Chapter 20: The Girl on the Dance Floor

84 2 57
                                    

Author's note:

Still a part of the SAU Intramurals episode and this is going to be a long update. Happy reading! 

~SymphoZenie

==============================================================

===Zenrie===

Kasagsagan na ng opening remarks sa loob ng gymnasium. Tahimik kaming nakatingin sa tagapagsalita habang ipinapahayag niya ang mainit na pagtanggap sa mga panauhin at iba pang kasapi ng Strelia Aurelis University. Kahit na nga rin live stream sa ibang social media ay kasali rin.

Habang nakikinig ako, hindi ko pa rin maiwasang matanggal sa aking isipan ang nangyari kanina sa back stage. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Maliban kay Sack, may isa na palang nagmamatyag sa'kin dito sa virtual world.

Ang mas nakakagimbal pa, alam niya kung sino ako pagdating sa aking alter-ego at sa buong virtual identity ko. I couldn't believe that he's one of the new professors in this prestige university. Halos gusto kong magwala kanina habang nakikipag-usap kami.

Ngunit hindi puwede. Kapag ginawa ko 'yon, talagang mahahalata pa lalo.

Alam kong may sikreto rin siya sa likod ng mga matang 'yon. Sigurado akong matagal na niya akong minamatyagan simula noong makilala ko si Blaurei. Hindi man niya sasabihin sa akin ngayon sa salita, malakas pa rin ang pakiramdam kong alam niya ang buong detalye.

Maliban sa mga matang 'to at sa Navillerian Metamorphosis.

Nakakatawang isipin na matapos niyang sabihin ang bagay na 'yon ay kumaripas na ako ng takbo papasok ng gymnasium. Sigurado akong malilintikan na naman niya ako kapag nagkakaroon na kami ng pagsasanay para sa badminton at arnis. Gaganapin ang dalawang mga sports event na ito bukas.

Huwag naman sana siyang sumulpot na parang kabute habang kasagsagan ng last process sa aking Navillerian Metamorphosis.

Dahil na rin sa kabang naramdaman ko nang sinabi niya 'yon ay nagawa ko na lang umalis agad. Alam kong masama sa kaniyang palagay na ginawa ko 'yon, pero siguro alam niya kung bakit ko ginawa ang bagay na 'yon. Para kasing nagsimula na namang mag-trigger ang bagay na 'to.

"Huy Zenrie!" Malakas na tawag sa'kin ni Ranzou na nagpabalik sa'kin ng ulirat. "Mukhang malalim na na naman yata ang iniisip mo, ah."

Napatingin ako agad sa likuran ko at kitang-kita ko nga talaga ang malaking ngiti ng isang mokong na ang lakas maka-shout out sa'kin na dinaig pa talaga ang panawagan sa umuutang. I forgave him for that situation also, total may sablay naman akong nagawa dahil matagal akong nakarating.

Ngumiti ako sa kanya at tumawa nang mahina.

"Hindi naman masyado Ranzou," sabi ko. "Sa totoo lang medyo kinakabahan ako para sa performance natin mamaya. Ngayon lang kasi ako ulit sumali sa isang dance contest simula noong manalo ang section namin sa cheer dance competition noong nasa 12th Grade pa lang ng senior high."

"Sus! Huwag ka nang kabahan d'yan Riri!" Singit naman ni Mimi.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at muling tumingin sa akin. Ipinakita niya rin ang kaniyang mala-anghel na ngiti na isa rin sa nagpapakalma sa aking apoy. Unti-unti na ring humupa ang mga buhol na ideyang tumatakbo sa isipan ko sa ngayon.

She suddenly cupped my face and darted her puppy eyes on me.

"Ikaw talaga, para bang hindi ka na nasasanay na mag-perform sa stage simula noong elementary. Kahit hindi ka nakasama kanina sa music club para sa opening number dahil sa pinapahinga mo muna ang boses mo sa sobrang stress, masaya naman ako dahil nakasama kita sa dance competition na'to. Huwag kabahan; be positive! Laban!" masiglang saad ni Mimi.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now