Chapter 26.1: The Monument of Peace

70 1 2
                                    

===Zenrie===

April 27, 2020, 02:00 AM

"INAANTOK pa ako." Napahikab si Ranzou sabay unat ng kanyang mga braso habang nakatingin sa tapat niya. Nakaapat na siya ng baso sa kape kanina sa dorm pero hindi pa rin talaga tumalab sa kanya ang epekto ng caffeine. Habang kami naman ay agad na sinipa ang antok nito nang nakaisang mug na.

Siguro iba lang talaga ang tolerance ng isang tao sa kape. Hindi rin talaga kumpleto ang paggising minsan kapag wala ito.

Kasama ko sila ngayon sa gilid ng dorm na kung saan matatagpuan ang portal ng SAU na minsan ko nang ginamit papasok sa Bluis Astrae (isang lupain sa Avillerius kung saan nangyari ang aking Navillerian Metamorphosis). It's pretty confusing that a portal and teleporting station existed in the virtual world when you can only use one.

Both stations are quite near as usual. Mga 50 yapak lang ang pagitan.

Ang kaibahan nga lang sa dalawang ito ay tanging portal lang ay may kakayahang dalhin ka sa mundo ng Avillerius kesa sa isa na para lang sa virtual world version ng mundong nasa labas ng Virtualrealmnet. It's like more on easy transportation here in the parallel world of program systems.

At gaya nga ng sinabi ni Prof. Leizuko kanina sa ipinadala niyang mensahe, kinailangan naming magpulong ng ganito kaaga upang hindi mapansin ng iba sa dorm. Lagot na kapag may nakahuli sa amin.

Matagumpay naman kaming umalis sa dorm para hindi magising si Mimi. Maliban doon, madali kasi siyang maistorbo pagdating sa ingay, habang ako naman ay kabaliktaran. Kaya na rin ako inaasar na Sleeping Beauty dahil matagal akong magising at minsan pa'y muntikan pang mahuli sa klase (o talagang nahuli).

Isa talaga sa pasimuno ng bagay na 'yon ay sina Mimi at Issei. Nagsanib puwersa talaga ang dalawang 'to. Dinaig pa talaga ang pag-fusion ng dalawang cells.

"Pasensya na kayo kung ginising ko kayo ng ganito kaaga," mahinang paumanhin ko habang inaayos ko ang aking neck tie. "May emergency kasi tayo ngayon."

"At dito pa mismo sa tapat ng portal," wika naman si Zoiren at pinipigilang humikab.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya kung bakit sa ganitong oras pa niya naisip na magtitipon kami gaya ng ipinaliwanag sa pag-uusap namin kanina. Baka naman talaga may mahalaga siyang hangarin kaya kinailangan naming magtipon nang maaga.

"Bakit nga tayo nandito ulit sa portal ngayong 02:10 ng madaling araw?" naaantok na tanong ni Ranzou na napakamot sa ulo.

Lumingon ako sa kanila matapos kong buksan ang aking student's window. "Buksan niyo ang messages ng student's window. Siguradong isa ito sa mga pinakahihintay na tugon natin," saad ko at bahagyang ngumiti.

Zoiren give me a curious gaze and walks beside me. Kitang-kita rin sa kanya na tila nalilito siya kung ano ang ibig kong sabihin. Siguro nga'y epekto lang ito sa pagiging bagong gising niya. Matagal pa naman kaming nakatulog dahil napahaba ang usapan namin sa rooftop tungkol sa taong nagpadala sa'kin ng tiramisu cake.

"Huh? Pumunta lang tayo rito sa harapan ng portal para sa kugon?" inaantok niyang saad sabay tingin sa'kin.

Ginulo ko agad ang kanyang buhok habang nananatili pa ring naningkit ang aking mga mata. Mistulang walang bahid ng emosyon ang mga ito habang nangungusap din sa kanya.

"Naiintindihan ko ang bugso ng antok mo Zoiren," saad ko sa monotonong boses. "Mukhang nasobrahan ka sa pagkain ng chocolate bar kanina kaya nakulangan ka ng tulog at lutang pa."

Napailing naman siya sabay ayos ng buhok nang mabitawan ko ito. "Ayan ka na naman sa'kin Zenrie hindi porke't mas madali kang makakatulog kesa sa'kin," mahinang sabi niya.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now