Chapter 26.2: Arcantz Legionear

42 1 0
                                    

===Zenrie===

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

===Zenrie===

LAHAT ng aming atensyon ay nakatingin sa iisang tao sa screen. Walang mi isang ingay ang namumuo mula sa'min maliban sa mga tinig ng hologram. Mistula kaming nasa isang meeting hall ng kompanya na hinihintay na lang ang sagot ng boss.

Dinaig pa talaga sa detention ang pagiging seryoso ng mga tao rito. Isang tawa lang at baka may masapak sa amin dito. It's like a quiet place themed meeting hall.

May isang holographic screen ang sumulpot sa itaas namin. Mistula itong mala-dome ang datingan na kung saan ipinapakita ang mala-blueprint na impormasyon tungkol sa pag-uusapan namin ngayon. Ito ang isa sa mga kakaibang beta testers meeting na dinaluhan ko simula noong final phase.

"Napakalawak ng blueprint niya," mahinang puri ni Zoiren sa tabi.

"Ganoon na nga mismo Zoiren," tugon ko habang nakatingin pa rin sa mga detalye ng blueprint.

The blueprint consists of other information about the status of every user in the virtual world, especially the psychological status that they need to monitor using the supercomputer. Maliban doon, naipakita rin ang iba pang impormasyon sa estado ng Project: Virtualrealmnet.

Kumbaga, para itong initial report map mula sa game na nilaro ko dati ang ibang bahagi.

'Yon nga lang ay tila mala-parallel world ang tema nito dahil sa inilagay na bug ni Avicta sa systems.

Isama pa ang mga virtual world footage sa isang window. Sana hindi mahagip ng virtual world camera ang pagwawala ko sa Shadow Filora. Delikado na kapag may nakakita.

"March 29, 2020. Ito ang eksaktong araw na kung saan naganap ang hijacking sa Sirius Tech at sa virtual world na kinatatayuan niyo ngayon. Isang AI na nagngangalang Avicta o AI 6773 ang mistulang nagpakita sa kalangitan na naging pula ang nagsalita at nagbigay ng impormasyon kung paano kayo makakalabas. Except for that, everyone in my building was also in danger," paunang litana ni Prof. Leizuko sa lumalabas sa blueprint.

"Ano po ba ang nangyari sa Sirius Tech habang abala si Avicta sa paghasik ng masamang balita sa amin?" Althea asked straightly, darting her attention to the other window.

Ito na rin mismo ang isa sa mga katanungang gusto naming sabihin sa kanya sa simula pa lang. Sana man lang ay ayos lang din ang mga empleyado sa naturang gusali na iyon.

"Good thing you asked, Althea." Prof. Leizuko said and proceeds to continue, "Since the day the hijackers raid the Sirius Tech, they took over some of the systems especially in the 47th floor. Nandoon din ang main control room ng Siriuka-07253 Supercomputer na ngayo'y hawak nila. Dahil sa nangyari ay may inilagay rin ang pinuno ng mga hijacker na isang klaseng system protocol sa supercomputer na siyang nagkokontrol mismo sa mga Virtualrealmnet; Kabilang na roon ang mga ginagamit niyo at ng iba pang mga user sa buong bansa," dagdag paliwanag pa niya. Kasunod din n'on ang pagpapakita ng isa pang window sa iilang surveillance cameras na nakakabit sa naturang building.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now