Chapter 7: Flower Garden-Crashers

81 4 5
                                    



Author's Note:

The nightmare is slowly rising as they unlock some mysteries in the virtual world...

~SymphoZenie

======



===Zenrie===

March 17, 2020, 05:00 AM

Nagising na lang ako agad dahil sa sigaw ni Issei na kanina pang kumakatok sa pinto. Dinaig pa talaga ang huni ng mga bus sa Ecoland Area ng siyudad. Kay aga-aga pa at napakaingay na niya.

"Zenriiiiieeeeee! Gumising ka na!" tawag sa akin ni Issei sa akin habang kumakatok.

"5 minutes more Issei," saad ko sabay takip ng aking ulo gamit ang makapal kong unan. Medyo tinatamad pa kasi akong bumangon sa ganitong oras dahil an rin sa malamig na hangin sa paligid.

Walang anu-ano'y narinig ko na lang ang pagbukas niya sa pinto ng aking kwarto at agad tinangal ang unan sa ulo ko. Mas tumindi pa ang boses niya na talagang dinaig na ang isang taong gumagamit ng megaphone. Ang ingay naman ng tokwang 'to sa ganitong oras!

"Zenrie Matsouka Hidalgo gumising ka na kung ayaw mong lagyan ko ng eyeliner ang mukha mo!" malakas na sabi niya dahilan upang bumangon ako agad.

Inunat ko muna ang aking mga braso saka humikab. Mulat na mulat na rin ang aking mga mata dahil sa lakas ng boses niya. Mukhang may matinding alarm clock na ako ngayong pandemya ah! Tumingin ako sa kanya ng diretso na parang gusto kong buhusan ng gawgaw sa mukha ang baklang 'to. "Subukan mo lang gawin ang bagay na 'yon at isang malaking black eye ang abot mo sa'kin," mahinang saad ko.

"Ay grabe ka! Ginigising lang naman kita noh! Huwag mo namang gawin 'yan sa feslak kong kaka-beauty sleep lang," sabi naman niya.

"Pasensya ka na Issei," paghingi ko sa kanya ng paumanhin, "Ikaw naman kasi bigla mo na lang akong ginugulat mula sa pagkakahimbing ng tulog ko."

Tumawa naman nang mahina si Issei sa mga sinabi ko. "Wew! Sleeping beauty lang pala ang peg mo ngayong umaga. Siguro 'yan din ang dahilan kaya minsan ka nang mahuli sa klase," pang-aasar naman niya.

Ba't parang gusto ko nang batukan ang isang 'to? Ang aga pa naman niyang mang-asar sa akin tapos ito pa talaga ang gigising sa akin. Ayon nga sa isang napakatanyag na kasabihan ay pagtripan mo lang ang isang taong lasing pero huwag ang taong bagong gising.

"Sira!" bulalas ko. "Tungkol naman sa sinasabi mong 'yan, minsan lang akong nahuhuli sa klase kagaya na lang nitong nakaraang dalawang linggo na kung saan nasira ang lock ng palda ko kaya nahuli sa klase ng limang minuto. Kailangan ko na ring maghanda para sa klase ko sa virtual world at mag-online," sabi ko. Agad akong umalis sa aking higaan at kinuha ang bathrobe at tuwalya. Muli na naman akong tinawag ni Issei bago pa man ako pumasok sa aking banyo.

"Sandali lang Zenrie..." May kinuha agad siya sa kanyang bulsa na isang hugis oblong na lalagyang may kulay pilak na telang pambalot nito na makinang. May paruparo pa itong disenyo sa gitna nito. "Pagkatapos mong maligo at mag-ayos ay isuot mo 'yan. Nalaman ko rin kasi kay mom na sinira pala ng pusit na si Arman ang salamin mo. Guess what? It has a special edition frame and I know that you'll gonna like it and fits your style. The glass frame is similar to the light novel you're reading before," nakangiti niyang sabi at agad na inabot sa akin ang munting regalo. Binuksan ko ito at tumambad sa aking mga mata ang kulay itim na frame ng salamin at may oblong na hulma sa mga lente kagaya ng bulletproof glasses ni Shino sa light novel na binabasa ko dati. It even has an anti-radiation property and a little glass grade that fits my eyes.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now