Chapter 28: To Freeze or Promotion

66 1 0
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Trigger Warning: Suicide


===Zenrie===


Arcantz Legionear Headquarters


"OK... Ano kaya ang magandang kasunod nito?" I was rubbing the eraser tip of my mechanical pencil while looking at the notebook.


Napatambay ako sa study room ng Arcantz Legionear na malapit lang din sa may meeting area. Sumaktong puwede akong tumambay rito dahil may seryosong pagpupulong ang buong unibersidad ukol sa nangyari nitong Lunes.


It was already the last day of April--- 3 days after I showed up in the shoes of my alter-ego. Hindi ko inaasahang makikita ko ang mga reaksyon nila nang magpakita ako't tinalo si Beaurce. Nakakatawang isipin na pagkatapos ang pangyayaring iyon ay naubusan agad ako ng lakas.


I didn't expect that the power of hers is way kind of a hard thing to handle. Hindi kagaya sa larong kinagisnan namin.


"She lost her balance after exerting her full strength to lift the golden boulder. This was her one of a kind training that was given to her master just to enhance her strength and sword skills..." I wrote it on my notebook, trying to clear out my thoughts.


Kapag nafu-furustrate talaga ako sa nangyayari, minsan sa pagsusulat ko na lang binuhos ang pagod ko. It's my one of a kind stress-reliever at the same time. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapagpatuloy sa kuwento ko lalo na't naging abala kami nitong nakaraan.


Maliban doon, pumasok na naman sa isipan ko ang tungkol sa pinag-usapan namin nina Prof. Rythen at Prof. Leizuko bago pa man kami umalis para sa second phase.


Noong unang tunog ng sirena dati sa kasagsagan ng aming exam ay singbilis ng pagkindat kaming inilipat ni Avicta sa Foresomer Woods. Hindi pa natapos ang proseso ng aking Navillerian Metamorphosis sa mga panahong iyon. Nasaksihan ko rin kung paano pinatay ang kapatid ni Chelsen na talagang brutal, at lalo na ang pakikipaglaban namin sa pinakaunang Terbaeus Boss na si Tigmour.


Mukhang ayaw yata ni Avicta sa mga estudyanteng late nang gumigising. Maganda nga ang trip niya pero ginawang bangungot ang paggising nila ng maaga. Tinapang tokwa talaga!


Nagtaka kami ni Prof. Rythen no'ng una kung bakit hindi kami nasali sa teleport command ni Avicta noong magsimula ang Zeitsus Split para sa pagbubukas ng pangalawang phase ng ERCO 673. Pareho kaming nakatayo sa harapan ni Prof. Leizuko at nagtanong kung ano ang nangyari.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now