the kitchen. Hindi talaga mawawala sa kanya ang mga komplimentong 'yon. Parang nahawa na rin kay Issei.

Bumangon ako upang iayos na muna ang mga gamit ko sa isang cabinet sa tabi. Napakakinis talaga ng muwebles na ito at makikita mo rin ang mga nakaukit na moon flower sa bawat sulok. Even the doorknob also has this design.

Bawat beach cottage kasi ay may dalawang kuwarto kada dalawang tao, isang kusina, banyo, munting sala, at munting balkonahe. Para itong rest house kumbaga. At ang gaganda pa ng mga muwebles.

Sa nakikita ko, gawa sa isang punong makikita lamang sa Avillerius ang ginamit dito. Parang Narra pero mas matibay. Ostrous yata 'yong pangalan n'on.

After I pile up my clothes and stuffs, Mimi suddenly screamed from the living room.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now