Chapter 35: The Result

28 0 0
                                    

(A snippet from CH 34.2)

===Zenrie===

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

===Zenrie===

May 16, 2020 07:00 AM

ABALA sa pagkuha ng asukal si Althea habang tinutulungan akong mag-set up sa sala ng cottage. Napabisita kasi ang mga kasamahan ko rito dahil na rin sa wala kaming schedule sa training. Puwera na lang daw kung may planong magkakaroon kami ng sparing session sa aming grupo o mag-farm para may magagamit sa konsumo at dagdag cedmit.

Kapansin-pansing palihim na tinignan ako ni Althea. Napatigil tuloy ako sa pagkuha ng tatlo pang mug sa cupboard.

"It seems you're sleepless again, Commander Zenrie," paglalahad niya't napaangat ako ng ulo.

"Parang ganoon na nga, Althea," mahinang tugon ko habang kinukuha ang garapong pinaglalagyan ng kape.

"May bumabagabag na naman ba sa isipan mo kagabi?"

"Medyo."

The more those things keep flashing in my mind, the more my chest stings. Hindi pa rin natatanggal sa isipan ko ang biglaang pagtawag ni papa sa mga kasamahan ko. How could he do that while I'm busy?

Dahil sa nangyari, I almost strangled Zoiren by grabbing his shirt aggressively. That kind of rage was pretty weird that triggered my exceeding stress.

Mukhang sinumpong ako ng dinadamdam ko kahit sa virtual world. My doctor has been giving me a warning about this. Pero sa virtual world, parang kakaibang galit ang nararamdaman ko.

Kaya kinailangan kong pumunta muna sa Bluis Astrae para makapagpahangin at labanan ang ibang Terbaeus na umatake sa iilang users sa ibang dako.

Ayokong manakit ng iba, kahit na kasamahan ko. I better apologize to Zoiren once he woke up. Hindi naman niya sinasadya 'yon at nadala ako sa galit ko.

"Zenrie, 'yong coffee powder..." Bumalik ang aking kamalayan nang marinig ko ang boses ni Althea. Napatingin ako tuloy sa tinitimpla ko at hindi ko napansing natapon nga ang isang kutsarang coffee powder sa counter.

Ah, shoot. Lumilipad na naman ang isipan ko dahil sa mga kaganapan kagabi. It's creeping in my mind.

Althea started to find it suspicious this time, raising one of her brows.

"Let me guess: It's about your private matters?" tanong ni Althea habang iniabot sa'kin ang basahan. "Maliban doon, nakita kong maagang umalis sina Jairus at Zoiren sa cottage. Sila na muna raw mag-farm para sa resources natin. Maliban doon, Zoiren seems quite different."

I averted my gaze when the name rang in my head. "Si Zoiren?"

"Parang tahimik lang siya, at maliban doon ay pilit pa ang ngiti niya."

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now